5

5.8K 144 2
                                    


HINDI ginising ni Declan si Calista para kumain ng tanghalian. Hinayaan siya nitong matulog hanggang gusto niya. Pasado alas-kuwatro na ng hapon nang gumising siya. Naligo siya at nagpalit ng damit bago lumabas. Saktong kahahatid ng hotel staff ang mga pagkain niya sa dining table. Nakita siguro ni Declan sa camera na gising na siya kaya um-order na ito ng pagkain niya.

Nakangiti siyang bumati kay Declan. "Hi."

Sinulyapan lang siya nito. Umupo na siya sa silya sa dulo ng mahabang dining table.

"Hindi mo ba ako puwedeng saluhan sa pagkain?" tanong niya sa lalaki nang ipaglagay siya nito ng plato sa kanyang harapan. "Puwede kong i-request kay Slater. Nakakawalang-gana kasi pag may nanonood sa akin habang kumakain. Baka mangangayayat ako bigla."

Nagbuga ng hangin si Declan.

"Pahiram ng cellphone mo, kausapin ko siya. Bakit wala pala akong sariling cellphone? Kanino ko naman iyon gagamitin para tumakas? Hawak ninyo ang mga pulis, pati na politiko. Kahit i-post ko sa social media na captive ako ngayon ay walang maniniwala. Saka if I know, ang ibibigay ninyong cellphone sa akin ay iyong monitored ninyo ang bawat tawag, text o pag-post ko sa social media. Alam kong may tech team ang mga sindikato."

"I'll talk to Slater," sabi ni Declan, may pinindot sa smart phone. Magte-text siguro.

Gustong pumalakpak ni Calista. "Magkaka-cellphone na ako?"

"Hindi. Kakain ako kasabay mo."

"Kumain ka na kasi, huwag mo na hintayin ang sagot niyang amo mo. Baka hindi pa mabasa ang text mo."

"Eat your food. I know you're famished."

Naglagay siya ng kanin sa kanyang plato. "Bakit hindi mo kasi ako ginising kaninang lunch?"

"Ayokong istorbohin ang tulog mo."

"Thank you na rin siguro. Kanina lang ako nakatulog nang ganoon. Siguro dahil—..." Humagikgik si Calista. "Nakatulong iyong nag-masturbate ako."

Nakita niyang nag-iwas ng tingin si Declan.

Huli ka!

"Nakita mo iyon, ano?" kastigo niya rito. "Nakita mo akong hubad, nanonood ng porn at nagpapaligaya ng sarili."

Hindi ito sumagot. Pero alam niyang nasukol niya ito.

"Narinig mo ba akong humahalinghing? Tinawag ko ang pangalan mo, ini-imagine ko na ikaw ang kinaka-sex ko." Pinalandi pa ni Calista ang boses. "Ang sarap pala ng ganoon, iyong may nai-imagine akong lalaki na sumi-sex sa akin. First time kong gawin iyon, dati ay ginagalaw ko lang ang sarili ko pag tinatablan ako sa mga pinapanood o nababasa ko, pero wala akong ini-imagine na partner kasi diyahe, wala naman akong kilalang lalaki na gusto kong makipag-sex sa akin. Pero bigla kitang naisip. Ang hot mo kasi, Declan, mukhang maalam ka rin sa sex. Tinapos mo ba? Nakita mo ba akong nag-come?"

Muli, walang sagot si Declan, pero ramdam ni Calista na naliligalig niya ito ngayon.

"Tinablan ka ba sa nakita mo? Nag-init ka ba, tinigasan ka—"

"Shut up!" malakas na suway sa kanya ni Declan. "You do that again, at tatanggalin ko ang TV sa kuwarto mo."

Tumawa si Calista. "Pinanood mo nga!"

"I'm not gonna give you a five-star rating if that's what you're asking. Amateur."

Sumimangot si Calista at inumpisahang kumain. Amateur daw? Wow, ha?

"Kunwari ka pang gago ka," mahinang sabi niya.

"I heard that."

"Good. Hindi ka pala bingi. 'Muntanga lang," pang-aasar niya.

CaptiveWhere stories live. Discover now