55. The Perfect Duo

59.6K 2.2K 287
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 55- The Perfect Duo

Isang nakakabinging sigaw ang kumawala kay Parma habang binabangga ang malaking bola ng kuryente mula sa unang mandirigma. Nararamdaman namin ni Lara ang lakas ng enerhiyang nagmumula sa bolang iyon. Parma struggled to crush the giant electrocuting ball at halos tumagal iyon ng halos higit sa isang minuto. Tumatalsik ang mga hibla ng enerhiya mula sa banggaan ng blood sword at ng energy ball.

I stared at Lara. Taimtim itong nakapikit na animo'y nakikipagsagupaan sa mismong malaking bola ng kuryente. Then suddenly, she opened her eyes and gave me a serious gaze. Muli itong pumikit at naramdaman ko ang madiing paghawak niya sa aking mga palad. As I closed my eyes, I felt a strong force pulling all the fire energy I have.

Parang isang malakas na gravitational pull ang nabuo sa pinaglapat naming mga palad kubg saan naroon ang connecting energy chord ni Parma. Dumoble pa ang lakas ng enerhiyang dumaloy patungo kay Parma kaya mas lalong naging malakas ito. Nangislap ang kanyang baluti at parang dumoble ang talim ng blood swird na hawak nito. All I know was it's Lara's powers that's keeping this fight a possible win. Ganto siya kalakas. Ganto kalakas ang total keeper.

Sinangga ni Parma ang malaking energy ball gamit ang kanyang kaliwang kamay habang hawak nito ang blood sword. Her knees, almost folding but trying to keep herself in full control and balance. Ilang saglit pa ay parang isang baseball na hinampas nito ang energy ball gamit ang blood sword. Tumilapon ang energy ball ilang kilometro mula sa kinaroroonan namin at lumikha iyon ng isang napakalakas na pagsabog. Sa di inaasahang pagkakataon ay mabilis na gumalaw ang unang mandirigma para kami'y sugurin. Both of his hands were holding an electrocuting shot as he flew towards us.

"Laurent!" I felt Lara's nervous tone. Naramdaman kong nanginig halos ang mga palad nitong nakahawak saakin. "He's coming... to us!"

Habang nararamdaman ko ang panginginig ng kanyang mga palad, kasabay ng pag-iisip kung paano ko babanggain ang makapangyarihang nilalang ay siya namang pagbulusok ng napakalakas na enerhiya sa mga kamay nitong tila nagngingitngit sa sobrang galit. Halos bumuo ng isang malakas na pwersa ng hangin ang pagsugod nito na parang isang malakas na kometang pabagsak saamin.

Bago pa ako makakilos para harapin ang paparating na kalaban ay mabilis na iniwan ng winged unicorn si Lara. Agaran ko namang sinalo at pinulupot ang aking kaliwang bisig sa beywang ni Lara upang hindi ito bumagsak sa lupa. The unicorn raised its wings upward and positioned as if he is to fend the incoming blow.

"Sasanggahin niya ang atake ng kalaban!" kinakabahang nasabi ni Lara habang nakayakap saakin. Nasa likuran kami ng matapang na unicorn.

Then, with a strong and sudden blow. The flaming iron fists of the enemy clashed the crossed wings of the unicorn. Threads of lightning formed and spread out of the clash. Halos mabulag kami sa nakakasilaw na liwanag na nabuo dahil sa banggaan ng dalawang kapangyarihan.

The explotion created by the clash literally blew us away. Hindi nakayanan ng pakpak ko ang malakas na pwersa ng hanging humampas saamin ni Lara. The place was then covered by a blinding fog.

Unti-unting nawala ang usok sa ere at sa di inaasahang eksena ay hindi namin nahagilap ang first keep ni Lara.

"N-nawala ang unicorn." I whispered as I held Lara tighter and closer to let her feel secured and protected.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon