Kabanata 7

12 4 0
                                    

Kabanata 7

Kakasimula lang ng unang linggo ng pasukan kaya lahat ng mga kaklase ko ngayon ay maganang nakikinig sa aming professor. This is our second period class for today, major subject pa.

Nakaupo sa likuran at tinignan ang katabi kong lalake na mariing nakatitig.

"Gutom na ako." Bulong ko sa kanya.

"11:30 pa out natin, Vic."

I let out a groaned. It's not that I hate my second name, naalala ko lang talaga ang taong tumatawag sa akin niyan. Ang hilig talagang mang-asar tong taong to!

Inilapit ko ang sarili ko sa kanya at mahinang bumulong. "Wester, cr muna tayo."

"Cr daw pero sa canteen ang punta. Wag mo akong lokohin."

"Bibili lang naman tayo ng turon."

"Kakapagod kaya mag-lakad, layo ng canteen."

Napasalampak nalang ako sa upuan. Gutom na talaga ako! Hindi kasi ako nakakain kanina. Malapit na kasi akong malate sa first period ko, hindi naman major pero takte ayaw kong bumagsak!

Unang linggo palang pero madami ng kailangan aralin, putcha di pala spoon feeding ang college! Malaking adjustment talaga ang kailangan.

Napatingin ako kay Wester ng bumulong ito sa akin. "Gutom ka diba?"

Malungkot akong tumango sa kanya.

"Kita mo iyon?" Tinuro niya ang babaeng mariing nakakikinig sa guro. Nasa kabilang side ito pero pareho kami ng row. Nasa kanyang ibaba ay may isang malaking bag. "Nagbibenta iyon, pwede daw utang."

"Ano namam ang binibenta niyan?"

"Ewan ko! Tanungin mo."

"Nahihiya ako."

"Bahala ka nga sa buhay mo! Tiisin mo nalang 30 minutes nalang naman ang natitira."

Wala akong choice kundi makinig nalang at nagtitake down sa notes ko. Bigla nalang umiingay ang babae kaya nilingon namin ni Wester ang kanilang tinitignan.

Rinig ko pa ang bulong-bulongan ng mga kaklase kong babae.

"Shit, Papi!"

"Gwapo niya!"

"Pogi naman, ano daw pangalan?"

"Raiden Rylle daw."

"Ang hot ng name, lakas makatunog mayaman."

"Gaga, mayaman talaga iyan."

Dumaan kasi sa room namin si Raiden. Nagtitipa ito sa kanyang phone habang mahinang naglalakad.

"Katext siguro niya gf niya." Biglang usal ko.

"Lakas maka conclude ah." Pagbibiro ni Wester.

"Ha?"

"Ha mo mukha mo!" Tinawanan pa ako.

"May sinabi ba ako?" Wait! Nasabi ko iyon?!

"Ay wala, nabasa ko lang sa isipan mo! Baka professor x to!" Ginaya pa niya ang usual na ginagawa nong character sa isang movie. "Bet na bet mo talaga 'yon no?"

"Yucks, hindi kaya." Pagtatangi ko. Crush lang naman, di naman sobrang bet.

"Ha! Sabihin mo iyan sa bato!"

I just rolled my eyes at him when the professor called him. Deserve! But Wester is Wester, he answered the question so well that he got claps from our classmates and professor.

Umupo ito at binigyan ako ng isang proud na ngiti. "Ako lang 'to."

Pagkasapit ng ilang minuto'y tumunog na ang alarm ng school. Napapalakpak pa ako dahil ibig sabihin non ay 11:30 na!

Love's Wage (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن