CHAPTER 9

217 8 2
                                    

"BAKIT hindi tayo matutuloy? Sumagot ka na sa akin, ah." dismayadong react ni Maddie nang sabihin niya rito na hindi siya makakasama kinabukasan.

      "Birthday kasi ni Cait. Gusto ko sana siyang i-treat."

      "Bakit ka sumagot kung may kompromiso ka na palang iba."

      "Actually, nang pumayag ako sa request mo ay hindi ko pa alam na birthday ni Cait bukas. Kanina ko lang nalaman at gusto ko naman siyang pasayahin sa birthday niya dahil marami rin siyang nagawang kabutihan sa akin."

     "Ayokong pumayag. Sa ibang araw mo na lang siya i-treat. Excited na akong bumili ng mga gamit ko, eh." Natigilan siya sa naging reaksiyon ni Maddie.

Hindi niya inaasahang ganito ang magiging arte nito sa kanyang ipinakikiusap.

Noong may lakad sila ni Cait ay sapilitan nitong niyaya siya gayong alam na nitong may iba siyang kausap.

At si Cait, inunawa siya nito nang sabihin niyang kinulit siya ni Maddie na magpasama sa kanya. Hindi nagalit, hindi nag-react. Tapos ngayon, hindi man lang makita ni Maddie ang punto niya at ang kahalagahan ng lakad nila ni Cait dahil birthday noong tao.

      "I'm sorry, Maddie.  Nagba-backout na ako sa lakad natin. Hindi ko pwedeng i-postpone ang lakad namin ni Cait."

      "Ano?" tila galit na react nito.

      "Sige. Aalis na ako."

MGA sariwang rosas ang nabungaran niya paggising kinabukasan.

     "Happy birthday, Ate." Bati ni Camil.

     "Wow! Ang gaganda! Favorite ko 'to."

    "May sorpresa pa sa iyo sina Kuya Carl at Clark."
 
    "Ha?"

    "Halika sa baba, Ate."

Pagbaba niya ang bumungad naman sa kanya ay bagong lutong pancit canton at fried chicken sa mesa. Nagkantahan ng 'Happy Birthday' ang mga kapatid niya at ina. Teary eyed na niyakap niya ang mga kapatid.

     "Aba, saan kayo kumuha ng pinambili ninyo niyan?"

     "Ate, nag-sideline sina Kuya Carl at Clark sa paglilinis ng kalye. Dalawang oras isang araw at nakaipon silang pambili ng handa mo."

     "Ano ba naman kayo? Birthday na birthday ko ay pinaiiyak ninyo ako."

    "Siyempre naman, Ate. Love ka namin. Kung hindi ka namin naging Ate ay baka namamalimos na kami ngayon."

      "Ang dadrama ninyo. Sige. Kumain na tayo."

     "Teka, tatawagin ko si Ate Bea."

     "Naku, huwag! Ayokong ipaalam sa kanya na birthday ko ngayon." Awat niya.
 
     "Ha?"

     "Sige na. Kumain na tayo at huwag na siyang isali sa selebrasyong ito.. May lakad kami mamya. Saka ko na sasabihin sa kanya na birthday ko."

.................

NAKABIHIS na siya at hinihintay na lang ang tawag ni Bea.

    "Ang ganda ng Ate ko ngayon, ah. Pag hindi pa naman na-inlove si Ate Bea sa iyo, ewan ko lang."

THE TAPESTRY OF LOVE Where stories live. Discover now