11

367 8 1
                                    

Señorita

             Days went so fast, as fast as..... how they grew closer and closer. Naningkit ang kanyang mga mata ng mamataan n'ya si Tristan na may kung anong kinakalikot sa gulong ng bisikleta n'ya. Ano na naman kaya ang ginagawa ng lokong iyon?! Madaling tinungo n'ya ang garahe kung sa'n naroon ang binata at ang bike at ang nagkalat na tools.

"Inaano mo na–bakit flat?!" Gulantang na tanong n'ya kay Tristan.

"Tsk, tsk, I'm sorry for your lost." Iiling-iling na sagot nito habang ang mga mata'y nasa bisikleta pa rin. Humugot pa ito ng malalim na hininga at saka hinubad ang pang-itaas nito at pinangpunas ng pawis ang damit. Lihim na pinaikot n'ya ang mata n'ya sa paghuhubad baro ng binata sa harap n'ya, ugali n'ya iyan e! He really likes to show those pandesal and the biceps.

"Inano mo?" She fired maliciously.

"Hindi ko inano, the truth is.... I even tried to fix it. See!" He pointed the messy tools. But she doesn't trust that tone of his voice, but he just averted her gaze and bit his lower lip.

"Ano–"

"Señor! Señor kailangan n'yo pa ho ng pako?!" Sabay nilang binalingan ang si Mang Kanor na sumulpot mula sa kung saan.

"Saan ho gagamitin iyang pako, Mang Kanor?" Madaling tanong n'ya sa driver.

"Ah...eh...."

"Yung gate sa rancho bumigay na, aayusin ko sana." Mabilis na sabat ng binata sa hindi makasagot na si Mang Kanor.

"Tama! Ay hinahanap nga pala ako ni Manang Linda, sibat na 'ko!" Mabilis pa yata sa kidlat na nawala ito sa paningin n'ya.

"Paano ako makakauwi n'yan?" She said, problematic.

"Hatid na kita!" He flashed a handsome smile and winked. Pagkatapos ay nagpaalam itong magliligo lang saglit. Wait– bakit pakiramdam n'ya'y may mali?

Ilang minuto at bumalik ang binatang magulo ang buhok at hindi natuyo ng maayos.

"Let's go!" Nauna ito sa nakaparadang ford raptor dahil iyon ang sasakyan sa nasa labas.

"Get in, señorita." He opened the car's door and acted like a prince, gesturing her to get on the car. Pinigilan n'ya ang sariling ngumiti kaya't sa halip ay sinamaan n'ya ito ng tingin na mahinang ikinatawa lamang ng binata. He really is a tease, tinatatawag-tawag s'ya nitong señorita na minsa'y ginagaya na rin ng ibang trabahador doon sa mansion. How many times she told him not to call her "señorita", but he's just born a tease.

"Saan tayo pupunta?" Baling n'ya sa binata nang mapagtantong sa ibang direksyon nito kinabig ang manibela.

"Sa bayan, may gagawin tayo." He answered.

"Anong gagawin?" Her forehead creased.

"Activity." Activity?

***

Patakbong umikot ang binata para pagbuksan s'ya ng pinto ng sasakyan pero pagsilip n'ya sa labas ay nagdalawang isip s'yang bumaba ng sasakyan. Tumigil sila sa plaza kung saan nakahilera sa kalsada ang nagtitinda ng iba't-ibang street foods. Nagdalawang isip s'ya dahil hapon na at sa oras na 'yon pinakamaraming tao roon. Is this the activity he's referring to?

Hinagilap n'ya ang mga mata ng binata. There she saw a glint of hope and worry.

"So this is the activity?" Tanong n'ya sa binatang nakahawak pa rin sa pinto ng kotse. Kumunot ang noo n'ya sa pag-iling ng binata.

"No, this is our first date." Hinanap n'ya ang paglalaro sa tono nito ngunit ni katiting na paglalaro ay wala s'yang nahimigan. His eyes pierced through her soul, ang bolta-boltaheng hindi maipaliwanag na pakiramdam dulot ng nag-aalab na titig ng binata, mula sa mga mata n'ya'y tumagos sa puso n'yang hindi mapakali.

Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-SeñorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon