chapter one

14 1 4
                                    

i. the article

Heloise

I always knew this world is one hell of a fucked up place. But at one point in my life I wondered; is it really the world that's fucked up? Or the people living in it?

'75-anyos na lolo, arestado matapos di umanong magnakaw ng tatlong de latang sardinas sa tindahan ng kapitbahay nito. Ayon sa suspek, nagawa lamang niya iyon dahil wala na silang makain ng anim na taong gulang nitong apo.'

It was yet another Monday where I woke up wondering how the hell did I survive last week and how the hell will I survive this week. I was lying upside down on the dusty old couch with my head just a few inches from the floor; where bottles of beer and crumpled papers of written hate notes scattered all over.

Kumawala ang isang buntong hininga sa aking bibig saka ko tamad na inilipat ang channel ng nilumaang TV sa kung ano mang susunod na istasyon.

'Isang disisais-anyos na dalagita ang kumitil sa sarili nitong buhay dulot umano ng depresyon. Sa aming panayam kasama ang mga magulang ng biktima, sinabing masiyahin at 'ni minsan ay hindi naman daw nila nakitang malungkot ang kanilang anak kaya't labis ang kanilang pagtataka kung bakit iyon nagawa ng biktima.'

I changed the channel again.

'Nagsagawa ng kilos protesta sa labas mismo ng town hall ang mga mamamayan ng Ghillore Valley matapos masangkot sa isyu ng bribery at theft si Mayor Felicio Kargor kasama ang lima pang mga opisyales ng barangay sa ilalim ng pamunuan nito. Bagaman patuloy pa rin ang imbestigasyon ng korte ay desidido ang mga mamamayan na paalisin na sa kani-kanilang pwesto ang naturang mga opisyales.'

I skimmed through a couple more channels in hopes of finding a somehow decent TV show because watching crappy news about the manic of this world is sickening. I mean, injustice isn't really entertaining.

'Crime rate at Ghillore Valley has been drastically increasing—'

I groaned. Pinatay ko na lang ang TV at hinayaan ang sariling tuluyang dumausdos sa sahig. Naramdaman kong nahigaan ko ang isa sa mga nagkalat na papel kaya bahagya akong lumiyad para kunin iyon saka ko binasa ang nakasulat.

I wish I never met the both of you!

I instantly made a face and threw the paper elsewhere. I wasn't sure if I was disgusted by my penmanship or was I disgusted by the reason why I wrote those notes while I was completely wasted last night.

I yawned.

It's already half past 10 in the morning and I have been debating with myself whether or not I should go to school. Well, if I were to be asked, syempre ayokong pumasok kasi tinatamad akong bumangon. But if the universe would give me one good reason for me to get up right now, I would consider it.

"Heloise!"

Biglang bumulabog ang matinis na boses ni Aling Bebang, ang may-ari ng bahay na inuupahan ko, habang sunod-sunod itong malakas na kumakatok sa pinto.

Umasim ang mukha ko.

Sa dinami-rami ng puweding ibigay na rason para bumangon ako, si Aling Bebang pa talaga.

Labag sa kaloobang napatayo na lamang ako mula sa pagkakahiga sa sahig saka tumungo sa pinto.

"Dalawang libo na ang utang mo sa renta. 'Di pa kasali diyan ang renta ngayong buwan." Bungad ni Aling Bebang nang buksan ko ang pinto.

The old woman in her late 50's blew her cigarette. She had frizzy white hair and wrinkles all over her forehead. Naka-daster itong kulay orange na may disenyong hindi ko maintindihan at nakapameywang na bahagyang nakatingala sa'kin.

Teen Murder SpreeWhere stories live. Discover now