Tanging kibit-balikat lang ang sinagot niya sa kapatid bago muling dumapa para gawin ang ginawa kanina.

“Fine, if you really don’t want to join us, then I won’t force you. Aalis na kami. Enjoy your day sulking here in your bed.”

Hindi na sumagot si Traios. Hinintay na lang niya na makaalis ang kaniyang kapatid. Nang marinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto, muli siyang tumihaya dahil bahagya siyang hindi makahinga ng maayos. Pero tinakpan niya ng kaniyang mga braso ang mga mata habang nakatihaya siyang nakahiga.

May kumatok sa pinto pero walang nagsalita. Kaya naman sinabi niyang buksan iyon at pumasok na lang ang kung sinuman ang kumakatok.

“Uhm, sir? May naghahanap po sa inyo. Importante lang daw po.‘

Parang may kung anong dumapo sa kaniya at mabilis siyang tumayo. Inayos ang sarili at nagtanong sa kasambahay. “Sino raw?”

“Babae po, sir. Baba na lang po kayo para makita niyo po siya.”
May pag-asang namuo kay Traios noong malaman niyang babae ang naghahanap sa kaniya. Kaya naman mabilis na siyang lumabas ng kaniyang kuwarto. Dali-dali ang ginawa niyang pagbaba.

“So, what are you doing here at my house?”

Hindi agad nakilala ni Traios kung sino ang kaniyang bisita dahil sa pang-i-interrogate na ginagawa ni Jenevy.

“Hey, Jenevy! Why are you harassing my visitor?”

Mabilis siyang pumagitna at sinamaan ng tingin ang asawa ng kaniyang kapatid. Alam naman niyang hindi niya pagmamay-ari ang mansiyon pero sa kapatid naman niya iyon kaya may karapatan din siyang magkaroon ng bisita.

“I’m not harassing her, I’m just asking. Diyan na nga kayo. Ugh!”

“So, Ly–” Naputol ang anumang sasabihin niya dahil hindi ang inaasahan niya ang siyang nakita nang tuluyan na niyang tignan ang babaeng bisita niya. “Oh, Miss Barrietto. What are you doing here? May nangyari ba sa TKC Mall? Nagkaroon ba ng issue?”

“I guess I'm not the one you’re expecting, sir? And to answer all your questions. I came here because I want to give you the reports about TKC Mall. There’s no issue circulating about the mall, sir. It’s actually getting the hype because some of the influencers have been doing their vlogs inside the mall. Hindi lang daw kasi maayos ang mga staff, de kalidad din ang structure ng mall at may mahigpit na security.”

Inilahad nito sa kaniya ang isang envelope na agad din naman niyang kinuha. “Thanks, Miss Barrietto!” Executive assistant niya ito simula pa man noong pinapatayo pa lang ang mall. Maaasahan ito kaya naman gustong-gusto niya ang work ethics nito. At ayaw niya rin napakawalan ang dalaga dahil ito talaga ang umaasikaso sa lahat ng pasikot-sikot sa mall.

He just wishes that evil money won’t work in her mind so that she’ll have him as long as the mall is standing. Hindi rin naman kasi niya masasabi kung hanggang kailan ang loyalty nito dahil kapag pera na ang usapan, paniguradong kahit ang pinakamabait ay makakagawa ng masama.

“Grabe pala dito sa bahay na ito, sir. May mangangain ng tao. Akala ko pa nga po ay asawa niyo iyon, eh.”

“‘No, she’s not. She’s my brother’s wife. Ganoon talaga iyon. Baka nag-ta-trantums.”

“Oh, totoo po pala talaga ang tsismis na may kakambal kayo, sir. Akala ko’y haka-haka lang iyon at ginawa ng mga mosang na nag-ta-trabaho sa mall.”

“My family is not really that discreet about our personal lives. Namalagi kasi ako sa ibang bansa kaya rin hindi ako gaanong naipapakilala noon ng ama ko. Sige na, Miss Barrietto. Salamat. You better get going.”

Tinapos na niya ang usapan at baka kung saan pa mapunta iyon. Nagpaalam na sa kaniya ang E.A. niya bago tuluyang umalis ng mansiyon.

Siya naman ay bumalik sa kaniya kuwarto bitbit ang ibinigay sa kaniyang envelope. Iyon na lang ang balak niyang asikasuhin at pag-aralan kaysa isipin na naman ng buong araw ang hindi naman mawala-wala sa isip niya.

Sa study table siya dumiretso at sinimulan na niyang basahin ang nakalagay sa mga papel. Natuwa siya dahil talagang namamayagpag ang mall. Mataas ang benta ng mga store roon dahil na rin sa pag-po-promote noong mga influencer.

Hindi niya alam kung ano ang nakain ng mga influencer at bakit niya nagustuhan na i-promote ang TKC Mall, siguro ay dahil na rin sa ang mga store roon ay nag-po-promote ng mga gawang pinoy. Kaya nag-note siyang bigyan ng commission sila para mas lalo pa nilang pagbutihin ang ginagawa.

Nang mapagod sa pagbabasa, inilapat niya ang kaniyang likod sa swivel chair, nag-inat inat din siya at pinaikot-ikot ng bahagya ang kaniyang leeg para alisin ang medyo masakit na parte roon dahil na rin sa ginawa niya kaniya. Siguro ay nangalay ang leeg niya.

Habang ginagawa niya iyon, bigla siyang nakarinig ng pag-ring. Agad siyang napatakbo sa may kama dahil tunog iyon ng kaniyang ringtone. Kinuha niya ang phone niyang nakalapag sa side table.

Sa isang iglap, tila nawala ang pangangalay na nararamdaman niya habang nakaupo sa swivel chair kanina. Para nang tumatakbo ngayon ang puso at tila nakikipagkarera sa kung sino. Tila rin nanlamig siya dahil hindi niya alam kung ano ang maaari niyang marinig sa oras na sagutin ang tawag.

May mga posibilidad na tumakbo sa isip niya habang tinititigan ang screen ng kaniyang phone at naroon ang pangalan ng caller.

Sasagutin niya ba iyon o hahayaan na lang na tumunog?

Bumuga muna siya ng hangin bago tuluyang sinagot ang tawag.

“Hi!” Puno ng galak na saad ng nasa kabilang linya.

Para siyang hihimatayin dahil muli na namang niyang narinig ang boses na ilang araw niyang hinahanap-hanap. Ang boses na nagbigay ulit ng sigla sa puso niya. Ang boses na akala niya ay hindi na niya muling maririnig pa. Ang buhay niya ay tila nabigyan na naman ng liwanag dahil sa babaeng nasa kabilang linya.

FPS 1: His Illicit AffairWhere stories live. Discover now