Kabanata 7

7 0 0
                                    

Kabanata 7
Suyo

NAGPAALAM si Aki na hahanapin niya muna ang parents niya pagkalabas namin ng comfort room kaya mag-isa akong naglakad sa gitna ng mga tao, na puro busy sa mga kanya-kanyang usapan at ginagawa.

Nang may madaanan akong chocolate fountain ay kumuha ako ng strawberry at ni-dip in ‘yon.

"Enjoying?" rinig kong sabi ng kung sino sa gilid ko.

Nilingon ko iyon at hindi na gaanong nabigla ang sistema ko nang makitang  kong si Shein ‘yun. Ngumiti lang ako nang mapalingon siya sakin at hindi na ako sumagot sa tanong niya.

Ayaw ko muna siyang makausap.

She laughed. "I see," aniya. "Mukhang ayaw mo akong kausap pero... can i talk to you, Chaisy?"

Nilingon ko siya habang hawak ang bagong strawberry na ni-dip ko rin sa chocolate fountain. "Para saan?"

"Sa paghingi mo ng sorry," she uttered. "Bakit ka humingi ng sorry nang makita mong nasaktan ako sa sinabi ni Ridge?"

"Kasi sinira ko kayo, namin ng baby ko," i directly answered. "Sorry," matigas kong sambit habang pinipilit na ipakita sakanya na matatag ako.

May tumulong luha mula sa mata niya na nagtuloy-tuloy pero pinunasan niya ito agad saka matamang tumitig sa akin.

"S-Sa tingin mo, magiging kamukha ni Ridge ang a-anak niyo?"

Ngumiti ako saka tumango. "Yes. I think our baby will be like Ridge."

"M-Mahal mo na siya?"

Hinila ko siya sa garden area ng venue dahil nakatingin na sa'min ang iilang waiters. Umupo kaming pareho sa isang bench.

Napalunok ako ng ilang beses bago sumagot. "I think I'm falling for him, Shein," i confessed.

"But you have Mikael, right? How can you..."

Medyo nainis ako sa response nito. Bakit ang tingin niya ay sakanya pa rin ng buo si Ridge? Oo, sakanya ang puso ni Ridge pero kaharap niya ang asawa ng taong mahal niya ngayon.

"You don't know how much he takes care of me," matigas kong sabi.

Humikbi siya lalo. "You both b-betrayed..." pumiyok siya nang sabihin niya ang salitang 'betrayed' kaya tumigil muna siya saka nagpakawala ng hikbi. "us!"

I understood her. Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Naiintindihan ko kung bakit siya umiiyak sa harapan ko at napupuno ng galit saka puot.

May kung anong kirot sa puso ko kaya nagdesisyon akong hayaan ko na rin ang sarili kong umiyak din.

Bumuntong-hininga ako habang pinupunasan ang mga luha ko. "Sorry," i took a deep breath again. "Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo... sa nangyari... sa pagpapakasal ko kay Ridge pero..." tuluyan na akong pumiyok. "Pero gusto ko na siya. Gusto ko na ng presensya at atensyon niya, Shein. Ikakasakit mo 'to, alam ko, pero sayo pa rin naman ang puso ni Ridge at hindi ako mamimilit na humanap ng posisyon sa buhay niya at sa puso niya. Ang anak namin ang kaagaw mo sakanya, Shein. He loves the baby so much."

Pagkatapos noon ay tumayo na ako saka tumakbo palabas ng venue. Buti na lang ay highway na pagkalabas ng gate kaya nakasakay ako sa taxi.

Uuwi muna ako kina mommy ngayon. Kailangan ng pahinga ng katawan at puso ko.

"CHAI," kahit hindi ako lumingon ay kilala ko ang boses na ‘yon. "Come home, please," he begged.

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa unan na nakatakip sa mukha ko. Hindi ako sumagot. Nanatili ang katahimikan sa kwarto ko at naramdaman ko na lang na lumubog ang kanang bahagi ng kama ko tanda na umupo siya sa likuran ko.

"Anong sinabi sayo ni Shein? Kuya Ryker said that she saw the both of you talking," he sighed. "Tell me, what did she do to you? Bakit ayaw mo ng umuwi sa bahay natin?"

"Wala siyang ginawa na ikakapahamak ko o ng baby natin. Ayaw ko lang umuwi, Ridge, ano ba?!"

"Hey," saway nito. "I'm not even shouting at you. Calm down," humikbi ako na dahilan para mapabuga siya ng malalim na hininga. "Chai," he gently called. 

"I hate all of you!" i shouted out of frustration.

"Shh," he hissed. Lumapit siya lalo sa akin at pilit akong binabangon. "Let's go. Let's have a date."

Sa sinabi niyang ‘yun ay nag-init ang mga pisngi ko. Shit! Why are you blushing infront of him, Chaisy?!

Tumigil siya sa pagpilit sa'king bumangon kaya nanatili akong nakalikod sakanya. Good thing because i was hella blushing right now. "What about out of town? Sports fest this week, we have 3-4 days to go somewhere," he widely smiled. "What do you think, wife?"

"Not a good idea!"

"Why though? That's a good idea for me para may pictures tayo while you're pregnant on somewhere na hindi lang sa bahay natin."

Bumukas ang pintuan kaya napaharap ako sa pintuan. Iniluwa noon si mommy na nakangiti sa aming dalawa.

"Tita, samahan niyo nga po akong i-convince itong anak niyo na umuwi po sa bahay namin," napakamot sa ulo si Ridge. "Eh, galit po si mommy. 'Wag daw po akong hihingi ng pera o magpapakita sakanya kapag 'di ko po naiuwi ang mag-ina ko."

Nag-init ang mga pisngi ko sa narinig kong "mag-ina" ko pero ikinubli ko na lamang iyon at tinakpan ng unan ang mukha para maitago ang pamumula ng mga pisngi ko.

Baka asarin ako ni mommy!

Tumawa si mommy. "Nako, lambingin mo lamang ‘yang si Chaisy, bibigay din ‘yan. Ano ba ang pinangsusuyo mo?"

Nagkamot muli ng ulo si Ridge na parang nahihiya pa kay mommy. "Date po sana at..." napalunok ito na maaaring dahil sa kaba. "out of town po ng 3-4 days."

"Oh, yun naman pala, anak, e!" tumawa si mommy. "Sumama ka na. Ayaw mo bang makasama ang gwapong batang ito sa isang date at out of town?"

Umirap ako para hindi nila mahalata ang pagpipigil ko ng kilig. "Mommy, ayaw ko nga po!"

"Hayaan mo muna siya, Ridge. Magbabago rin ang isip niyan," yaya ni mommy. Tumayo si Ridge na handa nang lumabas mula sa kwarto ko pero bago sila tuluyang lumabas ay nilingon ako ni mommy. "Parating ang mga pinsan mo, anak. Baka naman sila ay pwede mong kausapin at pakisamahan."

Lumabas na si Ridge mula sa kwarto at nauna nang umalis kaysa kay mommy. Bago tuluyang umalis si mommy ay sumilip muna siya sa pintuan ng kwarto. Hawak niya ang doorknob at sigurado akong isasarado na niya ito ng tuluyan pagkatapos ng sasabihin niya sa akin.

Mommy genuinely smiled. "He's a good man, Chai. I hope you give him a chance to enter your life, not just the life of the baby. Trust me, he's the best for you."

His Wife's Misery (His Series #3)Where stories live. Discover now