Chapter 23

2.3K 134 15
                                    

Chrisen

"You're not going there."

Nalipat ang paningin ko kay Porcia mula sa librong binabasa ko na nakapatong sa hita ko. Nasa opisina ako nito ngayon at prenteng nakaupo sa single seater couch habang naka-krus ang mga hita ko. Hinihintay ko itong matapos dahil kakain kami ng pananghalian sa labas. Date na rin namin.

"Go where sugar?" Napakunot noo ako. I've no idea kung ano ang sinasabi nito.

Hindi yata nito nagustohan ang tinawag ko rito dahil napataas ang isang kilay nito.

"Are you trying to make me your sugar mommy?"

I shrugged.

"Pwede rin mommy kung willing ka." I even wiggled my eyebrows. Nag isang linya ang mga labi nito.

"I'm more than willing to give you everything amore mio. As I'm saying, don't go."

Kinikilig naman ako ngayon sa tawag nito sa akin. I never knew na kahit malamig ang Porcia ko kapag nagbitaw ito ng endearment ay nagbabaga ang dating nito sa akin.

Pinigilan kong mapangiti pero hindi ko pa rin mapigilang mapangisi.

Malala na talaga ako rito. Simula noon, dala ko hanggang ngayon. Wala na talaga akong pag-asa rito.

"Go where nga?" Hindi ko kasi makuha ang ibig nitong sabihin. Ang hirap naman kasing hulaan kung ano ang gusto nito lalo na't wala akong mabasang emosyon rito.

"Sa bahay nila Mr. Denares."

Si Cael na naman? Matindi nga ang selos nito kung ganun dahil sa pagkakaalam ko noong huling nag-usap kami tungkol kay Cael ay nilinaw ko na ritong magkaibigan lang talaga kami. Tuloyan ko ng isinara ang librong binabasa ko.

"I told you last time at uulitin ko ulit ngayon so please listen and don't forget na magkaibigan lang talaga kami mommy. You have all my senses."

"I'm just making sure." Malamig ulit na wika nito.

I scoffed. "I'm hopeless when it comes to you so please don't give me that trust issue. I've been in love with you since I was seven years old. Calm down your ancient fossilized hormone."

"You dimwit! I am not that old!"

"I didn't mean it that way my love. I mean I love you being a matured woman pero wala sa lugar ang pagseselos mo."

Inilagay ko ang libro sa center table bago tumayo at naglakad palapit rito. Wala akong paalam na naupo sa kandungan nito bago ipulupot ang mga braso ko sa batok nito.

"Why get jealous if I am yours? I was born to love you Porcia."

Bumaba ang tingin nito mula sa mga mata ko hanggang sa labi.

"I just can't help it." Mahinang anas nito bago muling ibinalik ang paningin nito sa akin. Ngayon ay nanatili kaming magkatitigan.

She aged like fine wine. Damn, napakalaking scam ang edad nito dahil walang wala ito sa hitsura nito ngayon.

"Marami akong insecurities when it comes to you kaya hindi mo ako masisisi amore mio."

"You have nothing to worry about." I peck her lips. "How about kalimutan mo iyan at ilabas mo ako ngayon for our lunch date?"

This time, ito naman ang humalik sa akin. Dampi lang pero kinikilig ako ng husto. She's so sweet! Ganito pala ang isang Porcia kapag nagmahal. Nagiging marupok din.

I wonder how she will open her chamber for me.

Itong puso ko ay hindi na maawat awat sa pagtibok ng malakas at sobrang bilis na parang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko. Sobrang saya ko ngayon.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon