Pumasok kami sa parang sa labas ng office.

Yung para siyang waiting room?

"Have a seat." --Ate Hannah

"T-thanks." --ako

Umupo ako sa isa sa mga upuan. Ang comportableng upuan. Hindi siya malambot, hindi din matigas. Hindi ko nga ma-explain eh..

Suddenly, I just found myself in the arms of someone. Hanubeyen. Wala pa akong 2 seconds sa upuan eh.

"Cassandra. Anak." sabi nung lalaki.

"Dad?" --ako

"Oo. Ako ang tatay mo."

Nung bumitiw ang lalaki, may nakita akong.. parang anghel.

Napangiti ako.

Ang gaganda ng mga nilalang dito..

Samantalang ako.

I'm not beautiful.

Nor cute.

I'm just a simple girl.

Este simple dhampir's daughter.

Not beautiful.

"Sana mapatawad mo ako. Pinaghiwalay ko pa tayo. Ayo--"

"Okay lang po, Dad. Nakwento na sakin." sabi ko.

"Ni Erick?"

"Opo."

Nagkwentuhan lang kami. Tungkol sa buhay ko, sa mga studies ko, etc. Tapos kinwentuhan din niya ako tungkol sa pamilya namin. Yung tatay niyang bampira na lolo ko, pinakasalan ang lola ko na isang tao. And then siya nabunga. Tapos nagkakilala sila ni Mom sa college. Nagka-inlababo and boom! ME. They weren't married.

Nung delivery na ni Mom sakin, nahihirapan daw siya. Kasi mas masakit. DUH. Ako, may lahing bampira compared to a normal human baby.

May dumating bigla na tatlong malalaking lalaki. Puro gwapo. Yung isa, blonde ang hair. Yung isa, parang orange? Tapos yung isa, black. Puro hair dye naman.

"Kuya. Siya na ba ang anak mo?" --Blonde Hair

"Oo." --Dad

"Naks. Ganda oh. Mana sayo." --Orange Hair. E sa hindi ko alam ang mga names eh. ^_____^V

"Ayoko. Gusto ko kay Erick siya mapunta." --Dad

Nanlaki ang mata ko. Hindi lang ako. Lahat ng nandito. Hair dye vamps, ate Hannah, ate Isa, pati si Erick.

"Joke lang. Tong mga to. Kung san gusto ni Jean, dun ako. Wag lang sa lobo." --Dad

"Jean?" --lahat sila. Except Erick. And of course, me.

"Yun yung naging pangalan niya nung tinakas siya. Alam ng mga lobo ang 'Cassandra', diba?" --Dad

"Aah. Kaya pala. :)" --Ate Hannah

"Ang ganda niya. Ganda ng pagka-dye ng hair mo. Anong brand yan?" --Ate Isa

"Uhmm.. Hindi ko alam eh. Sa parlor ako nagpakulay." --ako

"You're a vampire. You should know that by the scent." --Ate Hannah

"Bakit ikaw? Kabisado mo?" --Ate Isa

"Oo. Alam ko din pagdating sa fashion. Alin ang leather, cotton, silk, etc." --Ate Hannah. Madami pa siya binanggit. Kaya hindi ko na babanggitin kasi hindi ko na alam ang mga sinasabi niya. ^____^V

"Halika na. Tawag na ata tayo nina Ella." --Ate Isa

"Ay oo nga pala. Cass--- Jean. Sama ka sa amin." --Ate Hannah

"Uh. Sige po." --ako

Lumabas kaming tatlo ng kwarto na yun. Pumunta kami sa likod ng mansyon. Merong grassland tapos ang lawak pa. May parang gazebo din dito. Dun sa gazebo, ang daming babaeng nagtawanan, nagkukulitan. Na-OP tuloy ako.

Pumunta kami sa may gazebo na yun. Yung ibang babae dito..

Mga school-mates ko ngayon sa college.

Namumukhaan ko sila eh.

Isa sila sa mga pinakasikat na babae sa buong university.

"Girls! Eto na si Cassandra! aka Jean." --Ate Hannah

Napatingin sakin ang mga babae. Yung iba ngumiti, yung iba sumimangot. Mostly ngumiti.

"Jean? I thought her name was Cassandra!" sabi nung isa sa mga nakasimangot.

"When I was born, I was named Cassandra. But when we needed to flee, my Mom changed my name." --ako

Nag-roll siya ng eyes. Yung iba naman sinamaan siya ng tingin.

"Welcome to the club, Jean. Ito ang grupo nung mga babae ng coven natin." --Ate Isa

"Hi. Ako si Abiegail. Abie na lang ang itawag mo." sabi nung babaeng maganda na lumapit sakin.

"Ako si Arriane. Nice to meet you, Jean." sabi nung isa pang lumapit.

Isa-isang nagpakilala sila sakin. Yung mga naka-simangot, nandun lang sa isang sulok. Mga 3 sila.

Yung dalawa sa kanila, yun yung sinasabi kong mga sikat sa university.

Si Ella at si Ashley.

Hindi ko talaga aakalain na iisang coven lang kami.

Yung coven daw kasi namin, hindi dugo ng tao ang iniinom.

Sa dugo hayop daw kami nabubuhay.

Nandito din sina Tyler and Samuel.

Actually isang barkada sila nina Erick eh.

Totoo bang nangyayari toh?

Hindi talaga ako makapaniwala.

Ako?

Tatawaging maganda?

Tatratuhin na parang prinsesa?

Anak ng dhampir?

Hohoho.

Nananaginip lang ata ako eh.

Pero sana..

Hindi na ako magising.

Aba?

Jean? Este Cassandra?

Meganun?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayan. 3 chapters in 1 day.

Sinikap kong mag-update para sa inyo.

Vote, comment, like, be a fan.

Thank you. ^____^

The Dhampir's DaughterWhere stories live. Discover now