7

6.4K 154 19
                                    


BUMUNTONGHININGA lang si Declan, ngayon ay sa mukha ni Calista nakatingin. Mukhang kalmado pa rin ang gago. Tingnan nga niya kung hanggang saan ang pagiging kalmado nito.

Lumapit pa si Calista sa lalaki, at walang babalang sinakyan niya ang kandungan nito.

"Stop this, Calista," matiim na babala nito sa kanya.

Nag-iwas ito ng mukha nang idikit niya ang dibdib doon.

Tumawa si Calista. "Ayaw mo ba? 'Di ba sabi mo, any man would want me? Kasali ka ba sa mga iyon?"

"We both know why you're doing this. It's not gonna work."

"Tingnan natin."

Muli niyang idinikit ang mga suso sa mukha ni Declan at gumiling siya sa kandungan nito.

"Hey, hey!" hanggang awat nito sa kanya, hinawakan ang magkabilang panig ng kanyang mukha. "You gotta stop this madness,

Calista, I mean it."

"Or what? Ano'ng gagawin mo sa akin, Declan? Babalian mo ako ng braso? Gawin mo. Wala akong maramdamang sakit ngayon. Wala din akong maramdamang takot. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit may mga taong nalululong sa alak. Nakakalimot din pala iyon."

Pilit siya nitong itinulak, ikinawit niya naman ang mga binti sa likod nito. Humawak ito sa hita niya, bumaon ang mga daliri doon.

"You'll be hurt if you keep doing this," babala ni Declan.

Hindi sigurado si Calista ngunit nararamdaman niyang parang nag-iingat ang lalaki, parang ayaw siyang puwersahin na pahiwalayin dito. Siguro ay dahil lasing siya kaya kinakaawaan siya ngayon?

"Saktan mo ako. Sanay ka naman diyan, 'di ba?" hamon niya na kusang lumapit ang isang kamay niya sa mukha nito, humaplos sa bibig nito.

Napangiti si Calista nang nahuli niyang lumunok si Declan. Nang muli siyang gumiling ay napamura ito ng napakalutong na "Putangina".

Tinatablan na ba ito?

Pinadausdos niya ang hintuturo pababa sa lalamunan nito, sa dibdib. Lumapad ang ngiti niya nang maramdamang may bumubukol sa pantalon nito.

"Lalaki ka rin pala," paos ang boses na sabi ni Calista.

Pinababa pa niya ang kamay sa dibdib nito. Dinama ito doon, matitigas ang muscles, pati sa bandang tiyan ay matigas din. Nang lalampas na sana sa puson nito ang kamay niya ay doon na siya muling pinigil ni Declan.

"Don't."

Mas mababa na ang boses nito. Nang tingnan ito ni Calista sa mga mata ay may nabago sa mga iyon.

Siya naman ang lumunok. "P-puwede mo akong gamitin, Declan."

"You're drunk. You don't know what you're saying."

"Alam ko ang sinasabi ko, alam ko rin ang nararamdaman mo ngayon. Naa-arouse ka sa akin. Gawan natin iyan ng paraan?"

He scoffed. "Hindi mo ako kilala, Calista. I don't fuck innocent girls."

"Innocent? Virgin lang ako pero hindi ako inosente. Alam ko kung ano ang gusto ng katawan ko, Declan."

Dumiin ang hawak nito sa kanyang hita, nagtiim ang mga bagang nito.

"Magpipigil ka pa ba?" Muling napangiti si Calista nang maramdamang mas matigas na ang bukol sa pagitan ng hita ni Declan. "Kayang-kaya mo akong ihagis kung gugustuhin mo lang, pero ayaw mong gawin. Gusto mo rin ito, Declan, umamin ka na."

"Kung inaakala mong aayawan ka ni Slater kung malalaman niyang nagpagamit ka sa ibang lalaki ay nagkakamali ka. He doesn't care if his Persephone is a virgin or not. That's not a deal-breaker at all."

CaptiveWhere stories live. Discover now