Chapter 8

73 21 14
                                    

Ilang linggo na ang lumipas simula ng mangyari iyon. hindi na muli kami nagkausap ni Dalton dahil naging busy na kami sa mga homework at activities sa University.

Naibalik ko na din sa kaniya ang pulo niya na nasukahan ko, siniguro ko naman maayos at malinis ang pag kakalaba at naka plantsa nadin para wala ito masabi sa laba ko.

Kahit papano naman marunong ako gumawa ng gawaing bahay, lagi pangaral ni Lola Merlita sa amin. Importante parin matuto tayo sa mga gawaing bahay dahil hindi sa lahat ng oras ay nariyan sila sa amin.

Nandito ako ngayon sa library nagbabasa ng libro na kailangan ko sa pag re-review dahil midterm exam na namin bukas, major subject namin yun kaya kailangan ko mag aral ng mabuti dahil hindi ako makaka pag tapos kung babagsak ako sa subject na yun.

"Psst.. Zai, pansinin mo naman ako." rinig ko bulong ni naneh.

Hindi ko siya pinansin dahil abala pa ako sa pagbabasa ng libro. isinulat ko sa notes ko ang mga importante na maari maisama sa exam. Kalaunan naramdaman ko na lang ang paghablot niya sa notes ko.

"Ano ba kasi yun?!" Inis ko sinabi sa kaniya, hindi ko namalayan napalakas pala yung pagkakasabi ko kaya dumako ang tingin nila sa amin.

"Miss Cuizon! alam mo naman library ito, hindi kaba nagbabasa sa rules and regulations dito sa library?!"

"Sorry po ma'am." pahingi ko pasyensya sa matandang libraian.

"Sana hindi na maulit pa ito." strikto nito sinabi at umalis na sa harap ko.

Napabuntong hininga na lamang ako sa kawalan, kung minamalas ka nga naman.

"Sorry Zaire, napagalitan kapa tuloy ng dahil sa akin." nagui-guilty sinabi nito.

"Hayaan mona, ano ba kasi yun?"

"Ano kasi. magpapatulong sana ako, medyo nahihirapan ako intindihin ito, pwede mo ba ako tulongan?"

"Sige, patingin ako niyan."

"Nalilito kasi ako, kung ano yung ginagamit sa pagbabalita noong unang panahon at ginagamit parin ngayon sa kasalukuyan."

"Madali lang yan, sa panahon natin ginagamit parin natin ngayong kasalukuyan ang Print Media, Radio, Television, at Digital Media."

"I see, hindi din pala madali ang pagbabalita noong una panahon no? kasi if ever na wala ang mga yun pano na sila magbabalita diba?"

"Oo, kaya napakaswerte natin sa panahon ngayon dahil meron na tayo makabagong kagamitan na maari magamit sa pagbabalita."

"Salamat Zaire, dahil tinulongan mo ako, kung hindi baka mahirapan ako masagotan ang mga tanong sa exam."

"Ano kaba, Ayos lang yun." nakangiti ko sinabi sa kaniya.

Pinagpatuloy ko muli ang pag-gawa ng notes ko nilagyan ko na din ng highlight para madali makita ang mga importante na maari maisama sa exam.

"Teka, diba ito yung Ama ni Dalton? si Domingo Marquez candidate pala siya sa pagiging chairman?" Nakatingin ito sa Newspaper na kanina ko pa napansin na pinatungan ng libro.

Zaire Heart Beats (Romance Series #1) Where stories live. Discover now