Chapter 17

565 4 0
                                    

Chapter 17

“Tito Dad!” Masiglang sigaw ni Elara kasabay niyon ay yumakap ito sa kaniyang baywang. “Na-miss po kita, Tito Dad. Ano po ba ang ginagawa niyo rito at hindi pa po kayo ulit pumupunta sa bahay?” Kuryosong tanong nito sa kaniya.

Tumingala ito habang nakayakap pa rin sa kaniya. Siya naman ay tumingin-tingin sa labas ng pad sa pagbabaka-sakaling may iba pang taong naroroon. Ngunit bigo siya.

“Sino ang kasama mo, sweet pie? Bakit hinayaan kang magpunta mag-isa rito?” Hindi niya sinagot ang bata, imbes ay tanong din ang sinaad niya rito. Napansin niya kasing mag-isa lang na nagpakita sa kaniya ang bata.

“Don’t worry po, Tito Dad. I’m with dad po. Nauna lang po akong magtungo rito. ‘Buti na lang, I remember you’re unit number.”

Nabigla siya roon at naitapik niya ang palad sa kaniyang noo, naging masiyadong independent ang pamangkin niya. Hindi niya alam kung mabuti ba iyon o masama dahil una, bata pa rin ito. Mabuti na lang talaga at safe ang bata na nakarating sa pad niya.

Lumuhod siya para pantayan ang pamangkin. Kailangan niya ring pagsabihan ito dahil baka sa susunod ay hindi na ito swertehin pa sa gagawin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. “Sweet pie, I know I thought you to be independent. Pero huwag mo nang gagawin iyon sa susunod, okay? You have to be careful, too. You have to consider that you’re still a child. Paano na lang kung biglang may nangyaring emergency sa loob ng elevator? Na ‘buti na lang talaga at hindi nangyari. Naiintindihan mo naman ako, ‘di ba?”

Tumango-tango ito habang nakanguso. “Sorry po, Tito Dad. I just got too excited to see you again.”

“I know. It’s okay, sweet pie. Just don’t do it again.”

Niyakap niya ang bata at hinalikan sa noo nito. Eksaktong pagtayo niya ay siya namang nagpakita si Kraios. Hinihingal ito na para bang nakipag karera sa kung sinuman.

“Oh, thank God! Sh*t, I thought I lost you, anak. Inikot ko ang buong parking space, tinawag ang pangalan mo. I even thought some gang kidnap you. I even punched a security guard.” Niyakap nito ang anak at para na rin itong maiiyak habang nagsasalita.

He’s glad that his brother had a little change with his life. Kung maaga niya lang sana nabanggit sa kapatid ang anak nito. Baka sakaling wala silang problema ni Lyxhel ngayon.

“Sorry, Dad! Gustong-gusto ko na po kasi makita si Tito Dad kaya nauna na po ako sa inyo. Kahit na sinabihan niyo po akong hintayin kayo.”

“No, baby. It’s okay. Alam ko naman kung gaano mo na-miss ang tito dad mo. Just don’t do that again, okay? I love you!”

Hinalikan ni Elara sa pisngi ang ama bago ito niyakap. Matapos niyon ay pinapunta na ni Traios ang mag-ama sa salas habang siya naman ay tinignan muna ulit ang paligid bago niya sinarado ang pinto.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya tuluyang lumakad patungo sa salas. Komportable nang nakaupo ang mag-ama sa mahabang couch. Siya naman ay umupo sa pang-isahang couch.

“So, uhm, want something to eat, sunshine? Ikaw, Kuya?”

“I’ve already eaten breakfast po, Tito Dad. Gusto ko po mag-watch ng Barbie tapos kasama kayong dalawa ni Dad. And will you call Mommy Lyxhel, Tito Dad? Para kasama rin po natin siya ngayon.”

Hindi siya agad nakasagot. Para siyang nawalan ng dila. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin sa kaniyang pamangkin.

“Uh, I think you better get dressed, first, Traios. Tuwalya lang kasi iyang mayroon ka.”

Agad na napatingin si Traios sa kaniyang sarili. Tama nga ang kapatid, nawala sa isip niyang nakatapis nga lang pala siya ng tuwalya.

“Oh, I didn’t notice that po, Dad.”

FPS 1: His Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon