EPILOGUE

26 35 4
                                    





Halos wala ng bakanteng upuan sa loob,nagpalinga-linga muna siya para makahanap ng puwesto at napansin niya ang isang kumpol ng kababaihan sa may malapit sa stage na nagpapalakpakan at nagtatawanan, medyo familiar sa kanya ang dalawang babaeng nakaupo kaya lumapit siya para makilala ang mga ito.

“Fareeta Hera Bautista and Maeve Juarez Aguas,” bulong niya sa sarili, former employees nila ang dalawang ito at sila rin ang dahilan kung bakit napasubo si Cyla na sumayaw sa entablado noong pag-aari pa nila ang Club na ito. Sabay ba namang nagresign ang dalawa kaya siya ang naging stripper dancer nang gabing iyon. Tila nagulat rin si Cyla dahil napatingin rin sa dako niya si Maeve. “Cyla!?” tili ni Maeve na kinalabit pa si Fareeta. “She’s Cyla right?!” tanong ni Maeve sa katabi at napatingin pa sa gawi niya ang dalawang babae na nagtataka.

“Remember us?” tanong ni Maeve na mabilis nakapunta kay Cyla para hatakin sa couch nila. Hindi makapagsalita si Cyla dahil medyo nahiya siya sa dalawang kasama pa na mala-dyosa ang kagandahan.

“Ladies! This Launcelle Vyralen the former owner of this Club,” pagpapakilala ni Maeve Juarez Aguas sa mga kasama nginitian naman siya ng mga ito at inilahad pa ang kamay. “I’m Zriyah Lavigne nice to meet you Launcelle,” matamis na ngiti ang ibinigay ni Zriyah sa kanya.

“And I’m Aurelia Lilac Vscdeur,” pakilala naman ng isa na mukhang nakainom na. “Uhh just call me AL for short,” dagdag niya pa habang nakipag-kamay sa kanya. Samantalang hindi naman makapaniwala si Fareeta Hera Bautista sa nakikita, hindi ito nakapag-salita agad. “Kumusta ka na?” panimula ni Fareeta.

“Okay lang naman ako,” sagot ni Cyla.

“I’m sorry for your loss. We heard about Boss Nicolo Vyralen,” dagdag pa ni Fareeta sabay yakap sa kanya.

“Nabalitaan namin ang nangyari tapos pumunta kami rito sa Club pero wala na kayo at iba na ang nag-mamay-ari,” singit ni Maeve na may kalungkutan rin ang mukha.

“We migrated in Macau pero okay na ako. Thank you sainyo. So, kayo?! Kumusta na kayo?” balik-tanong ni Cyla sa dalawa na sabay naman kumislap ang mga mata. Ayaw niya na muna pag-usapan ang nakaraan niya kaya minabuti niya na lang iiba ang usapan. She’s here to enjoy her life, forget the past and celebrates her new life.

“We’re fine. Nagkayayaan lang at dito na naman napadpad,” masayang saad ni Fareeta.

“Ladies! C’mon! Cheers!” Napalingon silang tatlo ng magsalita si AL na itinataas ang hawak na champagne glass. “Anyway! Welcome to Enchantressess Club Launcelle! A friend of my friend is also my friend,” dagdag pa ni AL habang si Zriyah naman ay tawang-tawa sa tatlong babae na sumasayaw sa entablado.

“Thank you,” replied ni Cyla kay AL na nakipag-apir pa sa kanya.

“They are cool,” bulong ni Maeve kay Cyla ang tinutukoy ay si Zriyah at AL. “Kanina lang kami nagkakilala sa labas ng Club at nagkayayaan na sabay-sabay ng pumasok rito sa loob,” dagdag pa ni Maeve na ikinatango lang ni Cyla. So, they’re all strangers.

“And that three stripper dancers ka-jamming rin namin sila-- look how amazing they are! Nag-volunter lang silang sumayaw dahil late raw ang mga pole dancer ng club at mukhang nasisiyahan naman sila.” Kahit si Cyla ay humanga sa babaeng sumasayaw. Akala niya tuloy ay empleyado sa club na ito ang mga ’yon.

“Hello! Uhh! So tired! It’s been a long time since my last twirl in a pole,” humihingal si Tria Allera Dela Cruz habang palapit sa kanila. Nauna itong bumaba pagkatapos ng isang malamyos na tugtog. She’s gorgeous and sweet.

My Typecast Midnight THE ENCHANTRESSES #5 Soon To Published Under EPPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon