CHAPTER 5

256 12 8
                                    

[ CAIT'S POV ]

MADALING araw ng Linggo sila namili ni Bea ng mga kailangan niya sa pagluluto, sa palengke mismo kung saan siya nagtatrabaho mula Lunes hanggang Biyernes, kung kaya halos lahat ng tindera roon ay kakilala siya.

"Ang poganda naman ng girlfriend mo, Cait," panunukso ng tindera ng karne kung saan sila namili ng manok, baboy at baka."

"Hindi ko po siya girlfriend. Kapit-bahay ko siya at may handaan siya mamayang gabi sa bahay niya at ako ang magluluto," mahabang paliwanag niya.

Pero hindi lang ang tinderang iyon ang nanukso sa kanya. Pati ang ibang mga tindera na binilhan nila ng mga kailangan nila ay nanukso rin.

"Pwede ka na palang kumandidato dito, eh. Halos lahat yata ay kakilala mo," saad ni Bea.

"Ang tagal ko na kasi sa amo ko. Siyempre, araw-araw ay nakikita nila ako."

"Buti wala kang pasok pag Linggo."

"Born-again kasi ang mga amo ko. Pag Sunday,talagang sarado sila. Sabi nga nila, ang Sunday raw for the Lord."

"Tama naman 'yon. Paano 'yan? Hindi ka tuloy makakasimba dahil sa akin."

" Okay lang 'yon. Minsan lang naman ito. Teka, wala na ba tayong nakalimutan?"

"Ikaw. Wala akong alam diyan. Ipinauubaya ko na sa iyo ang lahat."

MARAMING putahe ang ipinaluto ni Bea sa kanya.

Bukod sa tatlong putahe na ipinatikim niya rito ay nagpadagdag ito ng mechado, steamed fish, garnished with mayonnaise, lumpiang shanghai at lumpiang ubod at marami pang iba.

Kinatulong niya ang mga kapatid sa paghihiwa ng mga kailangang rekado at makapananghali ay sinimulan na niyang iluto ang mga putahe. Pagkaluto ng nga ulam ay pinangasiwaan rin niya ang pag aayos ng chairs and tables na inarkila ni Bea.

Ngunit napansin niya na lingon ng lingon si Bea sa katabi nitong unit.

"Sino ang hinahanap mo?"

"Ha? 'Yung bago nating kapit-bahay iimbitahan ko sana na dito na mag-didinner. "

"May bago na tayong kapit-bahay?"

"Oo.Lumipat siya kahapon. Solo flight ring kagaya ko. At ang ganda niya, Cait."

"Talaga?" nadidismayang react niya.

Wala namang masama kung tutuusin na sinabi ni Bea na maganda ang bago nilang kapit-bahay pero bakit parang na-bad trip siya.

Huwag ka ngang luka-luka. Feeling mo may karapatan kang magselos, kastigo niya sa sarili.

Pero nanahimik na siya. Bagama't panay ang kausap ni Bea sa kanya ay tango at iling lang ang isinasagot niya kung hindi rin lang niya kailangang kumibo.

Subalit nang maisip niya na wala naman dapat na ipah-inarte ay muli siyang nakipag-usap ng maayos kay Bea.

Fifty persons lang naman ang expected na bsisita ni Bea. At bumili ito sa kaniya nang maiayos niya ng maganda ang mga chairs and tables at mailagay ang mga pagkain sa food warmer na nahiram niya sa mga amo niya.

Pati ang mga table cloth ay hiniram niya niya kay Ate Beth at Hindi naman ito naging madamot na magpahiram ng mga gamit sa kaniya.

"Sobrang napabilib mo ako, Cait. Your so simple pero loaded ka ng maraming talents."

THE TAPESTRY OF LOVE Where stories live. Discover now