CHAPTER 1

544 11 1
                                    

CAIT'S POV

"Carl,Camil,Clark...paghati-hatian na ninyo ang tirang adobong manok, ha? kay Mama na 'yong nilagang baka at pinakbet. Carl, huwag mung kalimutang painomin ng gamot si Mama kapag nagising na siya. At bago ka pumasok sa eskuwela mamayang tanghali ay painomin mo ulit. Si Clarkie, ihatid mo muna sa school, ha? Please"

"Si Ate naman, paulit - ulit. Alam ko na po ' yan."

" Aba, nagsisiguro lang ako. Ayoko ko kasing mapapalyahan ng gamot si Mama at baka siya matulad kay Papa.

Iyon ang kaniyang routine tuwing madaling araw bago siya pumasok sa karinderyang pinapasukan niya na nasa loob ng palengke ng bayang iyon sa Cavite.

Matagal na siyang cook sa karinderyang iyon na pag aari ng dalawang magkapatid. May kasungitan si Ate Beth pero mabait ang kapatid nitong si Kuya Dante.

Bagama't masungit si Ate Beth ay hindi naman ito madamot at hindi rin nanakit. Mahilig lang itong magbunganga.

At kapag pauwi na siya sa hapon ay pinadadalhan na siya ng mga ulam na tira-tira na siya niyang inuuwi para pagkain ng kaniyang tatlong kapatid at ng kaniyang ina. Mula nang maulila sa ama ay siya na ang tumayong tatay at nanay ng kaniyang pamilya.

Parehong may sakit ang kaniyang Ina at Ama. Marahil nakuha sa trabaho ng mga ito bilang isang Construction worker at labandera. Ganon sila binubuhay ng kanilang mga magulang noong mga bata pa sila.

Subalit dahil siguro sa sobrang hirap ay parehong nagkaroon ng sakit sa baga ang mga magulang niya. At dahil sa kakulangan ng pinansiyal ay hindi nila nagawang nasustentuhan ang gamot ng kaniyang Ama at makalipas ang tatlong taon pagkakasakit ay binawian ito ng buhay.

Dahil doon ay pinagpupursigihan niyang mabili ang mga gamot ng kaniyang Ina. Kakulangan ng gamot ang pumatay sa kaniyang ama at hindi niya hahayaang matulad rito ang kaniyang Ina.

Kaya kahit na hirap siya sa trabaho ay nagtitiis siya. Hindi madaling maging cook. Init at lamig ang inaabot niya dahil kapag wala nang lulutuij ay tumutulong siya sa paghuhugas ng mga hugasin.

Dalangin na Lang kay Lord ang inaasahan niya para hindi siya mapasma or magkasakit sanhi ng kaniyang trabaho.

BEA'S POV

" Wifey na lang ang kulang at kumpleto na itong house mo, Ate Bei"

" True Dean's. Thank you pala at nai-refer mo ako sa may ari nitong BESTFRIENDS PLACE at nakabili na ako ng dream house and lot dito. I like the place huh? Tahimik at ang fresh dito at napaka pleasant ng lugar."

" Well, now na natupad mo na ang mga pangarap mo, it's about time na humanap ka na rin na taong iibigin mo."

" Yah, that is my next step deans, na gagawin ko sa buhay ko. You know me, lahat ay naka- plano na.  And now na I have my own house, pwede na akong mag- ipon for my wedding.

" Kahit na di ka na mag- ipon ng pera ate bei, you are rich kaya."

" Kahit I'm rich deans, may kulang eh, doon talo na ako."

" Gusto mo bang hahanapan kita."

" No thanks, That will come in my life. I will wait nalang. 

"I admire you. Your life is truly well-planned, and you have a long-range plan. You finished your studies, you have your own business na, then saved money, bumili ng sariling bahay and lupa, and now you're in the final stage of your long-range plan ate bei... getting married."

"It doesn't end there, Deans. My next goal and in the future, as a daddy to my future children, kidding."

"I hope I can be like you and have direction in my life."

THE TAPESTRY OF LOVE Where stories live. Discover now