chapter three (part 1)

3 0 0
                                    

iii. twin bell tower

Heloise

"Charles! Pinagtitripan mo na naman si Mikayla, noh?"

Hindi na natuloy ang laro dahil nga sa nangyari kay Mikay. The eight of us were left in the room, pointing fingers to who could have possibly pulled the prank on her.

"Wala nga akong ginawa! Ba't ba kapag kalokohan ako palagi nadidiin?" Tanggi naman ni Charles sa pagbibintang ni Cameron sa kaniya.

"Ikaw lang naman ang loko-loko rito, e!"

"Oh my gosh! Are we cursed?" Madramang tili naman ni Chantria.

"Umamin na lang kasi kung sino man ang nag-prank kay Mikay para hindi tayo napapraning dito," ani pa ni Abi na mukhang alang alala na rin sa nangyari.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyunang bumalik na lang din sa pagliligpit ng mga libro. I should've known it would only be a waste of time. Hindi na sana ako sumakay sa trip nila kung alam kong mang-titrip lang din naman pala sila.

"Aminin mo na kasi, tol." Natatawang pangungulit ni Tobi kay Charles pero halos naiirita na rin yung isa kakatanggi ng paratang sa kaniya.

I watched everyone amidst the confusion. Parang nakukumbinse na rin akong mukhang hindi nga talaga si Charles ang nanti-trip kay Mikay o sa'ming lahat dito. But I can't close the possibility, because out of everyone in this room, si Charles lang talaga ang mahilig mantrip kay Mikay.

"Kung hindi ikaw, sino?" Bulalas ni Cameron.

"Aba'y malay ko sa inyo. Sampo tayong nandidito tapos ako lang ang pagbibintangan."

"You guys, are we gonna die?" Mangiyak-ngiyak na pagdadrama na naman ni Chantria.

Muli akong napabuntong hininga at napatigil na sa pagliligpit. Maging ako ay nababahala na rin sa nangyari.

"Sino ba ang kasama ni Mikay sa pagsusulat ng mga roles kanina?" Tanong ko.

"Silang dalawa ata ni Naomy?" Abi shrugged.

"'Di ako sigurado pero mukhang silang dalawa nga," tugon pa ni Tobi. "Nag-aasaran kasi kami ni Charles kanina kaya 'di ko na masyadong napansin."

"There you have it! Nag-aasaran kami ni Tobi kaya imposibleng ako yung nagsulat no'n."

Naaalala kong halos lahat nga kami kanina ay may kaniya-kaniyang mundo habang naghihintay na matapos si Mikay sa pagsusulat. So it's either her and Naomy were the ones who pulled the prank, or . . .

"Gosh! What if it was the curse na? What if the curse is totoo nga talaga?" Chantria exclaimed, dramatically as usual.

"Kasalanan mo 'to, Cameron, e! Ikaw yung nagpumilit na maglaro alam mo na ngang cursed game nga." Charles shot back at Cameron.

"Excuse me, 'di ko kayo pinilit. Nagkusa kayong sumali!"

"Tingin nga niyan!" Bulalas ni Timothy na bigla-bigla na lang dinampot ang papel ni Mikay mula kay Tobi pero napunit iyon.

"Pinunit ng bobo!" Naibulalas na lang din ni Tobi.

"Sabi kasing patingin pero 'di mo pa rin binitawan!"

"Pa'no ko mabibitawan, e, bigla mong hinablot! Oh, sa'yo na 'yan, lamunin mo!"

Tinapon ni Tobi ang kalahati ng papel sa mismong mukha ng kuya niya at doon na lumala ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Teen Murder SpreeWhere stories live. Discover now