Ngayon ay araw ng Lunes at napagkasunduan namin ni Leo na sabay kaming magpapa-enroll. Ang usapan namin ay sa school na lang magkita para hindi niya na ako sunduin.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay agad ko siyang tinext para ipaalam na paalis na ako. I'm wearing a white long-sleeve polo shirt layered with a nude vest on top, paired with jogger pants and high-cut sneakers.
Habang nasa byahe ay iniisip ko ang sinabi sa akin ni Precious. I also need to text my dad to confirm the news. It's not that I don't trust my friend, it just doesn't make sense to me.
Ako ang unang nakarating sa eskwela habang bitbit ko ang envelope na may laman na mga personal paper ko para requirements ng pag-a-apply.
"Ang tagal naman ni Leonardo!" Bulong ko sa sarili.
May mga estudyante na akong nakikita sa paligid dahil first and second year ang nauna sa schedule for enrollment. Sabay-sabay lang kami nila Leo at Cole na incoming first year students.
Habang naghihintay ako ay naisipan ko munang mag scroll sa mga social media accounts. Nanood din ako ng mga funny videos sa youtube and tiktok para malibang. Naubos na lang ang mga pinapanood at ilang mga estudyante na ang dumaan sa aking harapan pero wala pa rin ang hinihintay.
"Hey, Van!" tawag sa akin ni Leo makalipas ang isang oras at kalahati na paghihintay ko sa kanya. Sinalubong ko siya ng masama kong tingin at irap nang lingunin ko ang pinaroroonan niya.
Dumapo ang tingin ko sa direksyon ng nilalakaran ni Leo. Umayos ako ng pagkakatayo para salubungin siya. He's wearing a white sweater and denim shorts na hanggang tuhod slightly folded partnered with white sneakers. Natawa ako sa aking isip dahil mas maputi pa ang binti ni Leo kaysa sa akin.
"Yo, bro! Medyo matchy tayo ng suot..." sambit ni Leo sa akin at tumawa. Nilagay niya ang braso sa aking balikat.
"Sana pinagpabukas mo na lang ang pagdating para masulit mo!" reklamo ko sa bagong kaibigan. Inalis ko ang pag-akbay niya sa akin dahil kanina pa ako naiinitan tapos naisip niya pang lumingkis.
He chuckled softly but that made me roll my eyes even harder. Natutuwa pa siya sa katarantaduhan niya. Hindi na talaga siya makausap ng matino. I have been waiting here for almost forever! Ang usapan namin ay alas-nuebe dahil ipapasyal niya pa ako sa buong University.
"Sorry na, baby. Ang sungit mo talaga," pangangasar niyang sagot at ginulo pa ang buhok ko. Sinuntok ko siya sa tiyan niya ngunit parang ako lamang ang nasaktan dahil sa tigas nito.
Hinampas ko ang kamay niyang nasa ulo ko. Hindi ako makapaniwalang ngayon na nga lang siya dadating tapos manggugulo pa ng ayos ko sa sarili. It took me minutes to style my hair!
"Tara na nga! Basta libre mo ako ng pagkain kasi pinaghintay mo 'ko, Leo!" pag-aaya ko sa kanya at nauna ng tumalikod.
Idinaan ko nalang sa galit ang pang-uuto ko sa kanyang magpalibre ng pagkain dahil ipapambayad ko ng tuition ang allowance ko. Medyo may kamahalan kasi ang fees dito sa napili ko.
YOU ARE READING
Chasing Star and Shadows
RomanceIn a world where love transcends boundaries, even those at the far ends of the rainbow. One question remains; will you CHASE the best version of yourself for the one you truly love, or be consumed by the SHADOWS that lurk within? You are the STAR of...
