CHAPTER 10

387 9 9
                                    

ANG pelikulang All About Love ang pinanood nila at nasiyahan siya sa tatlong love stories na napanood niya.

Pagkatapos noon ay dinala niya si Cait sa Max kung saan sila kumain rin ni Maddie noong isang linggo.

"Naku, ang mahal dito. Doon na lang tayo sa food court. Maraming value meals doon."

"Pwede ba, miss. Don't think about the cost. Ako naman ang magbabayad, eh. At tsaka ayokong tipirin ka. Kaya umorder ka na ng gusto mo."

"Masarap ang chicken dito, ano?"

"Kaya nga dito kita dinala. Ano pa ang gusto mo bukod sa chicken?"

"Okay na ako sa chicken."

"Sigurado ka?"

"Oo 'no. Hindi ako maselan. At tsaka pag gusto ko, sasabihin ko talaga ang gusto ko."

Isang buong fried chicken at pancit canton ang inorder niya para sa kanila. Sinadya niyang dito dalhin si Cait para sa isang mabigat na decision na magpapabago ng kanyang buhay.

Dalawang babae ang naging malapit
sa kanya nitong mga huling araw.

Dalawang babae na kino- consider niya para ligawan at pakasalan in the future.. Kino-consider niya, kasi, ngayon lang siya naging intresado na makipag-close sa mga babae. Sa unang kita pa lang niya kay Maddie ay na- attract na siya kaagad rito, physically. Gayon rin naman ang naramdaman niya kay Cait pero mas malakas ang hatak ni Maddie.

Kaya lang, sa madalas niyang pakikipag-usap sa dalawa, unti-unti niyang nakikita kung sino ang mas karapat-dapat niyang pag-ukulan ng pagmamahal. Oo nga at sa talino, sa estado sa buhay, sa career ay successful na matatawag si Maddie.
Mabait rin ito, strong ang character at sa tingin niya ay hindi basta magpapatalo.

Pero pagdating sa pagkatao at pangloob na kaanyuan, nakakahigit si Cait sa paningin niya. Labis niyang hinangaan ang pagiging totoong tao nito, ang pagiging maunawain at mapagpasensiya, ang pagiging mababang loob at pagiging wise sa mga bagay-bagay. Hindi ipokrita, hindi sosyalera na ikahihiya ang mga gawaing hindi maituturing na 'class' gaya nang pagpapabalot ng mga natirang pagkain. Higit sa lahat ay hinangaan niya ang compassion nito sa pamilya at ang pagtataguyod na ginagawa nito.

At sa palagay niya,, nakahanda na siyang isakatuparan na muli ang isa pang plano ng kanyang buhay. Ang panliligaw at ang pagpapakasal sa babaeng mapipili niya.

"TEKA, bakit ako lang ang kumakain? Ikaw?' baling niya kay Bea.

Punum-puno ang bibig niya pero nagsalita na.

"Ha? Ah...of course, kakain ako. Kasalo yata kita."

"Iyan ang gusto ko sa iyo, eh. Masyado kang bolera. Kung sino ang kaharap mo, iyon ang love mo," ngumunguyang sabi niya.

"Hoy, hindi 'no. Ikaw lang kaya sinabihan ko ng ganyan"

"Hindi ko sinasabi 'yan sa kanya."

"Oh, kumain ka na at baka mapaniwala mo ako."

Awtomatikong humiwa siya ng manok sa pamamagitan ng tinidor, tinusok iyon at inilagay sa plato ni Bea.

"Sana, kapag kasal na tayo ay ganyan ka palagi."

"Ano na naman 'yang pinagsasasabi mo na tila naman walang katiyakan," react niya habang nilalagyan naman ng pansit si Bea sa plato.

THE TAPESTRY OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon