chapter three (part 2)

3 0 0
                                    

iii. twin bell tower

Mikayla

If you still hadn't realize how unfair life is, just think about how other people are out there living the moment and potentially jeopardizing their future while I'm stuck here grieving my dad whom we lost to cancer three years ago, and constantly dying inside while seeing my mother suffer an unknown disease that had her bedridden because we don't have the money to have her checked.

Ako na lang ang kumakayod para sa'ming dalawa ni mama at alam kong kailangan kong magpakatatag pero sa totoo lang, hindi ko na alam kung hanggang saan at hanggang kailan ko kayang magtiis pa kasi kung ako lang ang tatanungin, gusto ko nang bumagsak na lang dahil pagod na pagod na ako.

Pasado alas syete ng gabi na nung makalabas ako ng school. Maliban kasi sa detention ay working student din ako sa school kaya kinailangan kong i-cram ang mga gawain para makauwi.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag habang naglalakad sa gilid ng daan. Alam kong delikado nang maglakad pauwi nang gan'tong oras pero wala akong magagawa dahil kailangan ko talagang magtipid.

Maya-maya ay biglang may tumigil na motor sa gilid ko at bumungad ang nakangising pagmumukha ni Charles.

"Hatid na kita, kawawa ka naman," ngingiti-ngiting saad nito. "Tsaka baka mapa'no pa 'yang kabilang paa mo, wala kasing sapatos."

Agad na kumulo ang dugo ko.

"Charles, ano ba! Ibalik mo na sapatos ko!"

"Ang pangit naman na nitong sapatos mo, sunugin na lang kaya natin?"

"Huwag! Akin na nga kasi sapatos ko, Charles!"

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang inaalala kung paano niya sinira at sinunog ang tinatangi kong sapatos. I remember eagerly begging him to spare my shoes but his privileged ass paid no attention.

He had no idea how much that shoe mattered to me.

"Alam mo, punong-puno na ako sa'yo, sa pagmumukha mo, at sa kagaguhan mo, Charles!" Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, yung wala kang ibang magawa kundi iiyak na lang ang galit.

Hindi ko alam kung bakit sa bawat pag-uwi ko ay palagi ko siyang nakakasalubong. O baka naman gano'n na talaga siya kadespiradong sirain ang buhay ko kaya inaabangan niya ako lagi.

"Ano ba ang nagawa ko sa inyo, ha? Bakit ako na lang lagi ang pinagtitripan niyo? Hindi ba kayo nagsasawa? Kasi ako, pagod na pagod na ako, Charles!"

Napawi naman ang ngisi sa mga labi niya dahil sa pag-iyak ko. Ang dami kong gustong sabihin at isumbat sa kaniya pero alam kong tatawanan lang din niya ako. Kasi 'yon naman ang gusto nila, 'di ba? Ang makitang nagdudusa ako.

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa't patakbo na akong umalis. Mabuti naman at hindi na niya ako sinundan.

Nang makalayo-layo na ay naupo muna ako sa isang gilid upang iiyak ang lahat ng sama ng loob na ilang taon ko na ring kinikimkim. And I hate that I feel so powerless kasi wala akong ibang magawa kundi ang umiyak na lang.

When I finally calmed myself down, naisipan kong dumaan na muna kina Naomy. Nakakahiya man pero wala na kasi kaming pambili ng bigas at gamot ni mama sa susunod na araw kaya nagbabakasakali akong makahiram ng pera sa kaniya. Pero pagdating ko sa labas ng kanilang gate ay natanaw ko na agad mula sa kanilang bintana na pinapagalitan na naman siya ng stepmom niya.

"Walang kwenta ka talagang bata ka! Buti pa 'yang kaibigan mong si Mikay mapapakinabangan pa nga ata 'yan kesa sa'yo, e! May mararating pa sa buhay ang babaeng 'yon!"

Teen Murder SpreeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ