Chapter 20

2.1K 80 2
                                    

Chrisen

"Chrisen, salamat kasi pinaunlakan mo ang pakiusap ko. Si Cael kasi halos hindi na kumakain ng tama. Ikaw lang ang palaging bukambibig niya. I'm sorry hija, pasensya ka na talaga dahil pati ikaw ay nadadamay tuloy sa aming sitwasyon." Malungkot na wika ni ninang Xyline.

Nasa bahay ako nito ngayon. Wala namang pasok at nag-text sa akin si ninang na kahit saglit lang ay dalawin ko sana si Cael. I said yes dahil mabuting kaibigan ko si Cael simula pagkabata.

"Ok lang po ninang saka gusto ko pong makatulong para mas mapadali ang paggaling ni Cael."

Niyakap ako nito kaya yumakap rin ako.

"I'm really sorry hija. I know how Cael loves you kahit noong mga bata pa kayo. Madalas ko siyang mahuling nakatitig sa iyo. You're his happiness at sinong magulang ang hindi gustong mapabuti at sumaya ang kanilang anak. I like you for him pero desisyon pa rin ng puso mo ang masusunod hija."

Napalunok ako.

Kumalas ito ng yakap sa akin. "I'm not asking you anything tungkol sa mga personal na buhay niyo pero nagmamakaawa akong tulongan mo sana akong ibalik ang anak ko hija. I want his memories back."

"Kahit hindi mo po hilingin ninang tutulong po talaga ako. I'm at fault too."

Umiling ito sa akin. "Don't blame your self hija. Responsable ang anak ko sa kung anuman ang nangyari sa kanya."

Dinala ako nito sa kusina. "Kumain ka na hija?"

"Tapos na po ako kanina ninang." Tinulongan ko itong ihanda ang mga pagkain ni Cael sa isang tray at pinabuhat pa nito sa isang maid para dalhin sa kwarto nito.

Ng makarating kaming tatlo sa taas ay kumatok muna si ninang sa kwarto nito bago tuloyang binuksan. Nakatalikod si Cael sa amin habang nakaupo sa gilid ng kama nito. Parang ang lalim ng iniisip nito. Maya maya pa ay sinapo nito ang ulo nito.

"Cael anak?" Si ninang Xyline at nag-aalala itong lumapit rito.

"Ako na po. Salamat." Magalang na sabi ko sa maid at kinuha ang tray ng pagkain rito. Dinala ko ito sa loob ng kwarto ni Cael na hanggang ngayon ay hindi pa rin umiimik.

Maya maya lang ay humikbi ito ng ipatong ko ang pagkain sa may bedside table nito.

"Anak what's wrong?"

"I can't remember anything mommy. I felt lost."

Naaawa akong nakatingin sa likuran nito habang hinahaplos ni ninang Xyline ang likuran nito.

"It's ok. Huwag mong pwersahin. We are here for you. Look anak, Chrisen is here. I asked her to come over."

Pagkarinig nito sa pangalan ko ay agad itong lumingon. Napangiti ako ng makita ang gwapong mukha nito. Mabilis na nabuhay ang mga mata nito saka napangiti. Tumayo pa ito para agad makalapit sa akin bago ako nito niyakap ng mahigpit.

Napapangiti akong hinaplos ang likuran nito.

"Kumain ka na muna Cael. Pakakainin kita."

"Iiwan ko muna kayo, kumain ka na anak para mabilis kang gumaling ok?"

Lumapit ito kay ninang Xyline saka ito naman ang niyakap nito at binigyan ng halik sa noo. May amnesia na ito pero sweet pa rin.

"Thank you mom."

Ng makaalis si ninang ay umupo ulit ito sa gilid ng kama. Kinuha ko ang platong may lamang pagkain. Umupo ako sa tabi nito saka ito sinuboan.

"Magpagaling ka ok? Gusto ko ng ipasyal mo ulit ako sa tabing dagat."

"Talaga?" His eyes lit up na parang bata.

Napangiti ako bago tumango rito. "Oo naman. Ang dami kaya nating adventure pero paano tayo makakapamasyal kung hindi ka pa gumagaling. Kapag nawala ka, mawawala din ako. Mawawala tayong dalawa."

Napahalakhak ito.

Naagaw ang atensyon namin ng may kumatok sa nakaawang na pinto para makuha ang atensyon namin. Si Cindy ang nandoon na nakatayo.

"Ang aga mo naman rito Chrisen." Wika nito bago pumasok saka lumapit sa akin para bumeso.

"Late ka na talagang nagising Cindy."

Napalabi ito. "Syempre wala tayong pasok. Sulitin ko ang pahinga ko."

Sinuboan ko ulit si Cael. Napapangiti naman si Cindy habang sinisipat ang kapatid nito.

"Cael labas tayo. Kailangan mo ng magpagupit. Humahaba na iyang buhok mo. Hindi gusto ni Chrisen ang kanas-kanas."

Pinandilatan ko ito ng mata pero parang ganado itong asarin ang kapatid nito ngayon. Inaalala ko kasing baka mawala ang gana nitong kumain. Hindi pa naman ito nakakapangalahati ngayon.

Mabilis na tumitig sa akin si Cael. "Chrisen, totoo ba iyon? Ayokong maging pangit sa paningin mo."

Natawa ako rito. "Gwapo ka pa naman kahit medyo mahaba na ang buhok mo."

Napanguso itong parang bata habang pinipigilan ni Cindy ang matawa rito.

"Pwede ba tayong lumabas ngayon? Gusto kong magpagupit."

"But first, ubosin mo muna ang pagkain mo."

Mabilis itong kumain bago uminom ng gamot. Nagmamadali pa itong pumasok sa banyo para maligo.

Lumabas na kami ni Cindy. Dinala ko ang pinagkainan ni Cael sa kusina habang siya ay dumiretso sa silid nito para magbihis. Sa sala ko na lang sila antayin na dalawa.

Tumayo si ninang at binitawan ang binabasa nito ng makita ako nitong magpunta sa sala. Niyakap ulit ako nito.

"Salamat hija. Ako na ang magpapahatid sa iyo sa inyo."

Akala siguro nito ay uuwi na ako dahil napakain ko naman na si Cael. Napangiti ako rito ng kumalas ito ng yakap sa akin.

"Ninang lalabas po kami nina Cindy. Magpapagupit daw po si Cael." Medyo nagulat pa ito.

"Anong nakain niya hija at bakit parang may gana siyang lumabas ngayon samantalang ilang araw na siyang nagmumukmok."

"Tinukso po kasi ni Cindy na ayaw ko raw ang lalaking mahaba ang buhok. Sabi ni Cael ayaw niyang pumangit sa paningin ko ninang."

Natawa kaming dalawa. Ilang minuto lang ay bumaba na rin si Cindy at Cael.

Nakasuot si Cael ng itim na skinny jeans at sandong puti na hapit na hapit sa katawan nito showing his pecs and muscles. Nakasuot ito ng brown leather shoes habang si Cindy ay simpleng above the knee na dress na bumagay rito ng husto.

"Malalaki na talaga ang mga anak ko." Emosyonal na wika ni ninang Xyline. "Mag-iingat kayo ha? Drive responsibly Cindy."

"Ay akala ko drink responsibly iyon mommy?" Pilosopong wika nito.

"Basta mag-iingat ka sa pagmamaneho."

"Opo mommy. Sige po aalis na kami." Humalik ang dalawa kay ninang Xyline bago ako sumunod sa mga ito.

"Bye ninang."

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon