3

5.9K 146 5
                                    


DALAWANG linggo. May dalawang linggo si Calista upang planuhin ang pagtakas. Alam niya, pagdating ni Slater ay mahihirapan na siyang tumalilis. Dinadala daw sa isang isla ang mga Persephone, nakatira ang mga ito sa isang malaking mansion doon.

Unang dapat niyang gawin, kunin ang tiwala ni Declan sa kahit na anong paraan. Naisip niyang baka iyon ang kahulugan ng panaginip niya, na baka pupuwede niya itong magamit sa pagtakas.

Ngunit paano niya gagawin iyon kung heto ngayon ang gago, parang istatwang nakatayo malapit dining table kung saan siya kumakain ng pananghalian?

"Puwede mo akong saluhan, Declan. 'Andami kong order na pagkain."

Kinibitan lang siya nito ng balikat.

"Bakit ba pati pagkain ko ay binabantayan mo?"

"Para kung mabulunan ka ay may sasaklolo sa 'yo."

Biglang natawa si Calista. Ni hindi na niya alam kung kailan ang huli niyang pagtawa. Mula nang kunin siya ng mga tauhan ni Slater ay parang lalong nagdilim ang mundo niya.

"Kung may mangyayaring hindi maganda sa akin ay mananagot ka kay Slater?"

Hindi sumagot si Declan.

"Ilang taon ka na, Declan?"

Muli, walang sagot.

"Hulaan ko." Tingin niya ay mas bata ito kay Slater na tatlumpo't tatlong taong gulang. "Thirty? Thirty-one?"

Wala pa ring sagot.

Hindi tumigil si Calista. "Baka kuwarenta mo na pala?"

"I'm twenty-nine, alright?" banas na sagot nito.

"Ah." Maingay siyang sumipsip sa straw ng pineapple juice. "Eighteen ako, eighteen and a half."

Nakitaan niya sa mukha nito na parang sinasabihan siyang hindi ito nagtatanong, at ayaw nitong magtanong tungkol sa kanya. Marahil ay alam na nito lahat ng background niya, hindi na siya magtataka pa roon.

"May girlfriend ka ba o asawa, Declan?" tanong uli ni Calista. "Okay lang ba sa kanya ang trabaho mo? O alam ba niya kung ano ang tunay na trabaho mo?"

Ayaw talaga'ng makipag-usap sa kanya ang gago.

"I see. Boyfriend ang meron ka?" tudyo niya.

Marahang napailing-iling lang si Declan. Hindi naman pikon sa tingin niya, o baka nakukulitan na rin sa kanya, hindi lamang ipinapahalata. Mahirap basahin ang iniisip o nararamdaman ng lalaking ito. Blangko talaga ang mukha. Poker face kung poker face. Ngayon lang siya nakakilala ng taong ganoon, mayroon pala talaga.

"May pamilya ka ba? Mga magulang, kapatid?" pangungulit pa rin ni Calista. "Ako wala na. Namatay si Papa habang namamasada ng jeep, aksidente. Si Mama naman... ayun, sumama sa ibang lalaki matapos ang mahigit isang taon na wala na si Papa. Naiwan ako sa tiya ko— paternal aunt— kasama ko siya sa bahay niya plus iyong dalawang mahaderang anak. Hindi ko sila kasundo, ginawa kasi akong utusan, at lagi akong inaaway ng mga pinsan ko. Mga chaka kasi sila, insecure siguro sa akin. Iyong tiyuhin ko naman, nasa Palau, nagtatrabaho doon. Palagay ko may babae siya doon. Tapos itong si Tita, nalulong sa sugal, nagkautang-utang kani-kanino. Kaya alam ko ibinenta niya ako kay Slater, o ipinambayad na mismo sa utang niya. May sabi-sabing konektado kay Slater iyong loan shark na si Gustav na siyang inutangan niya. Bigla na lang niya akong pinasama sa mga tauhan ni Slater, kesyo magtatrabaho daw ako sa  ipapatayong Acheron casino sa Manila. Iyon din ang pinaniwalaan ng mga kapitbahay, at iyon din ang unang pinaniwalaan ko. Hindi ko naisip na magiging pvta pala ako ng mobster."

CaptiveWhere stories live. Discover now