Chapter 22

2.4K 149 13
                                    

Chrisen

Uupo na sana ako ng malamig akong titigan ni Porcia.

"This is not a seated kind of conversation." Malamig na wika nito.

Clearly ay hindi ako nito gustong umupo o mas tamang sabihing ayaw ako nitong magtagal rito.

Tumaas ang kaliwang sulok ng labi ko. It was clear she's not happy. Ni hindi ito nagturo kanina kundi binigyan kami ng pagkahaba-habang quiz.

Pagkatapos kasi ng nangyari kagabi ay pinatay ko ang cellphone ko. Medyo napagod ako sa pamamasyal namin kahapon nina Cindy at Cael. And as far as I know ay wala naman akong nagawang mali kaya wala itong karapatang bigyan ako ng attitude.

So why is my mommy acting this way?

I leaned in instead saka ipinatong ang dalawang palad ko sa lamesa nito ignoring her coldness.

"Tell me ninang. Is this you aging? Or nasa menopausal stage ka na?" I want to piss her more.

Nakita kong nagngalit ang mga ngipin nito. Halatang naiinis pero nagtitimpi. Grabe rin minsan ang self control nito.

"Hindi ba sinabi ko na sa iyong iwasan mo si Mr. Denares?"

I smirked. Nagseselos ba ito?

"Should I?" Tignan ko kung hanggang saan ang pagtitimpi nito. "Should I obey you mommy Porcia?"

Dahan dahan itong tumayo habang hindi ako nilulubayan ng mga mata nitong magaganda. Ang intense nitong makatingin.

Oh my ghad! She's really hot!

Kumabog ng husto ang puso ko pero hindi ko ipinahalatang kinakabahan ako.

She leaned in too bago ipatong ang mga palad sa lamesa nito. Dahan dahang bumaba ang tingin nito sa mga labi ko. Palagay ko'y nanuyo ang lalamunan ko.

Agad rin bumalik ang tingin nito sa akin. Hindi ko maalis ang mga mata ko rito na para akong nahihipnotismo. She's a sight to be hold.

Damn old woman!

"What do you think baby?" Malumanay na tanong nito.

Napatanga ako dahil sa tinawag nito sa akin. Ang sweet ng dating nito pero ang lamig ng boses. Hindi ko mapigilang hindi mapaawang ang mga labi ko at alam kong para na akong tangang nakatitig ngayon rito.

"I thought you love me Chrisen? Hmm?"

Umangat ang kanang kamay nito para haplosin ang kaliwang pisngi ko. Nagdala ito ng kakaibang init sa balat ko dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan dahan nitong hinaplos ang mga labi ko bago umangat ang kaliwang bahagi ng labi nito. I swear kahit saglit lang ay natunaw ang puso ko sa kakarampot na ngiti nito at sigurado akong hindi ako namalikmata.

Tumaas ang kaliwang kilay nito. Diyosang sopistikada.

Napalunok ako. "Mahal kita Porcia. Gusto mo ako diba?"

"Hindi ko alam." Patuloy nitong hinaplos ang labi ko. I want to kiss her.

"Maraming beses kitang natatagpuan sa mga panaginip ko Chrisen. Your face haunts me all the time. Ikaw nga yata ang babaeng para sa akin."

I could fucking die right now. My ghad! Is she confessing?

"Porcia, you're the only woman I see myself growing old with. Wala akong pakialam sa sasabihin ni mommy at daddy. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Wala akong pakialam sa gap natin. Ang alam ko lang, gusto ko makasama kita dahil sa iyo ako masaya."

"So why are you disobeying me?"

"Kaibigan ko si Cael mommy. As a good friend, tinutulongan ko lang siya."

Tumigil ito sa pagdama sa labi ko saka lumayo at tuloyan ng umupo. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi ako tumigil. Naglakad ako paikot at sumampa sa gilid ng lamesa nito para maupo.

Nakatingala ito sa akin. "Do you know that this will affect my friendship with your mom?"

Tumango ako rito bago napangiti. "Of course, hindi na kayo non mag-best friend ni mommy. From kumare to manugang."

Napahilot ito sa sentido nito. Halatang stressed.

"Datrius will kill me fuck sake." Paanas na wika nito.

"He won't. Alam niyang masasaktan ako kapag sinaktan niya ang taong mahal ko and I won't let him hurt you let alone kill you."

"Chrisen, I-"

"You like me mommy. You can't back out. You can't break my poor heart."

Tumingala ulit ito sa akin bago nito kinuha ang kanang kamay ko at pinagsalikop sa kanang kamay nito.

"You're the most beautiful young woman I've ever seen. When you're away, palagi kitang naaalala. I can give up everything for you Chrisen just to be with you."

Napangiti ako rito at sa sobrang tuwa ko ay napatalon ako pababa mula sa pagkakaupo at tuloyan ng umupo sa kandungan nito. Wala akong pakialam dahil akin naman na ang matandang ito.

Pagkatapos ng ilang taon ay nagbunga rin ang panlalandi ko rito. Yumakap ako rito and I can't help not to sob.

"Chrisen? Why are you crying?"

"I'm just happy. So damn happy mommy. Ang sabi ko noon ay maghihintay ako kahit gaano katagal. Until I'm old enough for you to understand how I really feel. Until I'm old enough to prove you the love I am offering. That what I'm offering you is a lifetime promise. Iyong walang bawian at hindi panandalian dahil lamang sa bata ako para sa iyo."

"Chrisen." Niyakap ako nito pabalik bago nito haplosin ang likuran ko.

"Let me Porcia. Ang tagal ko itong kinimkim. Gusto kong makita mong kahit bata pa ako. Mula noon hanggang ngayon. It's just you."

Napabuntong hininga ito.

"Please Porcia, huwag mong sabihing magsasayang pa ulit ako ng maraming panahon. Gustong gusto na nga kitang pakasalan."

Humiwalay ako rito. Hindi ko inaasahang may hawak agad itong panyo para punasan ang mga luha sa aking pisngi.

"I'm a woman who knows what she wants and doesn't stop until she gets it. And I told you that I like you Chrisen. For the first time, I felt how it is to need someone. Kailangan kita sa buhay ko."

Napabuntong hininga ulit ito. "Fuck sake I love you. May Kaede and Datrius will forgive me. Heavens."

Parang tumigil ang mundo ko. Itong puso ko para ng namatay sa sobrang saya.

Oh my ghad! She loves me! I am not dreaming right?

Tinitigan ako ng malalamig nitong mga mata but the feeling is there. Nakikita ko ang nananalamin na pagmamahal sa mga mata nito.

"Now that I've found the love I'm searching for. I'll never let go of you Chrisen. I might never got the chance anymore and might lose forever. I just want to know, why me baby?"

"You may be imperfect pero sabi ng puso ko ikaw ang perpekto para sa akin. And I always follow what my heart wants and says."

And because I can no longer wait for it. I leaned in kasabay ng pagpulupot ng mga kamay ko sa batok nito.

Inangkin ko ang mga labi nito. Mainit at mapaghanap. Gumanti ito sa akin. Ngayon ay tuloyan na akong napanatag. The feeling is mutual.

"Fuck sake." Wika nito ng maghiwalay ang mga labi namin. Palagi itong nagmumura but I always find it hot. Hindi ko alam, siguro ay ganun na ako kalala pagdating rito.

Ninakawan ko ulit ito ng isa pang halik. Nakakaadik ang malambot at matamis nitong mga labi.








"I love you with all that I am, Porcia."









*****






After 10,000 years nakapag-update ako kahit sobrang upset ko ngayon. Kaysa sumama ang loob ng sobra. Itutulog na lang. Back to work bukas. Until then, I don't know kailan ang susunod na update.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon