Chapter 8

284 14 7
                                    

Kidnapping

"What's happening?" I asked to break the silence in the car.

Umiling si Dmitri nang hindi ako nililingon. Nakapatong sa steering wheel ang kaliwang braso habang tutok ang mga mata sa bintana. Nang hilahin niya ako kanina palabas, buong akala ko ay sasalubungin namin si Mr. Saunders para ibigay niya ako. It's not like I wanted that but it was his words. And clearly he only said that to scare me.

Sa likod bahay kami dumaan. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita na naroon pa rin ang mga lalaking sibilyan. Saka ko lang din napagtanto na kaya sila pamilyar ay dahil sila rin ang mga lalaking kasama ni Dmitri noong gabing nagkagulo sa Red Light District.

Hila-hila nila ang dalawang lalaki. Walang malay. May busal sa bibig. Nakagapos ng lubid ang mga kamay sa likuran. Natigilan ako sa paglalakad at ganoon din naman si Dmitri.

Nang maipasok sa loob ng bahay ang mga walang malay ay tinanggal naman ang mga busal at pagkakagapos nila. Muli ay hinila ako ni Dmitri at pilit na ipinasakay sa itim na sasakyan na hindi kalayuan sa abandonadong bahay.

Wala pang ilang minuto ay pamilyar na sasakyan ni Mr. Saunders ang pumarada sa harapan. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ang matanda kasama ang isang tauhang naiwang buhay noon. I had a brief flashback of what happened that night. Hindi ako makapaniwalang lumipad siya sa China matapos mamatay ang mga taong nagtatrabaho para sa kanya.

Kasama ang driver, apat silang pumasok sa bahay. At dahil may kabagalang maglakad si Mr. Saunders ay nagkaroon ng sapat na oras ang mga lalaki kanina para lumabas sa likod bahay. Tinalon nila ang mababa at sirang bakod doon at nawala na sa paningin ko. May naiwan na dalawa na nagtungo naman sa lumang sasakyang nakaparada sa harapan namin matapos tuluyang makapasok ang grupo ni Mr. Saunders sa bahay.

Tumango sila sa direksyon namin. Dmitri nodded once although they probably didn't see him behind the tinted window. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at marahang hinaplos ng mga daliri ang baba para sa tumutubong balbas.

Before I could ask a question, sirens of the police vehicles rang in the area. Tatlo iyon, dalawa mula sa harapan at isa sa likuran namin. Lahat iyon ay pinalibutan ang sasakyan ni Mr. Saunders.

Hindi sila ang mga naunang pulis kanina. Sigurado rin akong hindi nila alam na may naunang pulis dito kanina. I just knew it.

Minutes later, they emerged from the abandoned house, dragging Mr. Saunders and his men out and to the police car. Umawang ang bibig ko na kasama ring dinampot ang mga lalaking kanina'y walang malay. Tila kagigising lang nila at naguguluhan pa sa nangyayari.

"What is this?" I asked breathlessly as the cars left, leaving Mr. Saunders' car behind.

Nang buksan ni Dmitri ang makina ng sasakyan ay bumukas din naman ang nasa harapan namin. He drove on the opposite direction and that old car trailed behind us.

"What's your plan?" I asked under my breath, curious about the man with me. "Hindi mo ako ibinigay kay Mr. Saunders?"

Seryoso ang mukha niya at alam kong walang balak na sagutin ang nauna kong tanong. Sa ikalawang tanong ay mabilis na napalingon sa akin, kunot ang noo at tila nandidiri pa. "Matatandang lalaki talaga ang gusto mo?"

It was foul and dirty words. Ilang beses ko na rin naman naipaliwanag na wala kaming relasyon ng Papa niya pero nanatiling ganoon ang opinyon sa akin. I don't think it would change anything if I try to explain again.

"Drive me back to the apartment," I said instead.

"I'm not your driver."

"To the police, then. I don't know what their plan with you is, but it's clearly dangerous and unlawful. Kasalanan na lumabag sa batas at higit lalo kung isang awtoritado pang nagtatatrabaho sa gobyerno na dapat ay siyang nagpapatupad ng batas—"

Unwilling VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon