Prologue

7 1 0
                                    

"Poverty teaches us to appreciate the simplest joys, to find beauty in the smallest moments, and to value the power of community."

Being poor is not easy.May mga bagay ka na gusto mong bilhin ngunit wala kang pera,gusto mo nang masasarap na pagkain,mga bagong damit,mamahaling gadget ngunit ano ang magagawa mo wala kang pambili kung hindi kapa kakayod ay mukhang hindi kapa makakain nang tatlong beses sa isang araw.

Alas-sais na ng gabi nang makauwi ako sa bahay mula sa palengke.Malayo pa lamang ako ngunit amoy na amoy kona ang mabangong ginisa ni mama na tanda na nagluluto na siya para sa aming hapunan.

Natatanaw ko na ang aking dalawang nakakabatang kapatid na nakadungaw sa maliit naming bintana nang may ngiti sa  mga labi.

"Ate!Ate!Ate!Yehey andyan na si Ate!"sabay palakpak nang mga kapatid ko.

Alam kong inaabangan nila ang bawat pag-uwi ko.Dahil kapag galing ako sa pagtitinda sa palengke ay bumibili ako nang paborito nilang yema.

Umakyat ako sa hagdan at pinihit ang siradora  nang aming pinto para makapasok  ako sa  maliit naming kubo.Napalingon si mama sa direksyon ko at ngumiti, sinalubong naman ako nang mga kapatid ko nang yakap lalo na ang dalawa kong batang  kapatid.

Nagbeso ako kay mama at inilabas ang binili kong yema at inabot sa aking mga  kapatid at ang binili ko namang mga art materials ay binigay ko sa isa kong kapatid.Pinabili niya dahil Kinakailangan daw sa proyekto nila.

Lima kaming magkapatid.Ako at ang apat kong nakakabatang kapatid.Si mama na lamang ang nag aalaga sa amin dahil namatay si papa sa sakit sa kidney.Ako ang panganay kaya ako ang tumulong kay mama.Hindi madali ang pagiging  panganay,nakakapagod.

Nang maka  graduate ako sa garde 12 ay napagdesisyon kong wag na munang mag-aral at mag trabaho muna ngunit ayaw din ni mama nasa malayo ako mag trabaho kaya sa palengke tumutulong ako kay aling leyn,ang kapitbahay namin  na nag- titindi nang isda at karme sa palengke  kapalit nito ay sinusweldohan niya ako.

"Oh siya,kumuha na kayo nang plato at kutsara, tayo'y kakain na"utos ni mama sa kapatid ko.

"Ma,ano pong ulam?"tanong ni Carl,ang pangatlong kapatid ko na nasa grade 8 pa lamang.

"Miswa na may patola"sagot ni mama.

"Lagi nalang"sumimangot ito.

"Eh sa wala akong pera.Tiis tiis muna nak ha pasensyahan niyo na si mama ganto lang ang kayang bilhin nang sahod ko sa paglalaba"Sabi ni mama habang nagsasandok nang kanin sa kusina.

"Oo nga,tiis muna tayo ngayon.At mag aral kang mabuti para makakain ka nang masarap na pagkain"sabat ko naman."Kapag nakapagtapos ka nang pag-aaral pwede munang makaon lahat nang pagkaing gusto mo."

Kumain kami nang gabing iyon nang masaya kahit na miswa lamang ang aming ulam sobrang saya na namin dahil kahit papano may ulam kami.

Kaya nga todo kayod ako at para naman mabilhan ko si mama  at ang mga kapatid ko nang masasarap na pagkain.kahit na anong hirap kakayanin ko para sa kanila.

Hindi ko alam kung anong maaring mangyari sa  takbo nang buhay namin ngunit kailangan kong maging malakas at matatag sa mga problemang  darating sa buhay namin.

I am Selestine Euloya and I'm proud of being a poor woman pero mataas po ang pangarap ko para sa pamilya ko at gagawin ko ang lahat para nabuhay ko sila.

: Nawa'y supurtahan nyo po  ako sa istorya kong ito:))

"Fate's Crossroads: Love in the Shadows"Where stories live. Discover now