12

573 10 2
                                    

Asawa





                "Ynah! Bilisan mo naman! Apaka bagal! Hindi ka naman gany'an maglakad e!" Hindi n'ya pinansin ang pag-aalburuto ni Natalia, imbes ay mas pinakinggan n'ya ang kapayapaan ng paligid, nilalanghap ang amoy ng bagong tanim na palay, at dinama ang marahas na hampas ng hangin. Bitbit n'ya ang kanyang tsinelas dahil maputik ang dinaraanan nilang pilapil kaya mahirap maglakad, idagdag mo pa ang tirik na tirik na araw. Nakasuot s'ya ng manipis na jacket at mahabang pajama at s'yempre ang salakot n'yang panangga sa araw.

Hindi na n'ya nabilang kung ilang araw na ang lumipas basta ang alam n'ya'y mabilis na lumaki ang mga punlang palay dahil sa napakamaalaga nilang amo! And yes, she's referring to no other than, Tristan Russ Montemayor. Sagana kasi sa tubig at abono ang mga punla kaya't mabilis iyong lumaki at heto sila sa gitna ng napakalawak na bukirin, napapaligiran ng bagong tanim na palay, bitbit ang tanghalian ng mga magsasaka.

She giggled at the view, napakaganda lang pagmasdan ang mga palay.

"Ynah! Mamamatay sila sa gutom ng dahil sa'yo!" She smiled, genuinely, iyong ngiting umaabot sa kanyang mga mata. Kumunot ang noo n'ya nang tumigil si Natalia sa ginawa n'ya.

"Oh bakit ka tumigil? Are! Bilisan!" Asik n'ya sa kaibigan dahil nakaharang ito sa daan, ngunit hindi ito gumalaw at nanatiling nakatitig sa kanya.

"Ynah, ito ang unang pagkakataong ngumiti ka kasama ng mga mata mo." Mahina ngunit maliwanag ang na umabot sa kanyang tainga ang sinabi ni Natalia sa kanya.

"Natalia–"

"Alam mo bang nung una kitang nakita ay buhay ka ngunit para kang walang buhay..... dahil halos hindi namin..... hindi namin maramdaman ang presensya mo.... dahil walang buhay ang mga mata mo, kahit gaano pa kaganda ang mga ngiti mo, mapait ang mga 'yon at hindi totoo." Sinaksak ang puso n'ya kanyang narinig. Parang pinipiga ang dibdib n'ya sa paglalarawan ni Natalia sa kanya. Buháy, ngunit walang búhay? Isang mapag-ubayang ngiti ang pinakawalan n'ya, kasabay no'n ang maluwag na pagbitaw n'ya sa... Buháy, ngunit walang búhay na s'ya.

"Ngunit..... masaya ako... masaya ako para sa'yo, Ynah.... Masayang-masaya ako dahil nasaksihan ko ang unti-unting pagtamis ng mga ngiti mo at muling pagkabuhay ng iyong mga mata." Isang maluwag na ngiti ang namuo sa labi ng kaibigan.

"Iba talaga..... iba talaga ang kamandag ng isang MONTEMAYOR! Hahaha!" Natalia laughed, she pouted. Ramdam n'ya ang pagwawala ng kanyang puso.

"Baliw ka!" Asik n'ya.

"Ha? Hindi ako baliw! Ikaw! Ikaw ang nakakabaliw! Binabaliw mo s'ya, Ynah!" Binalot ng sigaw ni Natalia ang malawak na palayan.

"Natalia!" Suway n'ya sa kaibigan.

"Tara na nga Ynah!" Nilapitan s'ya ni Natalia at nagulat s'ya sa paghawak nito sa kamay n'ya at hinila s'ya nito sa paglalakad. But despite of the touch she didn't feel any fear, but she felt like crying, not for sadness, but for happiness. Isang butil ng mainit na likido ang kumawala mula sa kanyang mata kasabay no'n ay ang pag-usbong ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Iba talaga ang epekto ni Señor sa iyo! Haha!" Binitawan s'ya nito sabay takbo.

"Natalia!" Suway n'ya sa kaibigan ngunit natawa na lamang s'ya sa pagtakbo ni Natalia sa maputik na pilapil.

*

"Kain na!" Sigaw na Natalia nang makarating sila sa lilim ng mga puno. Nagbubunot pa ng punla ang mga babae habang abala pa rin ang mga lalake sa pagtatanim.

Naroon din si Archer na mukhang ngalay na ang likod mula sa matagal na pagkakayuko  kaya't napangiti s'ya ng magtama ang mga mata nila at sa paglipat n'ya ng tingin ay ang nag-aalab na titig ng kulay kapeng mga mata. Nagulantang ang dibdib n'ya, mabilis ding binawi ni Tristan ang matalim nitong mga mata at bumalik sa pagtatanim, ngunit naiwan ang dagundong sa puso n'ya.

Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-SeñorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant