Chapter 6

89 28 22
                                    

Maraming beses na ako ginugulo ni Chezka sa University malaki ang galit niya sa akin sa tuwing makikita niya ako kumukulo ang dugo niya. Kaya tuloy usap-usapan kami sa MSEUF ipinagkakalat niya kasi malandi ako at inagaw ko sa kaniya ang boyfriend niya.

Naniwala sila sa mga sinasabi nito kahit walang katuturan ang lahat na sinabi niya.

Kaya lahat sila nagagalit sa akin madali lang sa kanila ang maniwala at husgahan ang pagkatao ko kahit hindi nila alam ang katotohanan at kung minsan ay nasosobrahan na sila sa panlalait at paninira sa akin.

Sa kabila ng aking nararanasang problema ay nagpapasalamat parin ako dahil may totoong ako kaybigan na hindi ako iniwan at pinagtatanggol pa ako nito sa kanila.

"Okay kana ba Zaire?" nag-aalala sabi ni Naneh.

"Oo, okay lang ako Naneh, galos lang mga ito gagaling din ito." sabi ko.

"Tangina kasi yang Chezka na yan eh! ayaw kapang tigilan!" galit na galit na sabi ni Tinay.

"Malakas ang loob niya gawin ito sayo dahil kamag anak niya ang may ari ng MSEUF!" sabi ni Naneh.

"Bakit kaya hindi mo ito sabihin kina Tita Rosalie, palala na palala na ginagawa sayo ni Chezka eh!" Sabi ni Tinay.

"Wag! pakiusap wag niyo ito ipaalam sa magulang ko, ayaw ko malaman nila nangyayari sa akin sa loob ng MSEUF posible paalisin nila ako dito." pakiusap ko sa kanila.

"Iniisip lang namin ni Tinay ang kalagayan mo Zaire lalo pa may sakit ka sa puso." sabi nito.

"Ano na lamang ang sasabihin samin ng mga magulang mo Zaire kung meron hindi maganda nangyari sayo." seryoso sabi ni tinay.

"Naiitindihan ko naman ang punto niyo at nagpapasalamat ako dun dahil iniisip niyo ang kalagayan ko pero kung malalaman nila ito hindi ako magiging masaya." Naiiyak ako habang sinasabi ko ito "Ayaw ko nakikita sila nasasaktan ng dahil sa akin kaya pakiusap, ilihim na lang natin ito."

Hindi ko aakalain na hahantong pa dito ang lahat dahil sinasaktan na ako ni Chezka sa physical. Hindi ko alam bakit ganon na lamang ang galit nito sa akin. Kanina lamang sa restroom ng mga babae ay bigla niya ako sinambunutan kaya ganon din ang ginawa ko sa kaniya.

Natigil na lamang kami dalawa noong may umawat samin si Dalton seryoso at blanko lang ang kaniya mukha kanina kaya hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

Ang huling natatandaan ko hinila na lamang niya si Chezka palabas roon at ako naman pinuntahan ng bestfriend ko at inalalayan ako makaalis roon.

Nandito ako likod ng MSEUF merong malawak na garden dito at tambayan din ng mga studyante iilang studyante lamang ang pumupunta dito kaya dito ko naisip magpalipas ng oras habang naghihintay ng oras para sa susunod na klase.

Naisip ko magbasa mona ako ng wattpad dito hindi ko na malayan may tumabi na pala sa inuupoan ko upoan.

"Maayos naba ang sugat mo?" tanong nito na nahihimigan ko ito nag aalala sa akin.

"Sugat lang yan.. gagaling din agad."sabi ko na nakatingin parin sa phone.

"Tsk. humarap ka, lalagyan ko gamot ang labi mo."seryoso sabi nito.

Hindi ako nakinig sa sinabi niya at pinag patuloy ko ang pagbabasa ng wattpad, nagulat na lamang ako kinuha niya ang phone ko at pinaharap niya ako sa kaniya at seryoso ginagamot ang labi ko napatitig na lamang ako sa mukha niya habang nararamdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa labi ko.

"Wag mo ako titigan, baka ako matunaw."sabi nito.

"Hindi ko lang eneexpect na ikaw pa gagamot sa akin."

Zaire Heart Beats (Romance Series #1) Where stories live. Discover now