16: An Ally

6 1 0
                                    

Maagang nagising si Quinn. O hindi nga yata siya nakakatulog. Ilang araw na siyang ganito. O 'di yata ay linggo na. O marahil sobra na sa isang linggo.

Everything is blurry for her. Para lang siyang nakalutang palagi sa ere. Minsan ay hindi niya na napagtutuunan ng pansin ang sarili niya at nakakaligtaan nang kumain. She's been restless lately. Hindi rin siya makatulog kahit pagod na pagod pa siya.

Kaagad siyang bumangon nang tumunog ang cellphone niya. Hindi naman ito alarm clock pero palagi itong tumutunog sa takdang oras. Sinagot niya ang tawag kahit na hindi tinitignan ang caller I.D.

Bago pa siya makapagsalita ay isang malamyos na tinig ang bumati sa kaniya, "Good morning, Sunshine!"

"Morning, Eth." Kahit walang sigla ang boses niya ay ramdam niya pa rin ang ngiti ng lalaki sa kabilang linya.

"Have you eaten already?"

"Wala ka na bang ibang tanong?" Pagbabalik tanong niya rito.

"Edi kumain ka na ba?"

Napairap na lang siya. Alam naman nito ang sagot, e.

"Oo, tapos na," tugon niya kay Ethan kahit hindi pa talaga. Ang kulit din kasi nito.

"Ah talaga?" he asks, skeptical. "Well, I'm going there in a few. Sabayan mo ako kumain. And I don't take no as an answer."

Bago pa siya makapagreklamo ay ibinaba na nito ang tawag. Napailing na lang siya at dumiretso sa banyo. She takes her precious time in the bath. She has to drag herself to do things in order for her to get things done.

After what seems to be a thousand years, she finally goes out of her bedroom straight to the dining room.

"You cannot make mistakes, Jasper. You'll handle some of our businesses someday. 'Wag kang pabobo-bobo."

Natigilan siya sa paghakbang nang marinig ang Nanay Selya. Kaagad na namuo ang luha sa mga mata niya nang makitang parang robot na nakaupo si Jap sa silya tila takot ito na gumalaw.

"Ma," she tries to get her mom's attention. Gusto niyang sabihin na sumusobra na ito. Pero kahit ano pa ang sabihin niya ay sarado pa rin ang isipan nito.

"You're a very disappointing kid." Nag-walkout ang ina. Kaagad niyang pinuntahan ang kapatid para aluin ito. Ngunit hindi niya inaasahan ang titig na sumalubong sa kaniya. It's as if he's blaming her for everything that's happening in their lives.

"Jap..." Quinn whispers. Hindi man lang siya pinansin ng kapatid. Umalis na ito sa hapag kainan kahit hindi pa nagagalaw ang pagkain. Gone the bubbly kid she is used to know. It's like there's a dementor that has sucked all the life out of him. Hindi siya sanay sa ganito.

Halos lahat ng taong nakakasalamuha niya rito ay nagbago na. The plot is so messed up. She wants to cry again and again. Wala naman siyang ibang magawa kun'di umiyak. She cannot change anything. The plot continues to unfold. Wala siyang kontrol sa lahat ng nangyayari.

Biglang nangatog ang tuhod niya sa panghihina. Mabuti na lang at isang matipunong braso ang umalalay sa kaniya. Kaagad niyang hinarap ang lalaki.

"What is it?" Tanong ni Ethan sa kaniya instead of asking if there's something wrong. Everything is wrong about everything. At silang dalawa na lang ang magdadamayan ngayon.

"Ayoko na rito, Eth. I want out." Nanghihinang napasandal si Quinn sa dibdib ni Ethan. Kaagad naman siyang inalo ng binata.

"What are we going to do, then?"

Mayroon na lang siyang isang alas sa mundong ito.

"Let's continue the wedding."

Ang kasal na lang ang natatangging paraan ang naiisip ni Quinn para makatakas sa miserableng buhay na ito. Maggagamitan sila ni Ethan.

The Girl Who Cannot Write Love Stories ✓Where stories live. Discover now