05: Margaret

7 4 0
                                    


Inspired by Margaret by Lana Del Ray

I was just looking outside the window nang makita ko si Cally na kakauwi pa lang ata galing sa trabaho. Napalingon naman ako sa may orasan sa may dingding at nakitang mag-aalas syete na ng umaga. Dapat ay nakaalis na ang mga anak nito papuntang skwela. Napabuntong hininga naman ako saka kumuha ng tupperware sa may kusina. May mga sandwiches akong ginawa kanina kaya kumuha na rin ako.

Naglagay ako ng menudo na niluto ko para sa almusal. I tend to eat heavy breakfast every morning kaya nakasanayan ko na ang magluto nito. Pagkatapos ay kumuha na rin ako ng isang litrong bote ng Orange Juice. I also took some biscuits saka ako tuluyang lumabas at tumungo sa bahay nina Cally. Kumatok ako ng tatlong beses and she didn't open the door. Kaya kumatok pa uli ako at saka pa lamang ito bumukas uli.

"Misha!", parang gulat na gulat nitong sabi nang makita niya ako. Akay-akay nito iyong 2-year old niyang anak na si Kokoy.

"Hindi umuwi si Alvin 'no?", tanong ko sa kanya kaya napaiwas ito ng tingin.

"I brought you some foods. Day off ko ngayon, I could lend you some hand if you're okay with it.", sagot ko sa kanya at tinitigan niya muna ako saka ito tumango.

"Thank you.", aniya kaya nginitian ko na lamang ito. Pumasok naman ako sa loob saka dumiretso sa kusina. Their house is actually a mess but it's fine. I've seen worse cases than this one. Isa-isa ko namang nilapag iyong mga dala ko.

"Hi, Chichi.", bati ko sa 6-year old na anak ni Cally saka ito binigyan ng sandwich. Naka-uniform na ito pero mali-mali ang pagkakabutones ng blouse niya. Nagsimula naman itong kumain kaya kinuha ko naman iyong suklay na nakalapag sa mesa saka ito sinimulang suklayan.

As I was busy combing her hair ay nagpaalam naman muna si Cally na ic-check niya muna iyong isa niya pang anak na si Gordon. He's the eldest, 10 years old. Siya siguro ang pinagbilinan ng ama nila ng mga kapatid niya nang umalis ito. Binigyan ko pa uli si Chichi ng isa pang sandwich dahil mukhang nakulangan pa ito sa isang sandwich.

Makaraan din ang ilang minuto ay bumaba na rin si Cally habang pinapagalitan niya si Gordon. Napatigil din naman sila nang ma-realize ng mga ito na andito ako. Hindi na ako nagsalita pa at binigyan ko nalang si Gordon ng dalawang sandwiches.

Kumuha naman ako ng mga ziplock bags sa may drawer saka naglagay ng tig-tatatlong biscuits para sa baon nina Chichi at Gordon. May sari-sarili naman itong mga tumblr na nahugasan ko na kanina kaya naman ay kinuha ko na ito saka binuhusan ng Orange juice.

"Ma, may babayaran po kami sa school. May project tapos pinapaambag kami ng singkwenta pesos daw.", sabi ni Gordon kaya dali-dali rin namang chineck ni Cally iyong wallet niya. Binigyan niya naman si Gordon ng 100 pesos habang si Chichi ay inabutan niya ng trenta.

"Ako na maghahatid sa kanila sa may sakayan. Babalik din ako after, tutulungan na kitang maglinis para makatulog ka ng maaga.", sabi ko kay Cally kaya agad ko namang sinamahan sina Gordon sa may sakayan.

"It's for your lunch.", sabi ko kay Gordon pagkabigay ko sa kanya ng 200 pesos.

"I-check mo si Chichi during lunch. Ikaw na ang bumili ng kakainin niyo. Nakalimutan ko magdala ng kanin at gahol na rin sa oras kaya bumili nalang kayo. And if may matira man, keep it.", sabi ko kay Gordon at nag-thank you naman ito.

Pagkabalik ko sa bahay nina Cally ay pinapakain na niya si Kokoy. Agad ko rin namang sinimulang linisan ang sala nila. I have been friends with her for a few months since kakalipat ko lang din naman dito last year. Ilang beses na ring nangyari ito. Minsan ako na iyong nakakaramdam ng pagod para sa kanya.

She has been working three jobs at pag-uwi pa niya ay siya pa iyong mag-aasikaso sa mga anak niya. Habang iyong asawa niya naman ay walang trabaho. Minsan ay suma-sideline pero wala rin namang naibibigay dahil pinang-iinom lang nito.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon