chapter seven

2 0 0
                                    

vi. second
victim

Keith

The second victim was Casciano Cordova.

The murder happened a week after the first case. His body was found inside the school campus. Both his hands and feet were tied up and he was believed to have died of blood loss from the deep incision on his neck. It is also worth mentioning that his eyeballs were nowhere to be found. Unfortunately, not enough evidence was available to point to a possible culprit.

Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at dali dali na kaming tumungo sa school gamit ang sasakyan ni Tobi. Habang nagmamaneho naman ay ramdam ko ang pagnginig ng magkabila kong kamay.

Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanila.

"K-Kung meron nga talagang nangyaring masama, won't we be considered the potential suspects?" Biglang tanong ni Heloise kaya napatingin ako sa kaniya mula sa rear view mirror.

"Why the hell would we be considered the suspects?" Chantria exclaimed.

"Because we know just where to find her!" Paliwanag ni Heloise. "It's basically how it works. We might be given the benefit of the doubt, but we sure will be considered primary suspects."

"Well, then screw this! Let me off the car! Ayokong makulong dahil sa bagay na 'di ko naman ginawa at higit sa lahat, kailangan ako ng kapatid ko." Cameron panicked and everyone else panicked too.

"Ayoko ring masangkot sa gulong 'to. My stepmom will kill me," dagdag na rin ni Naomy.

"Chill, people! Sasabihin nating malamang nahanap natin si Abigayl dahil hinanap natin siya, 'di ba? We aren't potential suspects. We are her friends that are concerned about her!" Bulalas ni Tobias na siyang nagpakalma sa lahat.

"Plus, we aren't guilty," tugon pa ni Chantria.

Pagdating namin sa paaralan ay sarado na ang gate. Pasado alas syete na kasi at maaga pa talaga sinasara ang campus.

"Sa likod na ulit tayo dumaan." I directed and everyone immediately followed.

Nang makapasok na kami ay halos madilim na ang buong paligid. All lights were off, the whole campus was silent, at tanging kami lang ang naroroon.

"Let's search the whole school in pairs just to make sure we're all safe," muli kong suhestiyon. "Charles sama kayo ni Naomy. Tobi samahan mo si Chantria. Sa'kin sasama sina El at Cameron."

Everyone did exactly as I said at kaniya-kaniya na nga kaming lumibot sa buong campus.

We only had our phones to use our flashlights dahil hindi na kami nakapaghanda. Basta-basta na lang kaming sumugod dito nang malamang hindi pa rin nakakauwi si Abi.

"Bakit hindi muna natin pinuntahan ang pastry shop na tinutukoy ni Abi?" Heloise asked out of nowhere. Sa Elementary Department kami unang naghanap.

"Sinabi nga ng mama ni Abigayl na dumating na yung cake na inorder niya 'di ba? Kung nagpunta siya doon at nalamang na-ideliever na pala ang cake edi sana umuwi na agad 'yon."

"Let's just make sure na wala siya dito at nang hindi na tayo mag-abala pa tungkol sa sumpa," sabi ko na lang din habang sinusubukang ikontak si Abi bawat limang minuto.

"This should be the moment of truth that would tell us whether the curse is real or not," giit ni Cameron na ikinabahala ko naman.

Tama siya. If it so happened that Abigayl did suffer the same death as the second victim, then this is purely no coincidence anymore.

But the curse can't be real. And Abigayl can't die. Hindi pwede!

"Mukhang wala dito," anunsyo ni Cameron na nasa huling classroom na ng department. "Saan tayo sunod na maghahanap?"

"Nasa library daw sina Charles," ani Heloise.

"Sa high school department tayo."

Sumunod din naman agad ang dalawa sa'kin at inuna namin ang classroom ng mga lower grades.

"Keith?"

Napabaling ako kay Cameron. Nasa kabilang classroom na si Heloise kaya kaming dalawa na lang ang nandito ngayon.

"Kung totoo nga yung sumpa, ano gagawin natin?"

Natigilan ako sa tanong niya.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Nung nakompirmang si Mikayla ang biktima sa Twin Bell Towers at kaparehong-kapareho ang tinamo niya sa unang biktima ay halos gusto ko nang maniwala na totoo ang sumpa. Pero ngayong si Abigayl na ang nawawala ay ayoko nang paniwalaan ito. Ayokong paniwalaan ang sumpa. Ayokong paniwalaan na anumang oras ngayon ay matatagpuan na lang namin si Abigayl na sinapit na ang kaparehong pagkamatay ng ikalawang biktima.

But then we heard a terrified scream from the outside.

Chantria

I couldn't stop screaming.

"Chantria—shit!"

Naramdaman ko na lang na tinakpan ni Cameron ang mga mata ko saka niya ako niyakap.

"Shh! Shh! Hey, it's okay. It's okay."

Charles and I wandered around the High School department but I got bored and decided to head straight to our classroom. Doon na tumambad sa'kin ang wala nang buhay na katawan ni Abigayl na naliligo sa sarili nitong dugo.

There were tons and tons of slits all over her throat na halos maghiwalay na ang ulo nito sa kaniyang leeg at wala na rin ang kaniyang mga mata.

Kahit na nakapikit ay kitang-kita ko pa rin ang bangkay ni Abigayl. And I just kept screaming and crying and shaking. Halos hindi na ako makahinga.

"A-Abi!" I heard Keith stuttering before he let out a loud, anguished cry.

"Holy shit!" bulalas pa ni Tobias.

Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ni Cameron sa mga mata ko at nakitang yakap-yakap na ni Keith ang bangkay ni Abi. Nang inangat pa niya ito ay tuluyan nang naputol ang ulo ng bangkay.

I screamed again and couldn't look at it any longer. Halos sabay na kaming naduwal ni Cameron. Maging si Keith ay napabitaw na rin sa bangkay.

Hindi ko na nasundan pa ang sunod na mga nangyari pagkatapos no'n. All I could remember is, we couldn't stop crying and shaking. Then the wail of sirens came. And the next second, a dozen policemen flooded the scene.

Pinabalik na muna kami sa bahay nina Abigayl upang kumalma but after what we saw? I don't think we can ever calm down.

"A-Ano nang gagawin natin? Iniisa isa na tayo." Nanginginig na bulong ni Cameron. Magang-maga na ang mga mata namin kaiiyak at halos mawalan na rin kami ng boses.

"Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko 'to!" Keith kept blaming himself, pulling her hair and even punching walls. "Dapat sinamahan ko siya. Hindi ko na dapat siya pinabayaang mag-isa."

Kalaunan ay pinauwi na rin kami at ang pulisya na raw ang bahala sa pagiimbestiga.

A police car drove us home and promised to explain everything that happened to our parents so we don't get into further trouble.

Pagkapasok ko naman sa bahay ay tila binagsakan ako ng malamig na tubig.

Nakaupo sa sala ay ang pinsan kong sumira ng buong pagkatao at dignidad ko

He grinned when he noticed me.

Agad akong tumakbo sa kwarto at naglock ng pinto. Mas lalo akong nanginig at umiyak na lang din ulit.

The monster is back.

⋘ to be continued... ⋙

Teen Murder SpreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon