Chapter 14

29 3 0
                                    

"Bakit hanggang ngayon wala pa si Hades?!" Hysterical na sigaw ni Lana habang inaayos ni Angel ang pagkakatali ng buhok ko.

Lahat ng mga kaklase ko ay mga bihis na ng kani-kanilang i-po-portrait na Greek Gods and Goddesses. Stress si Lana dahil dapat before dumating si Sir Kiyo ay ready na kami. Hindi na kasi kami bibigyan ng time para makapag-reherse o practice ng lakad dahil dare-daretso na pagdating ni Sir. Ang strict pa naman niya pagdating sa due time.

"Si Hades na lang ba ang kulang?" Tanong ko habang tinitingnan isa-isa ang mga ka-grupo ko.

Frustrated na tumango si Lana. Naiintindihan ko siya dahil sa kaniya ang sisi kapag hindi maganda ang presentation namin. "Chinat ko na wala namang response pero naka-delivered! Akala siguro ng lalaking 'yon hindi ko alam ang pinagkaiba ng delivered sa sent!" Sigaw niya.

Kapag wala si Hades ibig sabihin mag-isa akong rarampa habang binabasa ng narrator namin ang patungkol sa buhay mag-asawa ni Hades at Persephone.

I was wearing a lace gown with a slightly low neckline, split into two designs. On the right side were human bones, while on the left side were fruits and leaves. Since Persephone is the daughter of Demeter, who is the Goddess of Agriculture, the gown reflects this with half being bones to represent her role as the Queen of the Underworld.

"Five minutes na lang darating na si Sir, nasaan na ba si Hades?!" Malakas na sigaw ni Lana.

"Hades ba hanap niyo? Nandito Hades namin." Natatawang sabi ni Raine bago ituro si Ryo na pinagtutulungan nilang ayusin ang buhok. Laglag-panga kong tiningnan si Ryo habang nakadamit siya na pang-greek Gods. Para kaming nag-couple dahil may mga bones din ang costume niya. "Ang laway, Moon!"

Inirapan ko si Raine nang sabihin niya iyon. Agad na napalingon sa akin si Ryo, iniwas ko ang tingin sa kaniya ngunit ramdam ko ang paninitig niya sa‘kin. Na naging dahilan para mailang ako.

Tuluyan nang nanlumo si Lana nang pumasok ng room si Sir Kiyo at wala pa ang Hades namin.

"So, everyone is ready?" Excited na tanong ni Sir Kiyo. Wala namang kumibo. "Oh, what happened? Hindi ba kayo excited?"

Napakamot si Lana sa kaniyang batok, kitang-kita sa kaniya ang kaba. "Kasi Sir, wala po 'yung Hades namin." Sagot ni Lana.

"Fair lang, wala rin Persephone namin." Ani Raine. Napatingin ako sa grupo nilang nagkukumpulan sa likod ng room.

"Group 1 doesn't have Persephone, and Group 2 doesn't have Hades, so if you want, you can borrow a member from each other." Sir suggested.

Gulat akong napatingin kay Sir Kiyo. "Oo nga! Mas better 'yon para fair. Single naman Persephone niyo tas' single Hades namin." Agree naman ni Raine. Kaya um-agree na ang lahat.

Gulat pa rin akong nakatingin sa kanila habang inuusog na nila ang mga upuan pagilid para gawing stage ang gitna. Naramdaman ko ang paglapit sa‘kin ni Raine. "Okay lang 'yan, 'nak." Aniya bago tapikin ang aking balikat.

Inalis ko ang kaniyang kamay sa balikat ko. "Bitawan mo 'ko, Demeter, hindi kita mama." Pabalang kong sabi na kaniya namang tinawanan.

Nang mag-umpisa ang group nina Ryo ay lumabas na ang magkakapartner, hinila naman ako ni Raine palabas. Ang sunod kong nakita ay nasa labas na ako ng room at nasa tabi ko na si Ryo. Wala siyang kaimik-imik at hindi man lang ako sinulyapan.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha pagkatapos pumasok ng kanilang Gaea. Pansin kong namumutla siya. May sakit ba siya?

Binalewala ko ang tanong kong iyon sa isip ko. Hinintay ko na lamang na tawagin na kaming dalawa. At nang tinawag na kami ay pinagbuksan niya ako ng pinto bago ako naunang pumasok sa kaniya.

Senior high School Series #2: Love And Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now