Hindi papalampasin ni Bea ang ginawa ni Maddie kay Cait at dapat pagbabayaran ni Maddie ang lahat.

° HOSPITAL°

Naawa siya kay Cait ngayon, mabuti na lang at walang damage yung ulo niya. Kaya safe yung brain ni Cait. Maraming pasa sa katawan si Cait siguro sa lakas ng pagmamaneho ni Maddie ng kotse niya grabi yung impact.

Habang naka upo siya malapit sa bed ni Cait.  Nakita niya na dahan dahang  binuka ni Cait Ang mga mata niya.

     "Love, Kamusta may masakit pa ba? Kamusta yung pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo?"

      "Love, kalma po yung paa lang yung sobrang sakit tapos yung katawan ko."

       "Sorry,Love. Kasalanan ko to."

       "Wala kang kasalanan, okay?"

       "Kung ako nalang sana ang umalis kanina di ka sana nasagasaan."

        "Love, wag mo nang sisihin yung sarili mo okay? Hindi natin alam na mangyayari pala to and hindi natin alam na makikita natin si Maddie kanina at hindi ko inaasahan na gagawin niya pala ito sa akin."

        "Wag kang mag alala, Love. Hinahanap na siya ngayon ng pulis. At grabi yung galit nila Dad dahil sa nangyari sayo."

        "Love, sinabi mo?"

        "Opo, sila Dad ng bahala sa kaniya, Love."

        "Thank you, Love."

        " I love you, sorry kasi nangyari sayo to."

        "I love you too, Love. Okay na po yun, okay?"

         "Hindi lahat magiging okay, love. Kung hindi kapa gumaling at hindi pa siya nahuhuli."

         "Ikaw talaga."

         "Totoo naman, Love."

Lumapit sa kaniya si Bea para mahalikan siya sa ulo at sa lips.

         "Gutom ka ba? Anong gusto mong kainin?"

         "Ikaw!"

         "Aba, wag dito love, mauudlot lang."

         "Nako, Sabi ko ikaw bahala."

         "Wag ka nang mahiya, love. Alam ko naman na gusto mo abs ko."

        "Ikaw talaga, Loko loko ka talaga."

        "Totoo naman, ha? Bakit ayaw mo?"

        "Uwi ka na don, Beatriz."

        "Mamaya na, Love. Kung andyan na si Camil at si Mama."

       "Mama ka dyan!"

       "Tita pala."

       "Hindi ka pa naligo po."

       "Bakit, Ikaw nakaligo ka na ba?"

       "Bago po tayo umalis, naligo na ako."

       "Kaya pala ang bango mo."

Ngumiti lang si Cait sa kaniya bilang sagot sa sinabi ni Bea.

Napakaganda ni Cait ngayon. Iba yung fit niya, sobrang simple parin niya kahit andyan na sa kaniya ang lahat, hindi maarte walang may nagbago sa kaniya.

THE TAPESTRY OF LOVE Where stories live. Discover now