Chapter 2

260 15 6
                                    

Worthless Life

For three months, I was locked up in that place. Nauubos ang oras ko sa loob ng silid na pinagdalhan sa akin at lalabas lang para mag-ayos tuwing Sabado at Linggo. Dinadalhan ako ng pagkain na noong una ay hindi ko pa pinapansin bilang pagmamatigas. Hindi ko magawang paniwalaan na kaya iyong gawin ni Tiya Berna sa akin.

"You should eat. I heard you barely touched your food," ani Sir William nang sumapit ang Sabado.

Nakaupo siya sa paanan ng kama na may ligtas na pagitan mula sa akin. He's been very cautious and respectful of my personal space since that first night we met.. Siya iyong lalaking huling dumating noong gabing iyon. He must be around the same age as my dad. Iyon din ang una kong napuna sa kanya. He instantly reminded me of my parents, and the sight of him made me burst into tears. Although, to be fair, I was already sobbing when he entered the room. 

Nanginginig ang buo kong katawan sa takot, ang mga braso ay nakayakap sa sarili habang ang makapal na comforter ay nakapulupot sa akin. I thought I'd die when I saw him walk inside the door. I was trembling and sobbing. Pigil ang hininga habang mabagal siyang lumalapit. Nakalma lang nang naupo siya sa paanan ng kama at ilang minuto kaming binalot ng katahimikan.

Still, I could not put my guards down. Lalo pa nang naging malinaw sa akin kung ano ang trabahong tinutukoy ni Tiya Berna. That explained the couples I saw outside. Kung bakit ganoon din ang reaksyon ng mga tao sa bar sa ibaba. This place was a brothel, the name by the door said it all. Tiya Berna brought me to this place to make money by... selling my body. Gaya ng sinabi ni Rina.

The men took me to the left wing and the room at the end hall. Hindi ganoong kalayo ang pasilyo ngunit maraming silid. Sa kwarto ay dalawang babae na halos na nasa edad din ng babaeng receptionist. Nag-aayos sila ng ilang damit na nakalatag sa kama. Ganoon na lang ang pagsinghap ko nang itulak ako ng mga lalaki sa kanila. Mabilis nila akong nasalo. Mga kamay naman nila ang pumulupot sa akin bago ako hinila sa bathroom.

Naguguluhan man ay tahimik akong nanood. Isa sa kanila ang pumasok sa shower room at iminuwestra sa akin na pumasok. Kunot ang noong nilingon ko ang isa pa na lumapit at tangkang huhubarin ang suot kong bestida. Namilog ang mga mata ko at agad na humigpit ang yakap sa sarili.

"A-Ano'ng... Bakit mo 'ko—" Naputol ang sasabihin ko nang ngumiwi ang babae at muli ay sinubukan akong hubaran.

Nagpumiglas ako kaya lumabas ang babae sa shower room upang tumulong. The cold determination in their eyes sent me into a panic. Dahil manipis na ang tela ay napunit ang damit. Sa takot ay malakas ko silang naitulak palayo sa akin. Ngumiwing muli ang babae nang tumama ang kanyang likod sa sink. Tumalim naman ang tingin sa akin ng isa at akma muli akong hahawakan.

"Ano'ng ginagawa n'yo? Bakit n'yo ko hinuhubaran? Ang sabi ni Tiya Berna ay narito 'ko para magtrabaho."

Umirap ang babaeng nasa harapan ko. "Hindi ba tama naman? Trabaho nga itong pinasukan mo. At kung gusto mong kumita nang malaki ay hayaan mo kaming ayusan ka. Para naman maging kaaya-aya kang tingnan sa mga customers." Naglandas ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Malinaw ang pagka disguto sa kaanyuan ko. Lalo na sa suot na damit.

"C-Customers?... Naligo na ako kanina bago umalis ng bahay. Kung magpapalit ng damit ay kaya ko namang mag-isa. A-Ano ba ang magiging trabaho ko rito? Sino ba ang mga customers? Mag... Maglilinis ba ako nitong mga silid?" Ako man ay nalilito sa sarili. Humakbang ang babaeng nasa sink palapit sa akin. Lumipad sa ere ang kamay niya. It was my instinct to close my eyes and stand still. Subalit malakas na suminghap ang babaeng nasa harapan ko at itinulak ako palayo.

Nang magmulat ng mata ay pareho silang matalim ang tingin sa isa't isa.

"Ayusin mo nga iyang temper mo, Rina," ani ng babae. Rina was shorter than her but definitely looked fiercer with her short bob of bright red hair.

Unwilling VictimTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang