9

756 18 1
                                    

Maroon





                Limang araw ng walang tigil ang buhos ng ulan dahil sa bagyo at limang araw na rin s'yang hindi lumalabas ng bahay. Mabuti nalang talaga at marunong s'yang mag-stock ng mga kailangan sa bahay, sumilip s'ya sa pintuan para tingnan ang kondisyon sa labas, napapikit s'ya nang kaagad na nanuot sa balat n'ya ang malamig na hangin. Malakas at pabugso-bugso ang ulan, sinamahan pa ng malakas na hangin.

"Sh*t!" She cussed, dahil may inilipad na yero mula sa.... hindi n'ya alam kung saan. Humugot s'ya ng malalim na hininga habang tinitingnan ang mga punong hinahampas ng hangin at ang iba ay nabuwal na.

Isa pang buntong hininga ang pinakawalan n'ya, kung hindi pa titigil ang ulan ay siguradong babahain na sila. Paano na sila kung sakali mang bumaha. Kung s'ya lang ay kaya naman n'yang manatili nalang sa bahay pero ang iniisip n'ya ang sila Nana Ester at Tata Selmo at ang iba pa, bukod kasi sa evacuation center ay wala na silang ibang mapupuntahan.... P'wera nalang kung.... bukas ang mansyon– suddenly image of him flooded her mind.

Limang araw na rin pala mula ng huli n'yang makita ang binata. That was when she saw him leaving in a hurry. Nang araw na 'yon ay  hindi na rin n'ya nakausap ang binata dahil nagmamadali nga itong umalis, si Nay Linda ang nagsabi sa kanya sa hindi muna sila papasok hangga't hindi natatapos ang bagyo. For some reason there's something..... there is something.... something in her that's wanting to know his whereabouts. Kung nakauwi na ba ito– what the h*ll Ynah Lei! When was the last time she got concern about someone?.... Hindi na n'ya maalala at ayaw na n'yang alalahanin pa.

Isinara n'ya ang pinto, pagkatapos ay yakap-yakap ang sariling nagtungo sa kusina, alas tres na pala at hindi pa s'ya nananghalian. Alas tres palang ng hapon pero madilim na sa labas. Tinatamad na binuksan n'ya ang stove at isinalang ang kaserolang may tubig. Noodles na may itlog nalang ulit ang kakainin n'ya. Walang kanin dahil tinatamad s'ya at hindi s'ya gaanong gutom.

A minutes later, she lazily ate her food and lazily wash the dishes after. At saka s'ya pumasok ng k'warto para mag-charge ng selpon at flashlight dahil mas lalong lumalaks ang ulan, baka mawala bigla ang kuryente. Though she doesn't usually use her phone, even her social media accounts are all private for privacy and for personal reasons. Ginagamit n'ya lang 'yon selpon pang-contact sa mga magulang n'ya and some kamag-anak.

She threw herself on the bed, she curled when she felt the cold breeze hugging her. She closed her eyes and emptied her mind.

Hindi na n'ya namalayang nakatulog s'ya at nagising na lamang s'ya sa malakas na ulan.  Napabalikwas s'ya ng bangon dahil sa mga boses na naririnig n'ya sa labas. What the h*ll is happening! Mabilis na nilisan n'ya ang kama at kinapa ang switch ng ilaw pero... eto na nga ang sinasabi n'ya... wala ng kuryente. Kinapa n'ya ang saksakan at hinugot ang charger ng selpon ibinulsa n'ya ang 'yon at isinunod na hinugot ang flashlight at dali-dali iyong binuksan.

She left the room and hurriedly went to check the situation outside. Nagulat s'ya sa pagbukas n'ya ng pinto sobrang lakas ng ulan, almost zero visibility, pero naririnig n'ya pa rin ang boses nila. Kinuha n'ya ang kapote n'ya, lalabas s'ya hindi s'ya matatahimik kung hindi n'ya makikita ang sitwasyon sa labas. But, before she could go, she saw Archer walking towards her house. Basang-basa ang binata kahit nakasuot ito ng kapote.

She immediately invite him inside but he declined.

"Ano raw ang sitwasyon?" She worriedly asked.

"Magtaas kana ng mga gamit mo..... tumataas na ang tubig sa ilog. Nag-anunsyo na rin ang bayan ng Luisita na ano mang oras ay magpapakawala sila na ng dam."

"Sila Nana Ester?"

"Tinulungan ko na silang magtaas ng gamit kanina, kapag pinakawalan na ang dam ng Luisita, dadalhin ko na sila sa mansyon, kasama ka, pagkatapos ay babalikan ko sila tatay." Ani nito na agad n'yang hindi sinang-ayunan.

Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-SeñorWhere stories live. Discover now