"Ang mga kasama mo rito ay puro college. Kaya expect mong ikaw ang pinakabata at mapagkakatuwaan palagi." Natatawa nitong sabi. "'Wag kang mag-alala, mababait naman sila rito kahit ilang araw pa lang bukas itong café."

Napatango naman ako. "Maraming salamat po." Wika ko.

Agad kaming nagpaalam nang masabi sa akin kung ano ang schedule ko. Nasabi pa ni ma'am Kate na kahit madaling-araw ay dinadayo itong kanilang café lalo na ng mga turista, pero hindi sila nagpapa 24/7.

Mula 7 pm hanggang 12 midnight ang schedule ko kaya may time pa ako para makapagluto sa bahay bago pumasok sa trabaho. Kapag nasa trabaho naman ay pwede kong pagsabayin ang pag-aaral at pagwawaitress para hindi ako maboring kapag walang customer.

Mula Monday to Friday gano‘n ang schedule ko, kapag Saturday and Sunday naman ay 7 am to 6 pm ako. Mas malaki ang kikitain ko kapag Saturday to Sunday dahil mas mahabang oras ang gugugulin ko. Tuwing Sunday din ang sweldo dahil puro kami estudyante.

Nang dumating ang lunes ay badtrip kaagad ako dahil si Ryo agad ang nakita ko sa gate pa lang ng school. At sa kinamalas-malas ko nga naman, nagkasabay pa kaming pumasok mula sa gate, sa hagdan, hanggang sa pagpasok sa room. Hindi ko naman siya kinikibo kahit dapat nagkikibuan naman kami kahit papaano dahil magkaklase kami.

Hindi naman kami close at mas lalong ayoko siyang kausap. Hindi rin naman siya nagsasalita kung hindi about academics ang pinag-uusapan. Itong nonchalant na 'to sarap sipain.

Ewan ko ba, pero kapag nakikita ko pa lang ang mukha niya nag-aapoy na kaagad ako sa inis. Lagi ko kasing naaalala ang rank noong last quarter last school year, bwisit!

Nang sabay kaming pumasok ay agad nagbulungan ang mga kaklase kong chismosa at chismoso. Of course, they are all aware of how I hate the man I'm with now. Tapos makikita nilang kasabay ko.

Agad akong umupo sa upuan, nasa pinakaunang row ako dahil sa height kong pang-elementary pa rin daw hanggang ngayon. At least, malaki naman utak ko kumpara sa kanila.

Kinilabit agad ako ng dalawa kong kaibigan na nasa likod ko. Inilapit pa nila ang kanilang upuan sa likod ko. "Anong meron? Bakit magkasabay kayo ni Ryo?" Tanong ni Angel.

"Nagbago na ba ang ihip ng hangin?" Ngising tanong ni Raine.

Kunot-noo ko silang tinarayan, napadawi ang tingin ko kay Ryo na nakatitig pala sa‘kin. Tinaasan ko siya ng kilay, akala ko mag-iiwas siya ng tingin pero umayos lang ng kaniyang pagkakaupo bago labanan ang titig ko.

Tinarayan ko siya nang marealize na hindi siya magpapatalo sa titig ko. "Mukhang nagbago na nga." Naiiling na bulong ni Angel.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong nagbago? Ganoon pa rin, walang nagbago, nadadagdagan lang each day." Masungit kong sambit.

"Pero lakas ng loob makipag eye contact." Natatawang sabi ni Raine.

Napairap ako sa kanila bago humarap sa white board at doon na lang ituon ang tingin. Kinuha ko ang notebook ko sa bag bago nagbasa ng notes. Nakafocus ako sa pagbabasa ng bila akong kalabitin ng dalawa.

Hindi ko sila pinansin dahil mang-aasar na naman. "Moon!" Pigil tili nilang tawag sa‘kin. "Moon! Hindi ko pa rin sila pinansin. "Moon, lingon ka!"

"Ayoko, nagbabasa ‘yung tao." Wika ko.

"Sandali lang naman, parang others." Ani Raine.

"Moon, nakatingin. Labanan mo eye contact!" Ani Angel.

"Alin ba?!" Inis kong tanong sa kanila bago sila harapin.

Imbes na mga mukha nila ang makita ko paglingon ay ang seryosong mukha ni Ryo ang nakita ko. Nakatitig pa rin siya sa akin. Kanina pa siya nakatitig sa‘kin. Hindi ba siya tumitingin sa iba?

Naghampasan na lang bigla ang dalawa. Halatang kinikilig pa. "One week pa lang pero may namumuo na!" Tili ni Angel kaya napalingon sa amin ang karamihan sa mga kaklase namin.

"Anong namumuo?" Chismosong tanong ni July.

"Dugo mo, mamumuo dugo mo kapag sa ulo sinagot ko." Sagot ko sa kaniya.

Nagtanong pa ang iba kong kaklase ngunit hindi ko na binigyan pa ng pansin. Hindi ko na rin nilingon ang dalawa kong kaibigan kahit panay ang sabi nila sa tuwing nakatitig daw sa akin si Ryo. Ano namang pake ko kung nakatitig ang lalaking iyon? Gandang-ganda ba siya sa akin?!

Dumating si Sir Nico. "Good morning, Stem C." Bati niya. Bumati rin naman kami pabalik bago niya kami pinaupo. "Today, hindi muna ako magdidiscussed." Agad nagsigawan ang mga lalaki sa loob. "Boys at the back!" Saway ni Sir.

"We don't have any classroom officers yet, so I will allow you to vote for the individuals you want to be officers in our room." Ani Sir. "Ayusin niyo lang ang pagbato, ibibilad ko kayo sa arawan kapag hindi maayos."

Tumabi si Sir sa gilid ng white board. "Vote for president and secretary muna. Para may taga-sulat na." Pangunguna ni Sir. Nag-umpisa namang umingay ang room dahil sa mga boto.

"I'll vote Moon for president, Sir!" Buong lakas na sigaw ni Raine.

"Si Ryo na lang, Sir!" Sigaw ni September, iyong kaibigan ni Ryo.

Nagsulat si Sir sa white board, pangalan ko at pangalan ni Ryo. Nag-umpisa ang botohan. As I expected, si Ryo ang nanalo.

As for Secretary naman ay si Angel ang nanalo dahil maganda naman talaga ang handwritten niya.

"The voting for Vice President is now open." Ani Angel. "Boto ko na si Moon." Aniya bago ilagay ang name ko sa pagbobotohan.

"Sino lalaban? Lumabas na ng room?" Tanong ni Raine.

Wala akong naging kalaban sa posisyon kaya madali kong nakuha ang position for Vice President.

Pinapunta kaming mga officer sa harap. "Magsama ang President at Vice President, Secretary at Treasurer, 'yung dalawang P.R.O, dalawang P.O, at Muse and Escort." Utos ni Sir Nico kaya wala akong choice kun‘di ang tumabi kay Ryo.

Kumuha ng cellphone si Sir para picturan kami by pair. "Usog pa kayo palikod." Ani Sir.

Ginawa naman iyon ni Ryo kaya sumunod na lang din ako. Hindi ko namalayang may ballpen na nakakalat. Muntik pa akong madulas ngunit agad akong napahawak sa balikat ni Ryo.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang at sa kamay ko. Nakakarinding sigawan ang narinig sa loob ng room.

"Ngayon lang ako natuwang nawawala ballpen ko." Boses ni September.


-iamlunamoon

Senior high School Series #2: Love And Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now