Chapter 14

2.2K 113 18
                                    

Chrisen

"Chrisen hun, don't play with your food." Si mommy Kaede. Wala akong ganang kumain dahil may lagnat ako at hindi ko pa sinasabi kay mommy.

I came home a little bit late kanina. Cael and I went to this beach. Ok pa naman ang panahon kasi sabi namin magpapahangin lang kami dahil nga sobrang init pero biglang umambon. Blessing daw iyon sabi nila pero ngayon ay nagkasakit naman ako. Baliktad yata.

"Wala po akong gana my. Pwede bang umakyat na lang sa room ko? Kakain na lang ako mamaya kapag nagutom ako."

May pag-aalala ako nitong tinitigan. Pati si daddy at Porcia ay napatingin sa akin. Oo, nandito na naman ito. Best friends for life talaga sila ni mommy Kaede at every Wednesday at Friday ay naghahanda si mommy ng dinner at iniimbita si Porcia. Madalang lang itong hindi makadalo lalo kapag busy sa eskwela.

"Ok ka lang anak? Kasi kung mamaya ka pa kakain. Hindi na healthy kapag ganun."

"I'm sorry mommy. Excuse me po." Magalang kong paalam dahil wala talaga ako sa mood. Tumayo na ako sa upuan ko para sana umalis ng mabilis din na tumayo si mommy sa upuan nito.

"Teka lang anak." Mabilis ako nitong nilapitan at sinalat ang leeg pati noo ko. "May lagnat ka. Kailan pa? Bakit hindi ka nagsasabi Chrisen?" Nag-aalalang tanong nito.

Umiling ako rito. "Ok lang ako my. Napagod lang siguro ako."

"You're not fine, ok? Tara sa kwarto mo. Doon kita pakainin saka ka iinom ng gamot. No buts Chrisen. This is not the right time para pairalin mo ang pagiging makulit mo."

"My, hindi na ako bata. You don't have to babysit me anymore."

"Silly. I am not going to babysit you. I am going to take care of you kasi may sakit ka."

"Makinig ka na lang sa mommy mo anak." Si daddy na nakangiti sa akin. "Mother knows best saka hindi ka mananalo diyan. Diyan ka nagmana ng kakulitan."

Napangiti ako bago ito nilapitan at hinalikan sa pisngi.

"Goodnight dad, I love you."

"I love you more. Magpagaling ka para more adventures to come kayo ni Cael."

"Sana nga po." Wika ko na lang para hindi na humaba ang usapan.

Lahat kasi ng lakad namin ni Cael ay pinapaalam nito kay daddy. Nagte-text siya rito para magbigay ng update.

Bumaling ako kay Porcia na ramdam kong parang naghahasik ng lagim. Malamig ang mga titig nito sa akin at walang kaemo-emosyon. Ayaw ko namang maging bastos sa harapan nina mommy at daddy kapag hindi ko ito pinansin.

That's the thing. I need to respect Porcia in front of my parents kahit labag ngayon sa loob ko.

Lumapit ako ritong walang kangiti ngiti para malaman nitong hindi ako natutuwa sa presensya nito.

Imbes na halikan ito sa pisngi ay mabilis kong hinawakan ang kanang kamay nito at nagmano ako.

"Goodnight ninang." Bati ko sapat lang para marinig ng mga magulang ko. "Este ex-mommy." Pabulong kong wika na alam kong si Porcia lang ang makakarinig.

Nakita kong mas lalong naging malamig ang mga mata nito.

"You little dimwit." Bulong din nitong may halong gigil, sapat lang para ako lang din ang makarinig. "Goodnight, get well soon."

Ng makarating kami ni mommy sa silid ko ay nahiga ako kaagad. Umalis ito saglit at kukuha lang daw ng pagkain pero pagkatapos non ay nakatulog ako kaagad.

Nagising ako mga alas tres na ng madaling araw at saka pa lang ako nagutom idagdag pang masakit ang ulo ko na parang pinupukpok. Pinagpapawisan din ako at uhaw na uhaw.

Bumangon ako at hindi ko inaasahang makikita ko si Porcia na nakahiga sa may couch at nagbabasa. Naka-on lang ang lampshade sa may ulohan nito.

What is she doing here in my room at this hour? Bakit hindi ito umuwi?

Nanginginig ako sa lamig dahil sa lakas ng aircon pero pinagpapawisan din ako dahil sa lagnat. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon.

Ng mapansin ako nitong gising ako ay kaagad nitong itinabi ang librong binabasa at bumangon saka lumapit sa akin. Walang sabi sabi nitong sinalat ang noo ko.

"You have a high fever. Kumain ka na. I will feed you pero bago iyon. Kailangan mo munang magpalit ng damit."

Mabilis ang galaw nitong kumuha ng ibang t-shirt ko kasama na ang pamunas. Tinanggal nito ang damit ko, kahit sana ayaw ko pero wala naman si mommy. Bakit siya ang nag-aalaga sa akin ngayon? Bumabawi ba ito? Pero bakit? Hindi rin pagbawi ang kailangan ko rito kundi mismong ang pagmamahal nito.

Ng mapunasan ako at mapalitan nito ang damit ko ay umalis ito saglit. Pagbalik ay may dala na itong pagkain. Sinubuan ako nito at pagkatapos ay pinainom ng gamot.

I went in my washroom, nakaalalay lang ito sa akin. Nagsepilyo ako at umihi bago bumalik sa aking kama.

Akmang hihiga ito sa couch ko pero ayaw kong manakit ang likuran nito. I love this old woman para magsuffer ito ng back pain.

"Pwede kang humiga sa tabi ko."

Tinitigan muna ako nito bago lumipat sa tabi ko. Tumagilid ako paharap dito para matitigan ito. She's just looking at me too.

"Bakit nandito ka? Bakit hindi ka umuwi?" I asked.

"Gusto kitang alagaan."

"Why?"

"Because you're precious to me."

Siguro ito na iyong tamang oras para pag-usapan ang sinasabi nitong 'matters'.

Napabuntong hininga ako. "I really want you to stay away from me. Why are you doing all of these? You know how much I love you Porcia. If we can't, at least man lang igalang mo ang hiling kong layuan mo ako. I want to move on."

Lumapit ito kaunti sa akin at tinitigan nito ang mukha ko. Naco-conscious tuloy ako pero malakas ang loob kong maganda ako. Hindi lang basta maganda. I'm exquisite.

"That's the thing." Umangat ang kanang kamay nito at hinawakan ng hintuturo nito ang mga labi ko. "Chrisen, ayaw kitang angkinin pero mas ayaw kitang ipamigay. And there's a big part of me na ayaw kong layuan mo ako at mag-move on. I don't know. The thought of it hurts me."

Bumangon ang pag-asa sa puso ko pero ang hirap lang kasing mag-asyum. Ilang beses na nitong sinabing hindi kami pwede.

"Ninang, kung hindi mo ako inaanak. Kung hindi ka matalik na kaibigan ni mommy. Kung hindi ka nauna sa akin ng labing anim na taon. May chance bang magustohan mo ako?"

Matagal bago ito sumagot sa akin.

"There's a big chance Chrisen."

Napabuntong hininga ako. So maraming 'kung hindi' kaya wala talaga kaming pag-asa ngayon.

Sige, ipapaubaya ko na lang ito sa Daddy nito. Ang sarap sindihan ang tabako ng hayop na kapreng iyon.

Dahan dahan nitong inangat ang baba ko gamit ang hintuturo nito. Ang dami kong nakikitang emosyon ngayon sa mga mata nito pero kahit isa ay wala akong mapangalanan.

Pero hindi ko napaghandaan ang sumunod na sinabi nito.






"Kasi kahit ngayon din, gustong gusto kita Chrisen."

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon