20: Feather

6 4 2
                                    


Inspired by Feather by Sabrina Carpenter

It was our prom night and I am not feeling good. I am really not feeling good. Except for the fact na bigla nalang nakipag-break si Gustov kahapon kaya wala akong date ngayon ay namb-bwis*t pa iyong nga barkada niya. Akala mo naman talaga kawalan iyang kaibigan nila!

At ngayon naman ay inaasar nila akong kumanta ako sa harap since nagtatawag iyong emcee ng mga gustong mag-perform. Dahil nga sa mga pabida sila ay ako itong sinu-suggest nila. Ang sarap tuloy nila pagbuhulin. Napahinga nalang ako ng malalim saka tumayo dahil nakatutok na sa akin ang spotlight.

They must have thought that I am going to let them humiliate me. Nginisihan ko lang sila saka tumungo sa naka-assign sa sound system. Sinabihan ko naman siya kung anong kanta ang kakantahin ko. This is probably the first time na maririnig nila akong kumanta because I was actually known as the 'quiet girl' sa campus namin dahil sa hindi ko talaga kinahihiligan ang makipag-interact sa iba.

Aanhin ko pa ba sila kung p-plastikin lang nila ako. Dumadagdag lang kamo sila sa pollution dito sa mundo. Huminga naman ako ng malalim saka humarap sa barkada ni Gustov. Mataman lang itong nakatingin sa akin. Okay lang naman sana itong maging boyfriend pero minsan talaga parang nilalaro lang ako ng isang ito. Sinagot ko nga lang siya dahil noong una ay maayos naman ito not until naging close sila nung barkada niya ngayon.

'Oh, it's like that, I'm your dream come true
When it's on a platter for you'

'Then you pulled back when I try to make plans
More than two hours in advance, mm'

Bahagya naman silang nagulat nang magsimula akong kumanta. Sorry for them but I have the Filipino chakra in my throat hindi ko nga lang pinapaalam sa iba dahil nakakatamad kapag pinapakanta nila sa may events.

'I slam the door, I hit ignore
I'm saying, "No, no, no, no more"'

'I got you blocked, after this, an afterthought
I finally cut you off'

Kanta ko habang nakatingin sa kanila. I even rolled my eyes at them saka sila tinalikuran. I even started dancing na parang ako lang itong tao dito ngayon. Inilibot ko naman ang tingin saka hinanap si Brent. He is Gustov's rival. Nilapitan ko naman ito saka siya kinindatan. Napailing nalang ito saka tumayo.

'I feel so much lighter like a feather with you off my mind (ah)'

'Floating through the memories like whatever, you're a waste of time (ah)'

Tumayo naman siya saka ako nilapitan. And then, we started to dance, iyong iba ay naghihiyawan na dahil sa ginawa nito. If they go down, I go lower.

'Your signals are mixed, you act like a bitch
You fit every stereotype, "Send a pic"'

'I feel so much lighter like a feather with you out my life
With you out my life'

"So you broke up, huh?", bulong sa akin ni Brent kaya napatingin ako sa mukha nito. He still has that smug look in his face.

"Yeah, we did.", bulong ko pabalik saka muling bumalik sa pagkanta.

'You want me? I'm done (I feel so much lighter)'

"I want you, so what about me?", bulong niya sa akin muntikan na akong ma-out balance pero hindi ko pinahalata dahil baka mas lalong lumaki ang ulo ng isang ito.

'You miss me? No duh (like a feather)'

"And I'm up with making you mine, will you let me?", bulong niya ulit kaya napairap ako. Sinasadya pa nga niya ata ito dahil bigla niya nilakasan ang pagkakasabi nito kaya naririnig ng iba dahil sa mic na gamit-gamit ko.

'Where I'm at, I'm up where I'm at (with you off my mind)'

'I want me? I'm done (I feel so much lighter)'

"I want you, Miss Villamore.", anunsyo niya kaya mas lalong umingay ang paligid. Pero agad naman kaming napalingon sa may gawi nina Gustov nang may kumalabog. Nakatayo na ito at halatang hindi siya nasiyahan sa ginawa ko. That's it, served him right.

I tiptoed saka hinawakan ang magkabilaang pisngi ni Brent at hinalikan ito sa may tip ng ilong nito. May kumalabog na naman ulit at pagtingin ko naman uli sa gawi ni Gustov ay nag-walk out na ito at sumunod din naman ang mga kabarkada niya.

Napatawa nalang tuloy ako habang si Brent ay nailing. Hindi pa rin nito binibinitawan ang bewang ko mula sa pagkakayapos nito sa akin. Kaya tiningnan ko naman ito.

"I do want you, Reese. Think about it, I'll be courting you from now on.", aniya kaya napakurap-kurap naman ako.

"Who cares about the 3-month rule kung ako naman iyong ipapampalit mo, right?", nakangising ani nito kaya napatawa nalang ako. Hindi alam kung ano ang dapat bang maging reaksyon ko.

Ang alam ko lang ay nababaliw na ako because he just made me feel like I am feather, feeling lighter after my sour mood because of Gustov. So this must be a green light, right?

22 One Shots, 22nd BirthdayМесто, где живут истории. Откройте их для себя