00007

6 1 0
                                    

Nakamasid lang ako sa mga taong dumaraan at kumakain habang hinihintay si De Lara na mag order ng pagkain namin.

Gusto ko sana ako na ang mag order but he insist, hindi na lang ako nakipagtalo dahil alam ko hindi sya papatalo!

Sinabi ko na lang na isang rocky road flavor tapos beef ang burger ko without cheese para pumila na sya.

But watching people here, parang nakakapanibago. Before, hindi ako nakakapunta sa ganito, nakakaupo para bumili ng pagkain na may kasama! Bahay at skwela lang talaga ako.

Though gusto kong gumala minsan pero sino namang kasama ko? Wala din akong pera so better be, umuwi na lang at mag-aral!

But today, I am sitting this chair at may kasama! Parang natupad ang isa sa mga childhood dreams ko.

"10 minutes pa raw bago ma serve. Okay lang ba?" I nod at him habang nakamasid pa rin sa mga tao.

"Pwede kaya yon? Mag s-shift ako to comsci kahit ang strand ko before ABM?" Napalingon ako sa kanya dahil mukhang seryoso na ang kanyang sinabi.

I look at him, waiting for his joke pero walang dumating, nag-iisip lang sya ng sagot sa katanunangan nya.

"Bakit mo naisipang mag shift?"

"Mas gusto ko ang mga computer, masyadong chill ang BSBA, walang thrill" kibat-balikat nyang sabi pero I agree on what he said.

Para pa ring nasa senior high-school ang mga tinuturo, sobrang basic lang! Ang kalaban mo lang talaga ay quizzes at oral! Ang daming eh m-memorize! para syang science ang daming side dishes but all in all, nothing is interesting.

Lahat ng tinuturo mamin pwede namang matutunan through the process of having a business so pweding hindi na pag-aralan pero wala akong choice eh, dito lang libre. Tyaka na siguro yong pangarap kong maging accountant to lawyer kapag may pera na ako, hindi pa naman huli ang lahat.

"Pwede yan. Mag bridging ka na lang" tumango-tango sya.

"Ikaw,? Gusto mo talagang mag BSBA?" I immediately shook my head.

"Mas gusto ko accountancy, wala rito eh"

"How about the other school?"

"Ang laki ng tuition, may mga free naman pero walang allowance at dorm kaya sumugal na ako rito"

"I see. Tama ka naman...."

"Table number 2" tawag sa number namin agad namang tumayo si De Lara para kunin ang order namin.

I frowned when I realized that I talked to much but hindi naman siguro masama! He seriously asked so I answered seriously! Minsan lang kasi mag seryoso eh.

"Here's your milk tea kamahalan, rocky road yan at burger mo, beef yan, walang cheese" parang tanga nyang sabi.

"Salamat" he nod.

"Samahan mo rin ako sa dean mamaya ah?" Lukot ang mukha akong tumingin sa kanya he laugh.

"Ayoko"

"To naman, nabawasan ang allowance ko dahil ni libre kita parang sasamahan lang eh! Grabe naman"

"Nanunumbat ka na nyan?" Sarcastic kong sabi.

"Hindi naman at tyaka ang sungit mo! Pwede namang sumagot ng Oo Clyde, sasamahan kita mamaya pero saglit lang ah!"

I frowned at him while sipping at my milk tea dahil ngayon ko lang narinig ang first name nya. Tanging surname lang alam ko dahil yon palagi ang tawag sa kanya ng mga prof.

"Sarcastic talaga ano? Wala kang puso" pagtatampo nya.

"Paano ba dapat?" Pangsasakay ko na lang para naman hindi tahimik ang atmosphere naming dalawa.

Just Like HowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon