9

2.4K 242 117
                                    

Ville Jet Abellar

"Rocket?" 

Mabilis kong naitulak palayo si Rocket sa akin at hinarap ang taong tumawag sa kaniya. Isang may katandaang babae ang sumalubong sa paningin ko. Maluha-luha niya pang tinitigan ang damuho sa tabi ko. 

"Ya," ang buntong hininga ni Rocket. 

"Ikaw nga!" Umabot sa mga mata ng babae ang ngite niya at nagmamadaling tinawid ang pagitan nila ni Rocket. 

Niyakap niya kaagad itong katabi ko at ganoon din naman si Rocket. Ang cute pa nga nilang tingnan at magkasing-height lang kami ni ate kaya nakayuko pa si Rocket habang nakayakap sa kaniya. 

"Kumusta ka na? Ngayon ka lang nagpakita sa akin. Iyong lola mo..." 

Napatingin si Rocket sa akin saka siya tumikhim. "Sa loob na tayo mag-usap, ya." 

Napakamot ako ng ulo habang nakasunod sa kanilang dalawa. Inakay ni ate si Rocket papasok ng malaking bahay. Ilang beses na rin akong nakapasok sa mga mansiones ng mga kaklase ko, pero itong kay Rocket yata ang pinakamalaki at pinaka-engrande. 

Ang matataas na kisame, ang higanteng chandelier, ang marmol na sahig, ang kabi-kabilang aircon at makikintab na mga furniture ang muling nagpaalala sa akin kung gaano kalayo ang estado ng buhay namin ni Rocket. Tas binabatukan ko lang pag-d-in-o-dogshow iyong mga quizzes ko.

Walang maya-mayaman sa mga studyante ko. Pag bobo ka. Bobo ka. 

May sinenyasan si Rocket na maid na dumaan tas pinakuha iyong bitbit kong pagkain. Kala ko pasalubong niya sa nanay at tatay niya. 

"Bring the food upstairs sa kwarto ko," aniya bago kami pumasok sa parang dining hall nila. 

Palinga-linga lang ako sa paligid. Nang makita ang panauhin sa hapag kaagad akong umayos ng tayo at nagtago sa likuran ni Rocket.

Ang matandang lalaki sa kabisera ang una-una kong napansin. Mukhang siyang afam na may sampung kabit at limampung anak sa labas provided with house and lot at weekly allowance.

Tas sa gilid niya ay isang matandang babae na puro uban na ang buhok. On flick ang kilay at Dior ang lipstick. Maputi ito at mukhang may dugong kano rin.

Ukupado ang lima pang upuan ng tatlong matandang lalaki at babae tas 'yong dalawang lalaki parang ilang taon lang ang tanda kay Rocket at iyong babae namang mukhang ka-edad lang din namin ni Rocket. 

"Rocket, ijo," ang nakangiteng tawag ng ubaning babae kay Rocket. Ito yata 'yong lola niya.

"Nonnina," ang tawag dito pabalik ni Rocket bago siya naglakad palapit dito.

Syempre naiwan ang ganda ko para makita nilang lahat. Kita ko pa ang pagtaas ng kilay babaeng maganda pero amoy na amoy ko na ang ugaling pang-demonyita.

"Uh, hi... hi po. Hello.. haha," kumaway-kaway pa ako sa kanila gamit ang dalawang kamay at may pilit na ngite sa mga labi.

Para akong tuod na nakatayo sa kinaroroonan ko habang pinapanood si Rocket makipag-plastikan sa lola at lola niya. Nagmano din siya doon sa lalaking kamukhang-kamukha niya. Tatay niya yata.

"Rocket, who's that," ang maarteng tanong nong babae habang turo-turo ako.

Who's that daw. Ako lang naman ang nanakaw sa buong yaman ng pamilya niyo.

Nagkatinganan kami ni Rocket na tinaasan lang ako ng kilay. Subukan mong magkamali ng sagot masisira buhay mo.

"Kaklase ko. We're supposed to do some group work together when you called," ang paliwanag niya.

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon