Chapter 12

683 10 2
                                    

Chapter 12

WARNING!: R/18!! BAWAL SA BATA. KAYA NAMAN KUNG IKAW AY 17 YEARS OLD PABABA, LAGPASAN MO NA LANG ANG STORY NA ITO.

Traios asked one of the househelp to find him a photo frame, the next day while they are having breakfast. Elara was enjoying her food while Jenevy was playing it like a child. Every time he looked at her, she would look at him angrily.

He had no time arguing with her. He will just ignore her until she gets tired whining like a child. Hindi siya pumapatol sa babae dahil ang turo ng namayapa niyang ina na ang babae ay iniingatan at minamahal.

His mother died in a heart attack when he’s 20 and he regretted leaving her. If only he stays, maybe she’s still alive. He would have taken care of her. She wouldn’t have felt that kind of pain.

“Dad, I’m done na po. Papasok na po ako sa school. Bye po!” Paalam ng anak sa kaniya. Lumapit ito para humalik sa pisngi at yakapin siya. Sinuklian niya naman ang yakap nito at hinalikan ito sa noo.

“Enjoy, okay? If you don’t get a star today, it’s okay, baby. As long as I know that you love learning and enjoying it. Huwag mong i-pressure ang sarili mo, anak. Understand?”

Elara nodded three times before she answered him. “Yes po. I understand, Dad. I love you po.”

“And I love you too.”

Nang ang ina naman ang balingan nito. Alinlangan itong lumapit sa babae pero lumapit pa rin ito. Yumakap ito bago mabilis na nagpaalam sa ina.

Hindi na kailangan pang magtaka ni Traios si Jenevy kung bakit ganoon na lamang ang trato nito sa bata. Noon pa man ay talagang malayo na ang loob ng babae sa anak. Mas madalas pa nga nitong pagalitan at bulyawan ang anak kaysa iparamdam dito ang pagmamahal na kailangan ni Elara.

Pero ayaw ni Traios na tratuhing iba ni Elara ang ina at mag kimkim ng sama ng loob kaya naman lagi niyang sinasabi sa bata na darating ang araw at mararamdaman din nito ang pagmamahal na hinahanap sa ina.

“Bakit ba hindi mo maiparamdam sa anak mo ang pagmamahal na kailangan niya? Hindi niya kasalanan na nabuo siya sa panahong hindi mo inaasahan. Just to remind you, you were careless. You were both careless and now, your daughter was the one that needed to suffer? What kind of a mother are you?”

Matapos niya iyong sabihin ay tumayo na rin siya. Hindi pa siya tapos kumain pero nawalan na siya ng gana. Inubos na lang niya ang kape bago tuluyang tinalikuran si Jenevy. Hindi naman siya hinabol nito. Hindi katulad noong mga pagkakataon na humahabol ito para lang makipagsagutan sa kaniya. Siguro ay napagod na rin itong kasagutan siya.

Dumiretso si Traios sa opisina niya na hindi naman niya talaga opisina. Ang mansiyon na tinitirhan niya ngayon ay hindi rin naman niya pag-ma-may-ari. Hindi naman kasi ito ang totoong buhay niya.

Iba ang buhay niya sa buhay na pumili ng buhay na ito.

Traios locked the door of the office. It is soundproof so no matter what he’ll say there, no one can hear it. He made sure the door is properly locked so no one can instantly come inside. When he’s sure that it was locked, he walked towards the swivel chair and sat there.

He opened his laptop and checked the emails but the one email he was waiting for wasn't still there. Naiinip na siya at naiinis na rin. Kaunti na lang ay malapit na siyang sumabog. Kung hindi lang importante sa kaniya iyon ay matagal na niyang isiniwalat ang lahat.

He was tired and helpless.

He left out a heavy sigh before he leaned his back on the swivel chair. He took his phone out from his pocket and went to his gallery. Then a picture popped out, the first picture was of Lyxhel and Elara having fun with the claw machine. He took a lot of stolen shots of them yesterday because he wanted to treasure the moment and memories.

FPS 1: His Illicit AffairWhere stories live. Discover now