04: Merry Go Round of Life

15 7 9
                                    

Song Link: https://youtu.be/63OT3_Lfy50

Inspired by Merry Go Round of Life [Howl's Moving Castle Theme Song]

Dedicated to: rzel_18

Hinipan ko naman ang dala-dala kong sumbrebro nang bigla itong umapoy. Mas lalong lumaki iyong apoy kaya naman ay wala nalang akong nagawa kung hindi ang itapon ito sa may fountain.

Hindi ko pa mapigilan ang sariling hindi mapamura dahil lahat ng tao sa may pamilihan ay napatingin sa akin. Humingi naman ako ng paumanhin sa iilang malapit sa akin saka lumapit sa may fountain para tingnan kung wala na ba talagang pag-asang maayos ang sumbrero ko.

Bigay pa naman sa akin ito ni Nana, iyong lola sa side ni Papa. Pero bahagya naman akong nagulat nang makitang wala ito roon. Nasaan na iyon? Agad ko namang inilibot ang tingin nagbabasakaling baka may kumuha o ano.

Pero agad din naman akong napatigil nang may ma-realize ako. Walang nagluluto kanina sa may pamilihan, walang apoy roon! Bakit bigla nalang lumiyab ang sumbrebro ko? Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa biglang bumilis ang tibok nito.

Is someone playing games with me?

Huminga nalang ako ng malalim saka hinigpitan ang pagkakahawak sa bayong na dala-dala ko. I need to go home immediately. Mukhang may gusto pa atang paglaruan ako. Mas lalo kong binilisan ang lakad nang mapunta na ako sa medyo liblib na parte na daanan pauwi sa amin.

Hindi naman ako delusional but I could really feel na may sumusunod sa akin. Hanggang sa hindi ko na nakayanan, huminto ako. Pumikit ng mariin para mapag-isipan ko nang mabuti ang sasabihin ko.

"Lumabas ka. I am not in a mood to play with you kaya kung pwede ay tigilan mo ako.", sabi ko at may narinig akong kaluskos sa may likuran ko.

Natatakot man ay dahan-dahan akong lumingon dito. Someone who's a feet and half taller than me stood there. Kulay golden brown ang buhok nito habang ang mga mata niya ay kulay matingkad na asul. Matutulis ang tenga nito and he has a fair complexion. Matangos ang ilong nito, at maganda ang pagkakahulma ng labi.

Pinasadahan ko naman ito ng tingin. He looks like someone who has a royal blood, maganda ang pustora nito. He doesn't look like someone na makikipaglaro sa kagaya ko. Napansin ko namang iniiwasan nitong magtama iyong tingin namin.

"I didn't meant to do that.", aniya kaya napalunok ako. Kahit iyong boses niya ay tunog mayaman. Maharlika ba siya?

"Iyong pagsunog ng sumbrero ko?", tumango naman ito saka may kung anong inilahad.

"I tried to fix it but I think hindi ko na maibabalik pa ito sa dati.", napabuntong hininga nalang ako saka kinuha iyong sumbrero ko. Nagmumukha na itong sumbrero at parang walang bahid ng pagkakasunog.

"You really shouldn't be here, don't you? Umuwi ka na sa inyo. I am not happy about what happened pero wala namang magagawa if sisihin kita sa nangyari.", sabi ko nalang saka ito tinalikuran. Pero agad din naman akong natigilan nang hawakan nito ang braso ko.

"Teka lang!", aniya at hindi ko alam pero tila ba may nagsitunugang kampana sa tenga ko. May lumiwanag pa sa kung saan kaya agad ko itong nilingon.

"Sino ka?", gulat kong tanong sa kanya at parang nagulat din ito sa nangyari.

"Y-you", hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil sa nagsisigaw na ako.

"Oh my gosh! What have you done? Anong ginawa mo sa akin? Aaaah! Isusumbong kita kay Papa! Kay Mama! Kay Nana!", pagsisigaw ko pero lumapit lang ito sa akin saka hinawakan ang bibig ko. Kinuha niya iyong mga dala-dala ko saka ako binuhat papunta sa may kakahuyan.

22 One Shots, 22nd BirthdayWhere stories live. Discover now