6

6K 135 9
                                    


NABUBUWISIT na si Calista. Dead-end ang kanyang plano, hindi niya mayanig si Declan. Hayun ang gag0 at payosi-yosi lang sa labas ng sunroom. Ngayon lang niya ito nakitang nanigarilyo, na-stress siguro sa kanya?

Sa totoo lang ay ayaw niya ng mga taong naninigarilyo, nandidiri siya sa usok. Pero parang may something sa paghawak at paghithit ni Declan sa hawak nitong sigarilyo. Parang ang astig, at ang hot. Huwag lang niyang maamoy ang usok niyon.

Nang bumalik sa loob ng penthouse si Declan ay sinalubong ito ni Calista.

"Bakit hindi ako puwedeng lumabas kahit sa sunroom lang?"

"I'm not gonna answer that question, Calista. Alam mo na ang sagot." Nilampasan siya nito.

"Hindi ko naman mababasag ang salamin niyan, mukhang makapal, eh. Gusto ko lang magbasa ng libro diyan. Ang ganda n'ung pinahiram mo."

"We're not gonna have this conversation again."

Dumiretso si Declan sa kusina, bubuntot sana siya rito nang tumunog ang doorbell. Maagap siya nitong hinawakan sa braso bago pa siya makagalaw.

"Go to the dining room and wait there," bilin nito.

Umiirap na sumunod si Calista.

Mga pagkain ang ihinatid sa penthouse. May lalaking tulak-tulak ang isang cart, parehong lalaki din iyon na nakikita ni Calista araw-araw na naghahatid ng pagkain. Tauhan din siguro ni Slater.

"Anong pangalan mo?" tanong niya rito nang makarating ito sa dining room.

Nang hindi sumagot ang lalaki ay nginitian ito ni Calista.

"You don't have to answer that," sabi ni Declan sa lalaki nang akmang sasagot sana ang huli kay Calista.

Sinimangutan niya si Declan. "Bakit ba napaka-kill joy mo? Sa lahat ba naman ng pagbabantayin sa akin, napunta pa ako sa masungit."

"Kung sa iba ka napunta, baka bawas na ang mga daliri mo ngayon," sabi naman ni Declan.

"I don't think so. Ayaw naman siguro ni Slater ng babaeng kulang-kulang ang parte ng katawan."

"Go. Tawagan na lang kita pag tapos na kaming kumain," bilin ni Declan sa lalaki.

Wala itong ibinigay na tip. Tauhan nga ng sindikato ang lalaking server, naisip ni Calista.

"Gusto ko ng wine, o brandy. Basta iyong malakas, iyong nakakalasing," pahabol niya sa lalaki nang papaalis na ito.

Tumingin ito kay Declan, parang humihingi ng pahintulot. Tinanguan ito ng bodyguard.

"Kumain ka na," sabi ni Declan sa kanya bago ito umupo sa dulo ng mesa.

"Nagyoyosi ka pala? Masama sa kalusugan iyon, saka mabaho sa hininga," tanong ni Calista sa gitna ng pagkain.

"I've been trying to quit."

"Ah, ganoon ba? Sabi nila napapayosi daw ang iba kapag stressed sila."

"Yeah, no shit."

"Stressed ka sa akin, 'no?" panghuhuli niya.

Nagpunas si Declan ng table napkin sa bibig saka ipinagpatuloy ang pagnguya na para bang walang narinig.

Ewan ni Calista, pero kahit sa pagkain, parang ang hot tingnan ang lalaking ito. Siguro para sa iba, parang hindi normal na mapansin pa niya ang mga ganito lalo't nasa panganib ang kanyang buhay. Pero sabi din nila, sa oras daw ng panganib ay lumalabas ang ibang pakiramdam ng isang tao. Siguro ay kasali iyon sa survival instinct niya na gumagana ngayon, na pansinin ang magagandang bagay sa paligid niya hindi upang ilayo ang isip niya sa panganib, kundi para hindi siya tuluyang malungkot o matakot at mas makapag-isip siya ng paraan para makatakas.

CaptiveWhere stories live. Discover now