Chapter 3

171 10 0
                                    

Home

Nakailang ismid na sa akin si Rina habang inaayusan ako sa gabing iyon. Kung minsan ay halos sabunutan na ako habang sinusuklayan. Binabalewala ko na lang tutal ay hindi naman umaabot ng isang oras ang pag-aayos niya sa akin. She would put little colors on my face and comb my hair. Pagkatapos noon, pagkabalik sa silid, buburahin ko rin naman dahil hindi ako komportable sa ganoon. Hindi rin naman kailangan pa. Sir William and I would simply talk until it's time for him to leave again.

Habang tumatagal ang mga araw ay mas gusto ko na ring sumama sa kanya. But the least I could do was to wait and trust the man who obviously saw me as his daughter. I wondered if he had a family of his own. A daughter?

Hindi ko magawang tanungin ang mga ganoong bagay sa kanya. Sa kabila ng ilang pagbisita niya, nananatili siyang misteryoso.

Sumagi sa isipan ko ang ikalawang misteryosong lalaki. His threat lingered in my head. Ngunit hindi ko maunawaan kung bakit o para saan. Bakit siya nasa silid ko? Alam kaya ni Rina ang tungkol doon? But she would have mentioned it if she did.

"That's enough," anunsyo ni Rina at tiningnan ang repleksyon namin sa salamin. Muli siyang umirap. "Ano naman kayang ipinakain mo sa mayamang matandang iyon at gustong-gusto ka? Hindi ko rin naman masabi kung naligayahan nga sa'yo dahil palaging bagsak ang balikat kapag aalis. Pagod? O baka naman kinukulam mo lang? Ano bang ginagawa mo?"

Tumayo ako at nag-iwas ng tingin sa takot na mabasa niya ang nasa isip ko. Ayaw kong makyuryoso siya sa kung ano talaga ang nangyayari sa amin ni Sir William sa loob ng silid. Tiyak na lahat sila ay kyuryoso sa determinasyon niyang magbalik-balik sa akin. Hindi rin biro ang binabayad niya.

I needed another three months. Nalampasan ko ang tatlong buwan nang hindi kami nabubuko. Siguro naman ay mabilis na ang susunod pang ilang buwan.

"M-Mauna na ako," sabi ko nang hindi siya nililingon. I heard her audible scoff as I walked past her. Hinahayaan naman niya ako kapag ganoon lalo at tapos na rin naman siya sa akin. Palapit ako sa pinto nang bumukas iyon.

Nagkatitigan kami ng lalaking puno ng tattoo ang braso. His name was Dier. Pangalawang beses pa lang naming magkita ngayon. Hindi ko mawari kung madalas siyang wala o madalang lang talaga kaming magkita. Unless he wanted to see me himself. Kagaya ngayon.

He looked past my shoulder and to Rina. "All's done?"

Rina stepped next to me and nodded once. Nakaekis ang mga braso sa kanyang dibdib. Muli niya akong tinapunan ng isang irap bago dumiretso sa pinto. "Kahit naman hindi mo ayusan ay maganda ang babaeng iyan. Malapit na talaga akong mapaniwalang mangkukulam iyan kaya ganoon na lang ang—" she was saying while exiting the room but Dier cut her off.

"You can now go," aniya sa akin.

Marahan naman akong tumango at akmang lalabas na rin nang muli siyang magsalita.

"Take her to the back door, Rina. The car is waiting."

Our heads spun around at him. Namimilog ang mga mata at nakaawang ang mga labi. Aalis na ba ako?

"Car?" si Rina.

Dier kept his eyes on me. "I'm torn between pitying you or being amazed at your fate." He smirked. Nang mapuna ang pagkunot ng noo ko ay nangingiting umiling sa sarili bago binalingan si Rina. "She'll be out today, Rina. Ayos na ang lahat. Lead her out here."

Kumalabog ang dibdib ko. Hindi sinabi ni Sir William. Ngayon na ako aalis? I glanced at the wall clock. May kalahating oras ng kadalasang pagdating niya. Mas maaga siya ngayong gabi?

Nakapagtatakang hindi ko magawang magalak. Hindi pa marahil pumapasok sa sistema ko na makakalaya na ako rito. Hindi ko rin magawang magsaya sa harapan ni Dier. Nanatili sa akin ang mga mata niya at nang nahuli ang pagnanakaw ko ng tingin ay nagtaas ng kilay.

Unwilling VictimWo Geschichten leben. Entdecke jetzt