Chapter 15

26 2 0
                                    

After that day, a few more days passed and I can say that Ryo and I have improved. We don't debate as often anymore because he no longer agrees to be the representative of the boys during debates.

"Haist, exam na sa Monday!" Sigaw ni Raine pagkalabas namin ng gate ng school.

"Saan kayo mag-rereview?" Tanong ni Angel sa‘min.

"Sa bahay, malamang." Sagot ni Raine. "Ikaw, Moon? Saan ka mag-rereview?"

"Sa café habang nag-duduty ako." Sagot ko.

Parang may bumbilyang umilaw sa ulunan ni Raine, nanlalaking mga mata silang nagkatitigan ni Angel na parang pareho nilang alam ang nasa isip ng isa't-isa.

"Kung doon na lang din kaya kami mag-review? Di‘ba, Angel?" Excited na tanong ni Raine.

Nagkibit lang ako ng balikat. "Kayong bahala." Sagot ko. "Basta bawal ang maingay sa café, ah. Bawal sumigaw doon, Raine."

Inakbayan niya ako bago tumango-tango. "Ano? G tayo bukas? Anong oras duty mo bukas?" Tanong niya.

"6 am to 6 pm." Sagot ko.

"Gago 12 hours?!" Gulat niyang tanong. "Matindi pa 'yan sa mga company na 8 hours lang ang time."

"Bakit nasa company ba kami?" Singhal ko sa kaniya.

"Bro, bilisan mo!" Narinig ko ang boses ni September na nasa likod namin at tumatakbo papalapit sa amin. "Tatlong nasa langit, hintayin niyo kami!" Sigaw niya pa.

"Kapag 'yan sinapak ko, aabot 'yan sa langit, magiging one of the star siya roon." Mataray na sabi ni Raine.

Nakakainis naman kasi ang bansag sa amin ni September. Tatlong nasa langit, tinutukoy niya ang mga pangalan namin. Moon, Angel, Raine. Pare-parehong nasa langit.

Nang makalapit siya sa amin ay agad siyang tumabi kay Raine. Lumayo sa kaniya si Raine at siniksik kami ni Angel sa gilid. Naiinis akong bumitaw mula sa pagkakaakbay ni Raine at pinauna na silang maglakad.

"Ano ba kasi, September!" Pikon na sigaw ni Raine.

Nagtangkang aakbay si September sa kaniya kaya sinapak niya ang mukha nito. Napatampal na lang ako sa noo ko nang lumagutok ang sapak ni Raine kay September.

"Aakbay lang, nangangalay na kamay ko." Ani September. Hinilot niya ang pisngi niyang sinapak ni Raine. "Ang sakit mo manapak. Anak ka ba ni Manny Pacquiao?"

"Ninuno ko 'yon!" Sigaw ni Raine. Muling nagtangkang lumapit si September upang akbayan si Raine.

Hindi ko na narinig ang sigaw ni Raine nang may tumabi sa akin. Gulat akong nagtaas ng tingin kay Ryo. "Wala kang sundo?" Kaswal kong tanong sa kaniya habang naglalakad kami.

"September called my driver and told him that we were going for a walk. His house is close to ours," he replied.

I saw him wiping his forehead, which was dripping with sweat. I took my handkerchief from my pocket and offered it to him. "Hindi ka nagdadala ng panyo?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya. "Kunin mo na, punasan mo pawis mo." Utos ko sa kaniya.

"I'm okay. It will also disappear later," he said.

I tsked. "Kunin mo na, kapag pumatak 'yang pawis mo sa mga mata mo pwede 'yon mag-cause ng mabilisang pagkabulag. Hindi mo ba alam?" Tanong ko sa kaniya.

"I know." Maiksi niyang sagot.

"Alam naman pala, oh, kunin mo na." Muli siyang umiling. Napailing ako bago tumigil sa paglalakad at hinarap siya.

I touched his uniform, causing him to stop as well. He turned to face me. I reached up to touch his forehead and wiped his sweat with my handkerchief. He didn't move as I did that. Once he recovered, he slowly folded his legs until our faces were at the same level.

Senior high School Series #2: Love And Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now