Kabanata 12

1 0 0
                                    

Kabanata 12
Confrontation

"WHY does he have to cheat on you? Ikaw naman, why are you letting yourself cry because of him? He doesn't deserve any of your tears! Ang tanga—"

"Sino, dad? Sinong tanga, dad?"

"Ikaw! Why are you letting yourself be fooled by him?!"

Napatayo ako. I wiped my tears and stared at him directly. "Ginanyan mo rin naman mommy ko, e!"

"Why—"

"Natatangahan ka ba sa anak mo, dad?! Then, blame your effing self, huh?! You made my mom look like a fool—"

"Chai, stop—"

Tinignan ko ang mommy ko. "Teka lang, 'my, ha?" cut off ko sa sasabihin niya. Ibinalik ko ang tingin sa tatay ko. "Ano, dad? You need to know this, e. That once in your life, you made my mom look like a fool! You cheated behind her back so many times!"

"Anak, no need to bring that up," mahinahong suway ng mommy ko.

Umiling lang ako at nanatili ang tingin sa tatay ko.

"Pero hindi ko naman pinilit na mag-stay dito ang kapatid mo, Chai."

"Tangina!"

"Mouth, Chaisy!" my mom screamed behind me.

"Anong gusto mo?! Pakisamahan buong buhay ni mommy ang anak mo sa labas, huh?! Anak mo sa labas na ang nanay ay ang best friend ng mommy ko?! Ganitong-ganito ang naramdaman ni mommy habang niloloko mo siya, dad," i said weakly.

Grabe

"At ano pang ginawa ni mommy, dad? Kailangan niyang pakisamahan ang kabet mo na best friend niya at ang anak niyo! I saw it all! I was a fucking child! But I'm seeing my mom being abused mentally and emotionally!"

"Chai, I'm fine!" singit muli ni mommy.

Mas lalo akong humagulgol. "Dad, nakita ko... lahat lahat. Nasaktan si mommy, e, yet you think it's okay for her?" nanghihina kong sabi. Halos wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko pero nagpatuloy pa rin ako. "You think you know my mom so much? She will go to my room every night, kissing my forehead, and assuring me she won't never leave me and make me feel I'm neglected. That I won't have a freaking broken family pero sana... pinalaya mo na lang siya."

"I-I can't d-do that, Chaisy. You know that i l-love your m-mother."

"You didn't love her even once because you've hurt her so much. It's not love, dad, it's abusing someone."

"Chai, stop it. Ano bang gusto mong mangyari?" my mom asked.

"Maintindihan ni daddy na hindi lahat ng sinasabi at ginagawa niya ay tama."

"Zeke wanted to be close to you, but you never gave him a chance."

"Wala akong pakialam kahit mamatay siyang hindi kami close! Wala akong pakialam kahit lumaki ang anak ko na hindi kilala ang anak mo."

"Chai, enough, please," pakiusap ni mommy.

"My, it's not your responsibility to have a good relationship with his son."

"But he's your dad's son, anak."

"My, please," i faced my mom. "My father and that slut betrayed you. You didn't deserve that—"

"Don't teach your mother to have anger in her heart, Chaisy." my dad authoritatively said.

Nag-stay ako sa bahay ng mga magulang ko hanggang gabi pero hindi ko pa rin kinausap ang tatay ko. I was sitting at our sofa with my mom when one of our maids said that someone was looking for my mom.

Lumabas ako kasama si mommy dahil curious ako kung sino ang humahanap sakanya. Unang sumilip ang mommy ko dahil siya naman talaga ang hinahanap.

"Nandito ako para humingi ng sustento. Hindi na kasi ma-contact ang asawa mo."

Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko iyon. Sumingit ako sa pagitan nilang dalawa. "My, ako na bahala rito. Ako na po kakausap."

My mom hesitantly look at me and nodded. "O... Okay, then."

Nang masigurado ko nang nakapasok na sa loob si mommy ay agad kong sinampal ang kabet ni daddy.

"Oh ayan, sustento."

"Bastos kang bata ka!" she shouted.

"Kung dati, nauuto mo ang mommy ko, hindi na ngayon. Wag ka nang babalik dito at iisturbohin ang daddy ko, nagkakaintindihan ba tayo? Marami ka nang nakuha mula sa mga magulang ko."

"Pero wala ng pang-tuition ang kapatid mo, Chaisy."

Napapikit ako ng mariin at parang nandiri sa narinig. Tinignan ko siya ng diretso. "You freaking ruined my family up until now! Tama na, please. Patahimikin mo na kami lalo na ang mommy ko. Marami na kayong nahuthot sa mga magulang ko. Kahit diaper nga ng anak mo noon, may sustento!"

"A-Ano ka ba! Anak ng daddy mo si Zeke. Malamang kailangan niyang suportahan ang paglaki!"

"Zeke is not a responsibility to my mother! You ruined her mental and emotional health! You and your child!"

Nagdilim ang paningin niya. "Aagawin ko ang daddy mo mula sa mommy mo sa pangalawang pagkakataon, Chaisy. Tandaan mo ‘yan."

Sinampal ko muli siya. Buti na lang at hindi bumabawi ang babaeng 'to.

"I FUCKING HATE YOU, SLUT!"

"SAAN ka galing?" tanong ni Ridge pagkapasok ko sa sala ng bahay.

Nilingon ko siya saka tipid na ngumiti. "Sa bahay ng parents ko. I texted you. You didn't replied kaya akala ko you already knew."

Umiwas siya ng tingin sa akin. "Busy...ako, e," nagtaas siya ng tingin pagkatapos noon saka ngumiti rin sa akin.

Kanino? Kay Shein ba, Ridge?

"Ah..."

"You look stressed. Kumain ka na ba?" concerned niyang tanong.

Ganito ka rin ba kay Shein?

"Oo. Busog pa ako, actually."

"May nangyari ba?"

Napahawak ako sa strap ng bag ko.

Meron, Ridge. Alam ko ng niloloko mo ako at dumagdag pa ang naging kabet ni daddy.

But I won't tell it to you, Ridge. Or atleast admit that i like you now that you're just fooling me.

"Small argument lang with dad's..." i paused for a while dahil pumasok sa utak kong wag na lang banggitin kay Ridge ang nangyari kanina. "With dad."

"Oh," tumikhim siya. "You should rest. Everything will be okay, Chai, trust me."

Tumango lang ako saka tumaas na ng kwarto. Pagkasarado ko pa lang ng pintuan, nanghina na agad ang legs ko. Napaupo ako sa sahig habang tahimik na umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko nang may lumabas na hikbi.

Hindi ako pwedeng marinig ni Ridge.

Habang tahimik akong umiiyak, patuloy na pinipiga ng kung anong sakit ang puso ko. This is overwhelming for me. Kanina lang ako sumabog sa harap ng mga magulang ko at sa naging kabet ni daddy.

His Wife's Misery (His Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora