Chapter 10

2.2K 117 4
                                    

Porcia Era

"Ma'am ano pong sadya nila?"

"Let me in or I'll call the police. I will sue you if something happens to my-" Natigil ako ng hindi ko alam ang sasabihin ko.

Sino nga ba si Chrisen sa akin? She's my godchild. Anak ito ng matalik kong kaibigan na si Kaede. But damn that kid for kissing me dahil hindi na nawaglit sa isipan ko ang halik na iyon.

I hate to admit but I like it for Pete's sake!

"I'm Porcia Hart." Everybody knows about me.

"Sige po kung magsusundo kayo."

Nababanas akong tumitig dito. Bakit hinahayaan ng mga ito ang mga kabataan na mag-party ng ganito katagal? Kung magsusundo ako ibig sabihin ay marami nga sila sa loob at may mga sumundo na rin sa mga ito?

I can't believe this!

Binuksan ng gwardya ang gate kaya agad kong ipinasok ang sasakyan ko. Basta ko na lang ito pinark sa mismong may harapan ng mansyon.

Pabalibag kong isinara ang pintuan ng sasakyan ko at nagmamadali kong binuksan ang pintuan ng mansyon. Tumambad sa akin ang mga kalalakihang lasing na lasing sa may sala.

Nag-init ang ulo ko sa nakita.

Where the heck are you brat?!

Mabilis ang hakbang kong naglakad papunta sa may likuran kung nasaan ang swimming pool. Pool party ito diba kagaya ng paalam nito kay Datrius at Kaede kanina.

Pagdating ko rito ay lango na rin sa alak ang mga kababaihan. May tatlong kasambahay na nakatayo malapit sa mga ito. I instruct them to come near me matapos kong malapitan ang mga ito at hindi makita ang hinahanap ko.

"Yes ma'am?"

"Ipasok niyo sila isa isa sa mga kwarto. Don't just stand there and watch them all night here."

Parang natakot sa akin ang tatlo.

"O-Opo."

"Where's Chrisen?" Malamig kong tanong sa mga ito pero nagkatinginan lang ang tatlo.

Bago pa makasagot ang mga ito ay tumalikod na ako at pumasok ulit sa mansyon. Isa isa kong binuksan ang mga pintuan ng mga guests room sa baba pero wala ito. Nagpunta ako sa may kitchen at nakita kong may pintuan rito. This isn't a backdoor dahil nasa pinakadulo ito at may isa pang pintuan sa kabila na alam kong ito mismo ang pintuan papunta sa may likuran. Maybe this is a storage room?

Lumapit ako rito at saka ito pinihit. Kinapa ko ang switch ng ilaw at ng bumaha ang liwanag sa loob ay nakita ko si Chrisen na nakaupo sa gilid at nakasandal habang natutulog.

"You're fucking kidding me."

Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko ng makitang naka-bra lang ito at short shorts. Nasa tabi nito ang suot kaninang puting shirt. Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang aking mga daliri. I'm trying to calm myself pero hindi ko alam kung papaano.

"You fucking little brat!" Lumapit ako rito at tinapik ang pisngi nito. "Chrisen wake up you idiot!"

Nagmulat ito ng mga mata pero hindi na rin ako nito mapagsino.

"Leave me alone." Mahinang sambit nito.

"Pete's sake."

Hinubad ko muna ang suot kong blazer bago ito itinayo. Hindi naman ito masyadong mabigat. Agad itong kumapit sa batok ko.

"Umayos ka Chrisen kundi ibabagsak kita." Banta ko rito kahit alam kong lasing na lasing ito ngayon.

Narinig ko itong tumawa ng mahina.

"Gahd you're hopeless." Naiinis kong sambit rito. Ipinatong ko ang blazer sa mga balikat nito para matakpan ang pang-itaas nitong nakabalandra ngayon.

Inilabas ko ito mula sa washroom. Nakasalubong ko pa ang mga kasambahay na abala sa pag-alalay sa mga kababaihan kanina. Nag-iwas ang mga ito ng tingin ng pandilatan ko.

Ng makalabas ng mansyon ay dumiretso agad ako sa sasakyan at binuksan ito. Ipinasok ko si Chrisen sa loob at hinayaan itong matulog. Ikinabit ko na rin ang seatbelt nito.

"Ang sarap mong kurotin ngayon." Naiinis kong bulong habang nagmamaneho na palabas ng mansyon. Kumaway pa ang gwardya sa akin pero inirapan ko ito. I know he didn't see me kasi tinted ang sasakyan ko.

I don't want to be rude pero kahit ano sigurong gawin ko ay rude pa rin ang personality ko. I can't do anything dahil ipinanganak na akong ganito.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko ng nasa highway na kami para agad makarating. Ilang sandali pa ay nasa mansyon na kami. Hindi ko ito ihahatid kina Kaede na sobrang lasing or she'll get worried kaya mas mabuting dito muna ito magpalipas ng gabi.

"Ma'am tulongan ko na kayo." Si Starr pero pinandilatan ko ito kaya hindi na nagtangka pang lumapit.

Walang hahawak na iba sa inaanak ko kundi ako lang and I hate it kasi hindi ko maamin na gusto ko ang batang ito. Magka-edad at matalik kaming magkaibigan ng mommy Kaede nito, I am her godmother and the fact that I am older for sixteen years than her, I'm really fucked up.

Papatayin ako ni Kaede.

I know the moment my eyes landed on this kid when she's only seven years old on her birthday celebration. Hindi ko talaga inakalang ganito ito kaganda. I was mesmerized by her extreme beauty. Huli ko itong nakita ay isang taon noong binyagan ito and I really find her cute dahil tahimik lang ito at panay ang tulog.

But when I saw her the second time around, I saw something flashes in her eyes and when she said she's going to marry me someday para hindi ako tumandang mag-isa. Hiniling ko talagang makalimutan nito ang bagay na iyon pero sa paglipas ng panahon ay walang nagbago at tumindi pa ito dahil lantaran ako nito kung landiin.

She grew up as naughty and flirt as fuck at mas lalo pa itong gumanda. Idagdag pang ang laki ng pagbabago sa katawan nito. She can be renowned as the most beautiful and sexiest woman.

Hindi ko alam na ang ipinaglaban ni Kaede at Datrius na bata noon ay lalaki itong ganito. Maagang na-in love ang matalik kong kaibigan at maaga ring nabuntis. Muntikan na rin itong ipalaglag noon ng daddy ni Kaede pero pinanindigan nito ang nangyari. Muntikan na ring magkademandahan dahil menor de edad si Kaede pero alam ko ring hindi matutuloy kung sakali dahil mayaman at makapangyarihan sina Datrius. Marami itong koneksyon.

At pagkatapos ngang maipanganak si Chrisen ay hindi na ito nasundan pa kaya kung alagaan ito ni Kaede ay parang pinakamahal na kristal. I would do the same thing kung ako rin ang nasa posisyon nito.

Binuhat ko na lang si Chrisen at baka mas lalo pa akong mahihirapan kung aakayin ko ito. She's actually light kaysa sa inaasahan ko. Siguro ay dahil sa hindi ito kumakain ng kanin.

Ipinulupot nito ang mga braso nito sa batok ko. Iniakyat ko ito sa hagdan at umalalay lang si Starr. Ito na rin ang nagbukas ng guest room. Ng maisampa ko ito sa kama ay hindi ako nito pinakawalan.

"Let go Chrisen."

Pero humagikhik lang ito bago nagmulat ng mga mata. Namumungay at namumula. She's so drunk.

"Cael, don't give me kay Porcia."

Naningkit ang mga mata ko rito dahil sa sinambit nitong pangalan pero mas nagulat ako ng kabigin ako nito at siilin ng halik.

Nandito na naman ang pamilyar na pakiramdam na gusto ko pero hindi ito tama.

"Cael, make me yours instead."

Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Gumanti ako ng halik rito but when Kaede's image pop in my mind ay natigil ako.

"What the heck am I doing?"

Umalis ako sa ibabaw ni Chrisen na ngayon ay tulog na. Napasuklay na lang ako sa aking buhok gamit ang mga daliri ko dahil sa frustrasyon.

"This kid is driving me crazy!"

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon