CHAPTER 7

312 10 10
                                    

"SAMAHAN mo naman ako sa Sunday, Bei." paglalambing ma sabi ni Maddie sa kanya ng umagang iyon ng sabado.

Pareho silang walang pasok at pumunta ito sa kanyang unit at nagdala ng almusal.
 
   "Naku, may lakad yata ako sa sunday."

   "Magtatampo na talaga ako kapag hindi mo ako pagbigyan."

    "Saan ba lakad mo sa Sunday?

    "Sa birthday party ng friend. Pero gusto kung umalis ng maaga para makapasyal muna bago pumunta sa kanila."

     "Naku, hindi ako pwede sa morning. May kausap akong tao ng ten o'clock ng morning.

     "Sige na naman. Pagbigyan mo na ako." paglalambing ni Maddie sa kaniya at lumapit pa ito s bisig niya.

     "Pero....."

     "Sige. Kung ayaw mo, hindi na lang ako pupunta sa birthday party."

     "Aba, No. Baka naman magtampo ang kaibigan mo."

     "Okay lang yon."

Nag- isip siya. Nakonsensiya at natakot ma magtampo sa kaniya si Maddie.

      "Sige na nga, Cancel ko na lang ang lakad ko sa Sunday."

Tuwang-tuwang at napayakap sa kanya si Maddie.

      "Hayaan! Good, Love mo talaga ako, no!"

Naasiwa siya sa mga yakap ba iyon. Ewan niya kung bakit.

Habang magkasalo silang kumakain ni Maddie ay nag-iisip siya mg magandang dahilan para ipaliwanag kay Cait kung bakit hindi sila matutuloy sa lakad nila sa Sunday.

Kinagabihan ay inabangan niya si Cait sa pag-uwi sa guard house. Nagulat pero ang lapad ng ngiti ni Cait nang makita siya.

      "Bakit ka nandito?"

      "Sinusundo ka kaya."

      "Ano ka ba? Abuso ba ako, ah. Monday to Friday, inaabangan mo na ako dito tapos pati Sabado ay manunundo ka pa."

     "Ayaw mo ba yon?"

     "Nakakahiya naman yata."

     "Wala yon. Naisip ko lang yayain kang kumain ngayong gabi."

      "Ano ka ba? May date na tayo bukas, ah"

      "Feel ko lang,eh. Pagbigyan mo na ako."

Nakakahiya na 'yon, ah.

      "Sige na nga."

Sa isang fastfood restaurant bagi pumasok ng BESTFRIENDS PLACE sila kumain.

       "Alam mo, may gusto akong sabihin sa iyo." sabi ni Bea habang naghihintay sila ng kanilang order.

      "Ano 'yon?

      "Mabait ka at tsaka pasensiyosa. At tsaka, parang hindi ka marunong magalit."

      "Nagagalit din ako pero minsan ay pinipigil ko lang. Naisip ko kasi, ano ba ang makukuha ko sa galit? Ako lang ang kawawa dahil bukod sa magkaka-wrinkles ako ay masakit sa dibdib kapag nagagalit ka."

       "Sana naman hindi ka magagalit sa sasabihin ko."

       "Ano ba 'yon?Binibitin mo pa kasi ako, eh."

THE TAPESTRY OF LOVE Where stories live. Discover now