Chapter 1

505 20 7
                                    

Bordello

"Tiya, hindi po yata pwede ang bata rito," may pag-aalinlangan kong sinabi nang rumehistro sa akin ang klase ng lugar na pinuntahan. 

Pagkababa ng taxi ay hinila niya ako sa tabi ng main road kung saan buhay ang mga ilaw kahit alas-onse nang gabi. Namamangha pa ako noong una sa maraming liwanag. Ganito ang mga night market sa ibang bansa at nakatutuwa na may ganito sa Pilipinas. 

Sa magkabilang gilid nang mahaba at maluwag na loobang iyon ay nagliliwanag din ang pangalan ng bawat establisemento. Hindi ko lang nabasa nang mabuti nang matanaw ang babae na tumatawid sa pedestrian lane, tanging itim na bra at maiksing shorts ang suot. Sumasayaw ang mahaba at bagsak na buhok sa kanyang likuran.  

Hindi ko naitago ang pagkagulat doon habang kaswal niyang tinatahak ang kalsada suot ang mataas na sapatos. Kung hindi pa ako hinila ni Tiya Berna palayo roon ay tiyak na hindi ko na maiaalis ang paningin sa kanya.

Hanggang sa tuluyan na nga naming pasukin ang maliwanag na looban. Ang linya ng iba't ibang kulay ng palamuting ilaw ay nagbigay liwanag din sa itaas. Ganunpaman ay parang madilim pa ring tingnan ang paligid. 

Bumagal ang paglakad ko ngunit dahil hila-hila ni Tiya Berna ay hindi ko rin nagawang huminto.  

"Sino'ng bata? Disi-otso ka na ha? At sa taas mong iyan, bata pa rin?"

Umawang ang mga labi ko upang mangatwiran. Namilog rin ang mga mata. Hindi niya iyon puna habang patuloy akong hinihila. Hindi ko rin naman maiwasang tumingin sa paligid. 

The place was alive. I couldn't tell what exactly this was called. There were lots of restaurants and open bars kung saan dinig sa labas ang malakas na tugtugin ng musika sa loob. Marami ring lamesa at upuan ang nakahilera sa gilid. Sa kabilang panig naman ay tindahan ng mga damit, bag at sapatos.

There were Korean, Japanese, and Chinese restaurants, too. It looked normal kung hindi lang sa mga babaeng nagtatawanan at palakad-lakad sa kalsada. Halos walang saplot at hindi alintana ang malamig na simoy ng hangin sa gabing iyon. I didn't want to sound judgmental by calling them anything but normal. Subalit para sa akin ay hindi karaniwan ang ganitong tanawin. That's why I knew I shouldn't be here.

Karamihan pa sa kanila ay nakalingkis ang mga braso sa mga lalaking naroon. One thing I noticed, and also very apparent, were the men. They were mostly foreigners. Young and adult. White and black. Short and tall. Kung hindi abala sa mga kausap, ilan sa kanila and napapalingon sa amin at sa suot naming damit.  

Parehas kami ni Tiya Berna na nababalot ng mahaba at bulaklaking bestida na halos mabura ang imprinta dahil sa kalumaan. Hanggang binti iyon ni Tiya ngunit sa akin ay umabot na sa tuhod dahil mas matangkad ako sa kanya.

Maluwag naman dahil malapad ang katawan niya at ako ay balingkinitan. At oo, kay Tiya Berna ang suot kong damit. Kaya naman ganoon na lang ang tinginan sa amin ng mga tao habang diretso naming tinatahak ang looban na animo ay pamilyar na pamilyar kami sa loob.  

I was not. Hindi ko nga lang sigurado kay Tiya Berna. 

"Tiya Berna..." nanginig ang mga labi ko. 

"Umayos ka, Aaliyah. Nangako ka na maghahanap-buhay, hindi ba?" Dumiin ang kapit ng kamay niya sa akin nang tumigil kami sa tapat ng isang establisyemento. Siguro ay kalahating oras din ang ginawa naming paglalakad bago iyon narating. At kahit ganoon, hindi ko makita ang hangganan. 

Tikom ang bibig ko nang pakatitigan ang ilang kalalakihang lumingon sa amin. Marami mang ilaw ay madilim sa loob ng gusali. May mahabang upuan sa labas kung saan nag-iinuman at nagkakasiyahan ang mga tao.

Unwilling VictimWhere stories live. Discover now