Kabanata 14

5 3 0
                                    


Kabanata 14

Dumaan ang ilang linggo'y gulong-gulo ang utak ko sa kakaisip kung ano nga ba dapat ang magiging sagot ko.

"Sige na, Isabella, ikaw nalang." Pamimilit ng kaklase kong si Rian.

"Ayaw ko nga, ba't ba kasi ako?" Tanong ko sa aking sarili.

Nandito kami ngayon nakatambay sa room 34. Halos nandito din lahat mga kaklase ko dahil walang ng klase at ang gagawin lang ngayon ay listing para sa mga participants ng Volleyball, Basketball, Takraw, Badminton, Billiards, at marami pang ibang sports.

Siyempre hindi mawawala ang literary arts and music. Gusto ko lang sana sa committee nalang para maghahatid lang ako ng food and drinks, mas gusto ko 'yon.

"Guys, ayaw talaga ni Isabella." Sigaw ni Rian sa buong klase.

Kaya nagtinginan sila sa amin at lahat sila'y pinipilit ako. Sir Anthon naman kasi eh!

"Ba't ba kasi ako? Puwede namang iyong last winner ng department natin." Pagrarason ko.

"Graduating nga, sobrang busy dahil may thesis din sila n'yan."

"Edi 'yong 1st runner-up?"

"Graduating din."

"2nd runner-up?"

"Ayaw na din niya, nahihiya nadaw siya."

Napasalampak ang mukha ko sa desk.

"Ba't ba kasi ako?" Pagmamaktol ko.

Lumapit sa akin si Wester.

"Ang oa mo ha! Wala ka namang pro-problemahin sa gastos dahil sagot na ng department natin. Malaki din ang premyo, Victoria!"

Kina-career na talaga niya ang pag-tawag sa akin ng Victoria...

Lumapit siya sa akin at ngumiti ng napakatamis.

"Ayaw mo no'n? Partner kayo ni Raiden? Halos one month preparation and araw-araw kayong mag-sasama? Diba bali-balita na wala na sila ni Razeliane? Girl, chance mo!"

Kumalat din ang chismis na wala na si Raiden at ng jowa niya kaya halos lahat ng may gusto sa kanya ay sobrang saya, except sa akin. Bet na bet ko siya pero bagay na bagay talaga sila e. Sayang talaga sila.

"Ano na? Ayaw mo talaga?" Tanong ni Wester at nagpapakonsensya pa talaga. "Sige ka, wala tayong contestant tas minus points 'yon, matatalo department natin. Tsaka if ayaw mo, may makikita na bago sila sir tapos sila na mag-sasama araw-araw... tapos ikaw? Kawawa kasi walang chance kay Raiden. Hays! Gwapo pa naman 'yon!"

Napapa-isip ako do'n ah. Eh wala naman akong gagastusin kasi sagot lahat ng department, bibigyan daw din nila ako ng allowance para pang transpo. Malaking advantage din sa akin 'to dahil gusto kong mag-o-online selling.

And makakasama ko palagi si Raiden! Omg, baka sign na talaga ito!

Nagsigawan mga kaklase ko nang sinigaw ni Wester ang pag-payag ko. Kaya dalidaling pumunta ang president namin kay sir Anthon para ibalita ito.

Siniguro naman ako ng mga ka-department kong beks na tuturuan daw nila ako sa pag-rampa. Sila din daw ang magiging Official handler and makeup artist ko.

Pagkasapit ng Biyernes ay may gaganapin na meeting sa malaking gym court ng school dahil biyernes ang schedule ng department namin.

Ang daming studyante pagkapasok namin ni Wester at Bea. Pinagtitingan na tuloy ako dahil sa ayos ko ngayon.

"Daming studyante.." bulong ni Bea sa sarili.

Umupo kami sa may bakanteng upuan sa may likuran at dumaan ang ilang minuto'y nagsimula na ang meeting.

Pinag-usapan kung anong dapat gawin at hindi during the palaro, 4 weeks itong gaganapin. Pinag-usapan din na every year level ay may booth na itatayo at magtitinda kami ng kahit ano basta legal. Hanggang sa isa-isang pinaakyat ang mga players para sa iba't-ibang sports, participants for the literary art and music competition.

Nakita kong pumunta si Wester sa stage dahil kasali siya sa mga participants para sa quiz bee at nagpakilala. Mas nagsigawan ang lahat nang bumalik sa stage si Caiden dahil siya ang representative for the debate.

Hindi ko naman talaga mapagkakaila na pogi talaga siya at attractive. Pero pro-Raiden ako.
Speaking of Raiden, kanina ko pa siya hinahanap.

Kumabog ang dibdib ko nang mas nagsigawan ang lahat dahil tatawagin na ang representative for the search of Mr and Miss Sinclair University.

Balita ko nanalo ang previous male representative namin at first runner-up naman ang female category.

"Of course ang inaabangan ng lahat! Let's call on stage our representatives for the search of MR and Miss Sinclair University! Mr. Raiden Rylle Martinez and Isabella Victoria Villahermosa!"

"Go, Isabella!"

"Villahermosa, ang ganda mo!"

"Laban, Villahermosa!"

"Ekembot mo, Isabella!"

"Panalo na tayo!"

"Pogi mo Raiden!"

"Anakan mo ako, Raiden!"

"Villahermosa pingi number!"

Sigaw ng mga kakilala at kaklase ko. Halos di magkamayaw ang lahat nangg hinintay pa talaga ako ni Raiden. Sabay kaming naglalakad patungo sa stage, nauna siyang umakyat at inilahad ang kamay nang paakyat na ako.

Kabog na kabog ang puso ko dahil sa kaba na nararamdam ko. Gosh, ayusin mo Victoria! Maraming nakatingin sa'yo!

"S-alamat." Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

Bakit ba kasi kailangan pa akong pag-suotin ng heels. Hirap tuloy akong maglakad at umakyat.

"You look good, by the way." Bulong niya sa akin ng maka-akyat ako.

Palihim kong tinignan ang sarili ko, nakasuot lang naman ako ng isang hapit na hapit na silk dress. Pinakita nito ang kurba ko at may slit kaya mas pinakita nito ang mahaba kong binti. Light makeup lang din ang nilagaw nila sa akin.

Hindi ako sanay mag-damit ng ganito pero nang purihin ako ni Raiden ay parang umusbong ang kompyansa ko sa sarili. I have been an achiever since high school, nanalo na din ako no'ng sumali ako sa story telling at impromptu speaking.

I just didn't felt the utmost feeling of victory because I had no one there from my parents to congratulate me and shower me proud kisses.

The victory tasted bittersweet, for as I stood alone in the spotlight, there was an echoing silence where the cheers of proud parents should have been, leaving me to hold the trophy  and medals with a heavy heart, longing for their absent embrace and words of congratulation.

I heaved a big sigh before I introduced myself.
My hands were trembling and I felt the familiar feeling whenever I am facing a crowd.

This isn't nervousness, but an excitement.

Pinaaalahanan ko ang aking sarili tulad nang kung paano ko pinaaalahanan ang batang Victoria na sumasali sa patimpalak.

My parents were so proud when my eldest sister won the school pageant and she started winning different pageant she joined.. maybe through this, they will be proud of having me as their daughter.

"I am Isabella Victoria Villahermosa, you're representative for the search of Miss Sinclair University... let's win this, basta akin ang premyo."

Rinig ko ang tawanan at palakpaka ng mga studyante nang tumalikod ako at bumalik sa tabi ni Raiden. Nakatingin ito sa akin habang may ngiting nakaguhit sa kanyang labi.

"You really look beautiful right now."

Pabebe akong tumawa.

"Ngayon lang talaga?" Biro ko para mas magkaroon kami ng koneksyon sa isa't-isa.

Tumawa lang ito habang nakatingin sa akin. Shocks! Baka in love na 'to sa akin ah!

Love's Wage (ON-GOING)Where stories live. Discover now