Kabanata 16

12 4 0
                                    


Kabanata 16

"Ang trying hard mo talaga."

I felt my body stiffened and waves of memories rush through my mind. She crossed her arms and dramatically travel her eyes from my head to foot.

My heart is beating so fast and my fingers were trembling... same feeling I had experience before. I don't want this, it's draining me, it's making me weak and pitiful.

"You really push yourself to be just like Flare, no? Inggit ka talaga sa sariling kapatid mo."

I bit my tongue to activate my mind but it went more haywire... my ears suddenly rang and I felt like my head was bursting.

"I didn't want this, Amelia." I stutterly stated.

She rolled her eyes at me. "Ow come on, Isabella. Aminin mo na kasi, inggit ka sa kapatid mo dahil mas mahal siya ng mga magulang mo, ng pamilya mo.."

I breathe slowly. "W-hy are you doing this, Amelia?"

"Para ipaalala sa'yo kung ano ka talaga. Anak ka lang naman ng mama mo sa labas, 'di ba?"

I don't want to shed tears right now. My makeup might be ruin, I might look like a trash and the pictorial is not yet done.

I felt sudden kick in my heart and I felt like it's shattering upon hearing that.

"A-amelia.."

She raised her eyebrow...

"Magpapalinis si mommy ng bahay ngayong sabado, tatawagan namin ang mama mo at sasabihing ikaw ang gusto naming maglinis.."

"Hindi puwede, Amelia."

"And why is that?"

"My trabaho ako every weekend, kailangan ako do'n dahil sobrang busy niyan." I reasoned out.

"And then? Kasalanan ko ba 'yon? I know naman na hindi ka makatanggi sa mama mo." She sarcastically smiled. "At dito kapa talaga nag-aral no? Sino nagbabayad sa tuition mo? Allowance mo? Tsk, malandi ka talaga e no?"

Lumapit siya sa akin habang may nandidiring mukha. I am one inch taller than her.

"Sabihin mo nga, saan ka nakahanap ng sugar daddy?"

Nahinto sandali ang paghinga ko at naka-awang ang labing naka tingin sa kanya. Nagbabadya ang luha kong tumulo. Naiinsulto ako sa sinabi niya. She didn't have any idea what I have to go through to earn money. How dare she to say that?!

"Candidate number 9? Where's the representative of Education department?" Sumigaw ang isa sa student council na babae.

Umirap muna ito bago tumalikod papunta sa harap. "You can't beat me, Isabella. I'm always better than you... always been better."

Nanghihina ang tuhod ko at parang gusto ko nalang sumalampak sa kinatatayuan ko ngayon. I want to defend myself but I couldn't do it. Bigla kong naalala ang lahat ng aking karanasan no'ng nagtatrabaho ako sa kanila.

Hindi ko gusto 'yon pero pinilit ako ni mama. Amelia is my cousin from my father side... pero ilang beses niyang pinamukha sa akin na hindi naman daw kami kadugo. Hindi daw niya ako ka ano-ano dahil anak lamang ako ni mama sa labas.

Mariing akong pumikit sa aking alaala. Mga palo, mga sabunot at mga panghihiyang aking naranasan sa kamay nila... na-aawa ako sa sarili ko.

"Candidate 10, ikaw na." Napalingon ako sa unahan ng nakatingin na halos sa akin ang lahat. Nakita kong bumaba na si Amelia sa stage at maarteng nakatingin sa akin.

I heaved a big sigh to calm myself. I held on my dress tightly and fake a smile.

"Go, Isabella!" Sabi ni Alex pagkadaan ko sa kanya.

Love's Wage (ON-GOING)Where stories live. Discover now